bakit maalat ang dagat
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}
bakit maalat ang dagat?
by paul mark japson
Mataas na ang araw nang pumalaot kami ni tatay, ngunit ang sikat niyaon ay dahan-dahang ikinukubli ng mga ulap. “Baka wala na kaming maihaong isda,” pag-aalala ko, habang tahimik na nag-aabang sa dulo ng bangka. Ang bughaw na tubig ay humahampas sa aming sasakyan. Mayroong paminsang gigewang ang bangka – sa kanan, sa kaliwa – habang pinagmamasdan kami ng nakaantabay na abuhing kalangitan.
Sabi ni nanay kaninang umaga, “Ay, Joel, huwag ka na munang pumalaot. Makulimlim, baka uulan.” Hindi naman iyon ininda ni tatay. Lagi niyang isinaalang-alang ang aming ikinabubuhay. Kung hindi siya mangingisda ay wala kaming kakainin. “Sige na Joel, huwag ngayon,” patuloy ni nanay. Makulit si tatay. Kaya’t pumalaot siyang kasama ako.
Hindi ko nasisisi si nanay kung siya’y mag-alala. Noong unang namatayan daw sila ni tatay ay umuulan daw. Sa lakas daw ng hangin at paghampas ng mga alon, tumaob ang kanilang bangka at inanod ang Kuya Roel ko. Nakaligtas si tatay.
“Anak, maghintay ka lamang diyan at maya-maya lamang ay may pambirtdey ka na,” pag-aalo sa akin ni tatay habang abalang naghahagis ng lambat sa dagat. Sa bawat pagtama ng lambat sa mukha ng dagat ay ang pagtilamsik ng maalat na likido. Sa pagkislap ng liwanag sa mga butil ay ang kagandahang iniaalok nito. Oo, maganda nga ang dulot niyaon, ngunit wala nang gaganda sa isang hapag na puno ng pagkain. Lalo na sa araw na ito. Ito ang araw ng pagsapit ng aking kaarawan. Sa araw na ito, may handa; sa arawna ito ako ang bida, ang paborito ng mag-anak. Ilang taon na ba ako? Binilang sa daliri ang edad – isa, dalawa, tatlo – ah, oo, sampung taong gulang na pala ako.
Sige lang sa paghampas ang alon. Inuuga ang aming bangka. Nahintakutan ako sa bawat pagnginig at pagtabingi ng aming barku-barkuhan. Hindi maiaalis sa akin na maalala sa mga oras na iyon ang aking mga kapatid na kinuha ng dagat. Naalala ko si Kuya Noel. Kaarawan din niya noon nang pumalaot sila ni tatay. Abala daw si tatay sa paglalambat kaya’t hindi niya namalayan na wala na pala si Kya Noel. Sabi ng mga kapitbahay namin, malas daw kami kapag sumasama kami sa aming tatay, ngunit ayaw naming maniwala.
Tama, hindi ako naniwala sa kanila. Nagpumilit akong sumama kay tatay. Ngayong kaarawan ko, magagawa ko kahit anung naisin ko. Lumapit ako kay tatay at nakiusap na isama ako sa pangingisda. Sinabi kong nais kong makita ang ginagawa niya gayong ang nais ko lang ay Makita ang kagandahan ng karagatan, ang ganda ng tanawing pumapalibot kay tatay sa tuwing siya’y papalaot. Nais kong makasama si tatay sa pagpalaot hanggang ako’y mahapo; hanggang lumubog ang araw; hanggang kami ay umuwi.
“Tay, anung handa natin?” tanong ko. Biglang katahimikan. Tanging ang ingay ng mapaglarong alon na humahampas na aming bangka ang maririnig. Nilingon ko si tatay. Nanatili siyang nakatayo sa dulo ng bangka. “Tay?” tanong kong muli.
“Ah, eh, anak,” sabay hikbi. Hindi ko alam kung iyon ay hikbi o hikab o dighay. Hindi ko na iyon pinansin pa. “May manok mamaya, at kahit na anong ulam ang naisin mo,” paninigurado niya. Masaya na ako sa narinig. Inaabangan ko na ang pagdaloy ng masarap na sabaw sa aking dila at lasapin ang ninamnam ng malambot na karne ng manok. Ah, nakakapglaway talaga ang lasa ng tinola.
Ibinalik ko ang aking tingin sa malawak na dagat. Minasdan ang pagsayaw ng mga alon, ang pag-indayog ng aming bangka. Napakasaya talag….
Sa katahimikan ay pumailanlang ang paglagutok ng mga buto at ang pagtama ng katawan sa karagatan. Kasabay ng paglubog ng kabuuan niya’y ang pagpatak ng mga luha sa karagatan. Hinihingal pa sa bilis ng pangyayari. Hindi siya masaya sa nagawa. Umiyak siyang parang bata. Umupo at niyakap ang tuhod, gaya ng isang sanggol sa sinapupunan ng ina. Pinipigilan niyang huwag umiyak, ngunit ang mga luha niya’y ayaw paawat sa pagdaloy. Pilitin mang pahirin, ayaw maiwaksi. Hinayaan na lamang niyang dumaloy ang masaganang luha mula sa kaniyang mata.
Ilang sandali pa’y pinahid niya ang luha, pinigilan ang paghikbi. At gamit ang duguang sagwan, umuwi si Mang Joel nang mag-isa. At kasabay ng pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan ay ang pagdaloy ng luha at dugo sa karagatan.
nagsisimula na naman akong magsulat...
maraming salamat po
salamat po sa inyong puna...
yung sa oras po ng pangingisda, inaamin ko pong nagkamali ako dahil hidi ko po talaga alam ang tamang oras ng pangingisda...lumaki po ako sa kabundukan ng Cordillera kaya po ganun ang aking nagawa...
susubukan ko pong sa susunod na gagawa ako ng kwento ay isaliksik maigi ang mga detalye ng aking kwento...
maraming maraming salamat po


Bakit Maalat ang Dagat?
Maganda ang pagkakalarawan sa mga kaganapan, sapat lamang ang mga naunang mga talata para makapagbigay nga idea sa mangbabasa... kung paano at bakit ganoon natapos ang kweto...
puna:
"ang karaniwang pangingisda ay sa gabi ginagawa kung saan walang buwan upang ang sulo o ilaw na dala ng naglalayag ang syang susundan ng mga isda... sadyang mahirap manghuli ng isda sa araw, madali lamang ito kung mayaman ang karagatang nasasakop"
Mas kapanapanabik sana kung sa gabi ito naganap at kinabukasan ang kaarawan ng tauhan sa kwento... at bago maglipat petsa ay doon nangyari ang pagtatapos ng kwento... (hindi nga laman maisasalarawan ang ganda ng karagatan sa gabi)
Ganun pa man maayos mong nailahad ang naisin mo....
Kahirapan ang dahilan kung bakit maalat ang dagat!
Keep up the good work!
Lemmor Larrab Setneuf