bakit nga ba?...
....haizt bakit nga ba ganon ang mga ibang tao ngayon?....
ang gulo-gulo ng mundo... minsan masaya at minsan naman malungkot?...
hindi ba pwedeng araw-araw na lang masaya? hindi ba pwedeng maging maayos at walang problema ang buhay natin?...
tulad na lang ng isang babaeng isip ng isip sa kanyang dating minamahal... hindi niya alam kung bakit... siguro naguguluhan siya bakit humantong sa ganon ang relasyon nila...
oo masaya siya dati pero hindi nagtagal nawala rin ang saya na lagi niyang nararamdaman pagkasama niya ang kanyang minamahal..dahil dumating ang araw na hindi na siya ang laman ng puso nito... dahil ang taong minamahal niya ay nakahanap na ng iba na sa tingin niya ay mas mahihigitan siya...
sabihin nating tinanggap nga niya ung paghihiwalay nila.. pero siguro bandang huli nagsisisi pa rin siya bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang taong yon.. na kahit sabihin niya sa ibang tao na wala na yon sa kanyang isipan ngunit sa kaloob-looban, yun at yun pa rin ang laman ng puso't isipan niya...
isip siya ng isip don sa taong yun... lagi niyang naaalala ang masasayang araw na magksama silang dalawa.. lagi niyang binabalikan yon tuwing gabi bago siya matulog.. minsan may parang tumutulak sa kanya at sinasabing kausapin mo siya at makipag-ayos ka sa kanya... pero minsan naman iniisip niya bakit kailangan pa niya itong kausapin kung ito naman ang may kasalanan ng kanilang paghihiwalay.. at hindi maganda na siya ang lumapit sa taong yon na siya pa itong babae...
ngunit naisip niya ba kung iniisip rin ba siya ng taong yon?... naisip din ba niya na kung ano ang estado ng buhay ng dati niyang minamahal ngayon?.. sumagi ba sa isipan niya na baka masaya na yon at walang kaproble-problema sa buhay na kasama ang pinagpalit nito sa kanya..?
oo masakit pero kailangan nating tanggapin ang lahat ng bagay na para sa atin ay napaka-hirap tanggapin... pero yun talaga ang nararapat na gawin natin... kailangan nating hanapin muna ang sarili natin kung san ba talaga tayo masaya... at simulan natin ang bagong umaga na mailawalas at magaan ang ating damdamin.. na walang iniisip na iba..


