bakit kaya?

ellise dominic's picture

hindi ako inlove pero masaya ako.  valentine's day pero hindi ako naiinis o naiinggit sa mga may date sa sunday.  ang weird masaya ako kahit wala namang masyadong nangyayari sa buhay ko.  siguro adik lang talaga ako.  ewan baka dahil laging may saging sa bahay.  sabi kasi sa studies nagpapasaya daw ang pagkain ng saging, nagpoproduce daw ito ng chemical na nagpapasaya.  kaya siguro walang unggoy na malungkot bukod pa sa sabi nila na wala daw unggoy na may tigyawat.  ewan ko anong konek ng pimples sa saging at unggoy pero nakakatawa. 

basta enjoy lang ngayong valentine's day.  eh ano kung single ka?  sus!  madami nga diyan may boyfriend nga balde-balde naman ang niluluha.  kaya okay na ang single.  basta bawal ang KJ, pag may nagpapangiti sayo, eh di go smile lang.  wala namang masama kung maging happy tayo paminsan-minsan, baka mamaya last day na natin sayang naman kung KJ tayo wag lang masabi na mushy tayo.  so what kung emo tayo mas corny naman ang parang si transformer walang pakiramdam, walang emosyon parang robot.  eh ano naman kung inlove tayo, crime ba iyon?  kung maganda ka go makipag date ka experience it baka bukas makalawa wala nang magyaya sayo magsisi ka pa.  kung walang nagyayaya sayo eh ano din manood ka ng dvd wag love story ang irerekomenda ko, the pursuit of happyness sigurado magugustuhan mo, makakapulot ka pa ng aral eh di hindi nasayang ang araw mo.  basta wag ka lang KILL JOY, enjoy lang kung anong nararamdaman mo.  kung hindi naman yan labag sa sampung utos eh di go sayang ang buhay kung palagi tayong nag-iingat o nagmamagaling.  eh ano kung magkamali tayo hindi naman tayo perpekto basta wag lang siguro papatay ng tao o mang-aagaw ng may boyfriend ng may boyfriend o karirin ang asawa ng iba, umayos ka!  pag taken na taken na, wag nang makulit.  sa dami ng tao sa mundo bakit ka mang-aagaw ng may nagmamay-ari na, adik ka ba?

ewan ko kung bakit masaya ako, hindi ito normal sa akin na laging malungkot at madaming hang-up sa buhay.  basta ang alam ko masaya ako at hindi ko alam kung bakit.  baka nga epekto ng saging to, dalawang saging a day, may potassium ka na masaya ka pa.  

teka baka sabihin nyo nagbibiro ako, totoo ang saging kailangan everyday kinakain kahit tanong nyo pa sa doctor.  hindi ako nagbibiro, gamot nga yan sa depression eh.  kaya sabihin nyo sa nanay nyo bumili ng saging araw-araw, pero wag ka namang over acting, dalawa lang ang recommended, baka karirin mo yang lahat maospital ka pa...

o siya happy valentine's sana lahat tayo masaya sa sunday!!!


Adlesirc's picture

Go Positive!

hehehe... may humor, values at trivia. hahaha

 

Lagi na nga rin ako kakain ng saging para maging happy din ako. Di kasi ako masyado kumakain non kasi mahirap daw magpupu pag kumain non. hehehe Naalala ko tuloy yung campaign ad ni Enrile-  "GUSTO KO HAPPY KA!"

Maligayang araw din ng mga puso sa iyo. =)

ellise dominic's picture

haha

thanks for reading ha

 

 

my soulmate is worth the wait...

ramtes08's picture

Hi ate cute

Sabi sakin ng Prof ko sa Ana-Physio   ang asaging daw ay nakakapag pababa ng libido(sex drive) ng tao,

 

 NO APRROVED THERAPEUTIC CLAIM..

Gawa kapa ate...

 

'its ok to grow up, just as log as you dont grow old'

ellise dominic's picture

thanks

thanks thanks thanks

 

my soulmate is worth the wait...