bakit bakit bakit
Nagmahal ka na ba? Yung tipong hindi mo na alam kung anong gagawin mo para lang hindi mo ito maramdaman? Yung tipong halos nababaliw ka na? Yung tipong kung hindi ka lang mamamatay at magkakaroon ng damage ang utak mo ay iuuntog mo na ang ulo mo sa pader para lang makalimot?
Ako? Maraming beses na. Ang nakakainis lang bawat pag-ibig na dumarating sa buhay ko, mas matindi kaysa sa nakaraan, kaya naman mas masakit kapag tapos na, o kung alam kong hindi talaga uubra. Sabi nga nila sa english, not meant to be, at sa salitang kanto, olats.
Bakit nga ba tayo nagmamahal? Madalas kapag umiiyak ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi ko mapigilang tanungin ang Diyos, “Bakit ko pa naramdaman ito kung hindi naman pala sya para sa akin?” Hindi ko kasi makuha yung point kung bakit kailangang masaktan at lumuha kapag nagmamahal ka. Hindi ko maintindihan kung bakit may dumarating sa buhay natin na papaiyakin lang tayo at iiwanan, o kaya naman may makikilala tayong magugustuhan o mamahalin natin pero hindi naman pala sila pwedeng mahalin, mga taong hindi nakatakda para sa atin ika nga ng mga dalubhasa sa pag-ibig at fanatic ng destiny, kaya kahit anong gawin natin hindi talaga pwede. Anong sense nun di ba? Bakit pa kailangang mangyari kung hindi naman pala kayo magkakatuluyan sa huli? Para kasing nakakaloko. Tila pinagtritripan ka ng destiny.
Kaya nga paulit-ulit ang tanong ko, nasasaktan tayo for what? Umiiyak tayo for what?
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang dumaan muna tayo sa maraming heartaches bago natin makita ang talagang para sa atin. Bakit pa? Ang haba ba ng buhay natin para mag-aksaya kakahanap at kakaiyak tuwing mali ang dumadating sa atin? Sasabihin nila hindi tayo magiging tayo kung hindi sa mga pain at heartaches na pinagdaanan natin. Yung iba naman sasabihin kailangan yan para malaman natin kung ano at sino ang talagang gusto natin. Sige tama na sila sa argument na yan. Pero kailangan ba talagang mag suffer muna tayo bago natin makita yung happiness natin. Bakit? Hindi ba pwedeng ibigay nalang agad sa atin? Do we really have to suffer so much before we finally get it right? Kailangan ba talaga yon?
Madalas napapaisip ako, lalo kapag inlove ako at hindi ako nakikita ng minamahal ko dahil iba ang pinagmamasdan nya, naiisip ko lang, ang hirap mabuhay sa mundong ito, ang gulo, ang daming problema, ang daming nagugutom, ang daming may sakit, ang daming namamatay, ang daming gera, ang daming psychotic, ang daming disaster, siguro lang ha, mas gagaan ang dalahin natin kung lahat tayo kasama ang taong talagang kabiyak ng puso natin. Siguro mas magiging okay ang buhay kung pag-uwi mo sa bahay at pagkakita mo sa taong mahal mo mapapangiti ka at sasabihin mong wow! kahit 300 na ang kilo ng bigas ang sarap pa ring mabuhay dahil nandito ka at kasama kita. Hindi ba? Siguro hindi masyadong hassle kung hindi na nating kailangang dumaan sa mga heartaches kakahanap sa taong magpapangiti ng puso natin. Kahit yun na lang sana ang mamenus sa mga pasanin natin sobrang laking bagay na. Parang incentive nalang dahil sa hirap na pinagdadaanan natin simula ng mabuhay tayo at natututong lumakad mag-isa. Kahit pag-ibig nalang sana di ba?
Hindi ko maintindihan kung bakit pati ang pag-ibig eh dumadagdag pa sa mga problema ng mundo. Anong sense nun eh ang mabuhay nga lang ay mahirap na bakit kailangan pang magsuffer ang tao dahil sa pag-ibig? Eh hindi naman mabubuhay ang tao kung hindi siya magmamahal para namang ang boring nun at sa pagkakaalam ko hindi naman tayo mga bato o robot na gawa sa bakal at tanso. Ginawa tayong tao na may isip at may puso. Kaya given na na lahat tayo ay naghahanap ng pag-ibig. Hindi naman kailangang mahalin ka ng lahat ng tao, kahit isa lang sobrang okay na nun basta siya na talaga ang destiny mo.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan dumating ang isang taong mamahalin mo nang sobra pero hindi naman pala para sa iyo. Anong sense nun? Sana hindi nalang siya dumating kung pain lang naman ang ibibigay nya. Sana kaya nating kontrolin ang puso para kapag naisip ng utak natin na hindi yan pwede tumigil ka na, mapipigilan natin ang puso nating magmahal para hindi na siya masaktan kasi aksaya lang yun ng oras at luha. Kung hindi naman nakatakda bakit pa kailangan pang masaktan. Para saan? Bakit pa? Hindi ko talaga maintindihan.
Sana dumating na ang makakaimbento ng gamot kung saan kapag ininom mo eh erased na ang lahat ng sakit at masasakit na alaala, kung baga erased na ang nakaraan at pwede nang mag-start ulit parang malinis na papel na pwede na ulit sulatan. Gamot na hindi kagaya ng iligal na droga na kapag ininom eh magiging adik ka at pakiramdam mo ay nasa heaven ka na pare! Hindi ganun. Yung parang biogesic lang kahit walang laman ang tyan pwedeng inumin. Kahit sampung milyon pa yun bibilin ko, kahit mangholdap pa ako ng bangko, mawala lang ang lintek na sakit na nararamdaman ko dahil nagmamahal ako ng taong hindi naman pala para sa akin…
Ahahaha…
okay
mas madali kasing magsulat about love eh, saka umiiyak kasi ang puso ko ngayon kaya ganito ang mga sinusulat ko... ahahaha...
my soulmate is worth the wait..
^^v
marahil po mas nakakarelate ang ibang nagbabasa kung ang magiging tema ng kanilang katha eh pag-ibig. Iyon ay aking opinion lang^^v
i agree
parehas tayo ng iniisip... 
my soulmate is worth the wait..




:)
masyadong napakaraming nagsuslat tungkol sa pagmamahal at nasaktan... masmagiging kaigagaya ito kung dadagdagan mo ng bagong tema.
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
http://dyeppri.wordpress.com/