Bakit kayo nag-aaway?
Sabi ng mga manunulat, pinaka mahirap kalaban ang isang higanteng blankong papel. Isang papel na pawang lalamon sa mga ideya mong pinahinog ng mahabang panahon, at na sa kanyang pagluwal ay may sumisigaw ng "wala yan, utot lang yan". Pero sa ngayon, ang pinaka mahirap pala eh yung harapin ang mga kritiko.
Pero ang tanong, kung takot ka sa kritiko ba't mo isusulat sa isang blankong papel na nakikita ng buong madla ang pyesa mo? Sa isang banda, kung ikaw nama'y kritiko, hiningi ba ng may akda ang payo mo? Ang gulo.
Magulo't masaya ang buhay manunulat. At sa pag uso ng blog, iba't ibang manunulat ang mababasa mo sa internet. May mga gusto lang kumita, may gusto lang maging 'in', may gusto ng fans, may mga nagpapadiskubre, pero pinaka-buraot sa lahat ay yung nangongopya pa ng ibang mga gawa. Anak ng teteng.
Uunahan ko na ng komento sarili kong gawa, di ako marunong ng kung anu-anong mga panuntunan sa pagsusulat, gusto ko lang magsulat at malamang gusto ko may magbasa. Para sakin, pag naunawaan ng mambabasa ang gawa ko, masaya. Di ako matalinhaga, gusto ko deretsahan. Kaya malamang walang magbasa nito sa inis.
Minsan na din ako naaway sa sa isang yahoogroup ng mga writers, sabi ko lang naman, kung pwede magsulat sa simpleng ingles ang mga manunulat para mas marami makabasa eh, aba, ayun, inulan ako ng komento, ba't daw ba ko nakiki-alam. Oo nga naman, pero ang akin lang, baka lang naman gusto nila diba? Di ko naman pinipilit eh. Nagbabakasakali lang. Kasi sa totoo, gusto kong maintindihan yung mga gawa nila, kaso di ko talaga maabot eh. Parang gusto ko sabihing naiintindihan ko yung mga gawa ni Shakespeare pero ang totoo mas natutuwa ako kay Bob Ong.
Ewan, basta alam ko, marunong ako magsulat. Di ko lang alam kung may gusto magbasa ng gawa ko.
-no comments allowed- joke lang! Peace.
Salamat!!!
Salamat sa komento, pero mas nagpapasalamat ako at di ka nainis.
Minsan din ako nagsulat sa DOS para sa isang sitcom. Dun ka matakot sa kritiko, dahil nag-aanyong mga pulitiko. Titirahin ng kunwari yung gawa mo pero lumipas lang ng ilang buwan, ayun, palabas na pero di ikaw ang may gawa. Kaya sana sa mga baguhan, wag lang matakot sa komento, di mo pa nararanasang manakawan ng gawa. Para naman sa nanakawan, lam mo na kung ano ibig sabihin nun. May silbi ka sa mundo. Lolz.
Salamat muli....
You're Welcome! :D
Copying other people's work and not paying-- let alone, give them credit for it is a crime. It's vulgar. But it happens. If it were in the States, you can easily sue them for more than the hours you toiled on your writing. Tough world we live in. In the Philippines, not only are you poor but you can't sue anyone cause you'd lose more than a few pages of ideas.
A good evening to you Yolak! :)
idol mo din si bob ong?!
ang astig nun ni bob ong eh. dahil sa kanya, pinagpatuloy ko yung pagsusulat ko. nagkaron kasi ako ng identity crisis nung medyo bata-bata pa ko (mga 12 y/o ata ako nun).haha, astig yung mga prinsipyo nya sa buhay. prangka, pero malalim pa din kahit papano. he dared to make a change.
balik tayo sa'yo, hehe. lam mo po ung trip to quiapo ni ricky lee? binanggit dun yung linyang "nakarating na sila lahat sa quiapo, bakit ka pa pupunta doon?", tipong nagawa na nila yung ganun, bakit mo pa gagawin? kung gusto mong magkaron ng marka sa mga taong napakarami nang nabasa at babasahin pa, kelangan mong maging iba.
ayun lang po,, ^^
Oo
Oo magaling si Bob Ong, at kung tao sya, di ako magdadalawang isip na pumila sa mga book signing nya. Di ko din alam kung bakit ganito ang istilo ko ng pagsusulat, ano nga ba ang iba? Pano maging iba? Sa palagay ko kasi lahat na nagawa sa mundo. Di ako masyado sa istilo kundi dun sa laman ng sulat ko. Ayoko ding gumawa ng marka, gusto ko lang mag-sulat. tamad ako ngayon, yaan mo pag sinipag ako at nagbalak na sumali sa Palanca, tyak pag-iisipan ko kung ano yung ibang istilo na sinasabi mo. sa ngayon, enjoy mo at tyagaan nyo muna yang sulat ko. Lolz
Salamat pa din sa komento. :)

Hello Yolak! I like your name by the way!
Pero sa ngayon, ang pinaka mahirap pala eh yung harapin ang mga kritiko.
I completely agree with you. It is hard for many, particularly amateurs to hold onto what dignity they may have to face criticism.
Pero ang tanong, kung takot ka sa kritiko ba't mo isusulat sa isang blankong papel na nakikita ng buong madla ang pyesa mo?
Sa isang banda, kung ikaw nama'y kritiko, hiningi ba ng may akda ang payo mo? Ang gulo.
By showing us your work, you are asking us for our own opinion. That is how it works whether you like it or not. Because if we happen to like it, then it tells you you're "in." People's opinion are either a ticket of admittance or a shove to the exit. Take it or leave it.
Magulo't masaya ang buhay manunulat. At sa pag uso ng blog, iba't ibang manunulat ang mababasa mo sa internet. May mga gusto lang kumita, may gusto lang maging 'in', may gusto ng fans, may mga nagpapadiskubre, pero pinaka-buraot sa lahat ay yung nangongopya pa ng ibang mga gawa. Anak ng teteng.
Aha ha ha ha! Indeed! There are many kinds of people you'll meet online. You can never tell who or what they really are. So never assume until you have concrete evidence.