Bakit? Basta...
Ba't di kaya makuntento ang ibang tao at laging naghahanap ng sagot sa tanong na "bakit"? Ba't di kayo makuntento sa sagot na "basta"? Mga taong, pakatapos mo sagutin ng "basta" eh tatanungin ka uli ng isa pang "bakit"?
Wala daw sagot na "basta", laging dapat pula o puti, tama o mali, oo o hindi. Ba't di mo nalang kaya isipin na ang salitang 'basta' ay kasingkahulugan ng mahinhing pagsasabi ng 'ang kulit mo...pakyu'.
Ako'y isa sa mga tao kung mag-isip ay sobra, na tipong isa sa mga iniisip ko'y bakit problemado ang iba. Sa sobrang kakulitan ng isip ko, minsa'y ayoko ng argumento at lumulusot nalang sa sagot na 'basta'. Marahil alam ko na pakatapos ng isang maayos na sagot na hindi nila maintidihan ay kasunod na naman ang salitang "bakit". Kung may pwdeng awaying salita sa mundo eto na na siguro yun. Ibang "bakit" ito sa sa "bakit" na pinagsimulan ng teknolohiya. Ito yung "bakit" na galing sa nanay mo, pag nahuli kang naninigarilyo o nagnunuod ng bold. Eto yung "bakit' na galing sa syota o asawa mo pag-nahuli kang nambababae. O sa titser mong nahuli kang mangopya. Sa madaling salita, may mga bagay lang talaga na mas madaling sagutin ng "basta".
Bakit kaya?
hi
early bird catches the worm in this girl's case, an earlywalk catches the cute jogger on the road hahaha bye for now yolak i'm off to my morning walk.
bakit nga kaya?
Meron talaga sigurong mga tanong na saranteng sagutin dahil sa simple naman at sobrang dami pang mas importanteng pag-ukulan ng isip at pansin, yan ang paniniwala ko dati pero nung naging nanay ako at mas madalas tanungin ng dalawa kong anak tungkol sa mga bagay na sa tingin ko dati ay mababaw pero hindi pala, nakita ko na ang mga bata kaya nagtatanong ay gusto talagang malaman ang sagot yung kainosentehan ng kanilang paghahanap sa katotohanan ang nakapag-educate sa akin na lahat pala ng tanong ay dapat pag-ukulan ng pansin at isip kahit na simpleng "bakit lumulubog ang araw sa gabi" o "bakit kailangang matulog sa gabi" sa pag-uukol ng panahong mag-isip para sagutin ang mga simpleng tanong na yan ay natutuhan ko na kailangan talagang lumubog ang araw dito sa parte ng mundo ko para sumikat naman sya sa kabilang mundo at lahat ay mabahaginan ng sikat ng araw... at kailangan matulog sa gabi para makapagpahinga at makapag-ipon ng lakas para sa susunod na araw na laban ng buhay.
Pasensya na yolak kung ma-angas ng konti ang sagot ko medyo napapaisip lang nitong mga huling araw tungkol sa buhay.
Magandang Umaga.
Hang in there Ms Pau
No worries, i don't find your comment offending nor sarcastic in any way. It's nice to hear those words from a mom like you.
Although, yung "bakit" dito is more dun sa mga relationship ng mag bf-gf at mag-asawa, ako yung tipong taong iwas sa argumento talaga, yoko ng makulit, pero promise mabait ako sa anak ko... :)
Hang in there Ms Pau! Good mownin.
salamat
Ay naku pag tungkol dyan sa mga sagot na paiwas argumento eh ang asawa ko ang magaling sumagot nyan kung bakit? alam mo na yan hehehe gifted talaga ang mga lalaki sa art ng pag-iwas sa tanong ng gf at misis.
Salamat yolak!
para sakin ang "basta" ay
para sakin ang "basta" ay isa sa mga pinaka-kapakipakinabang na imbensyon. bakit? basta. hehe..
buti nagkakaintindihan tayo
bakit? basta...
mabuhay ang salitang basta...mamatay na magtanong ng bakit...lolz
mamatay talaga eh noh?
mamatay talaga eh noh? haha! sige ka, matatakot na sila nyan sayo. hahaha!




basta
eh di basta na lang baka magalit ka pag neg-explain ako na baka ipinanganak ka lang talagang malikot ang imahinasyon at matanong [sinagot din?] hahaha