Bakit sa napakarami kong tanong, wala kang maisagot?

sinta isaac's picture

 

 

paano mo isusulat ang isang kwentong alam mong kahit kailan ay hindi niya babasahin?

pano mo iguguhit ang larawan ng kanyang mukha kung kahit kailan ay hindi siya nagpakita sayo?

pano mo isusuko ang isang bagay kung alam mong hindi naman ito mahalaga sa kanya?

pano mo siya ililigtas kung kung ibang pangalan ang isinisigaw niya?

pano mo siya hihilain pataas kung mas gusto niyang mahulog?

pano mo aabutin ang kamay niya kung kahit kailan ay hindi siya humawak sa iyo?

Pano mo siya lalayuan kung kahit kailan ay hindi kayo nagkalapit?

pano mo siya hahayaang lumipad kung kahit kailan ay hindi mo siya naikulong sa iyong mga palad?

pano mo siya pakakawalan kung kahit kailan ay hindi mo naman siya nahawakan?

Pano mo siya kakalimutan kung alam mong hindi ka naman niya inisip kahit saglit?

pano mo siya iiyakan kung alam mong ang mga luha mo ay isa lamang malaking biro para sa kanya?

paano mo siya aalisin sa iyong mga panaginip kung alam mong ang isang gabing hindi mo siya maiisip ay mauuwi lamang sa bangungot?

pano mo siya ngingitian kung kahit kailan ay hindi ka niya tinignan?

pano mo sasabihin sa kanya ang damdamin mo kung hindi ka rin naman niya pakikinggan?

pano ka pa kakapit sa kanya kung hinihingi na niyang bumitaw ka?

pano mo siya papaalisin sa utak mo kung kahit hindi mo siya papasukin ay matagal na panahon na siyang tumira sa loob ng puso mo?

Papaano nga ba ang ibigin ka?


hectorolympus's picture

panahon

dahil kung minsan, may mga tanong na sadyang walang kasagutan.....

at ang ilan nama'y panahon lamang ang makapagtatakda kung kailan darating ang kasagutan (kung darating man).

sinta isaac's picture

at ang iba...

at ang ibang tanong nama'y wala talagang aangkop na kasagutan,

at ang ibang tanong,

minsan,

mas magandang maging isang tanong na lamang.

hectorolympus's picture

maging tanong na lamang

dahil ba ang sagot ay maaaring maging daan lamang na masaktan ang isang tao?

sinta isaac's picture

oo

maaaring ganoon na nga...

aireen's picture

paano nga ba?

paano mo masasabing kayong dalawa, kung kahit kaylan naman di sya pwedeng maging sayo?

paano mo ipagtatapat ang damdaming di naman nararapat isiwalat?

paano mo masasabing masaya ka.. kung sa bawat oras puso mo nama'y may kaba ?

paano mo sya maaangkin kung ang bawat isa nama'y pag-aari na ng iba?

paano mo ipagpapatuloy ang pag-ibig na di nararapat?

paano mo sya aalisin sa iyong panaginip kung parating sya ang laman ng isipan mo?

paano mo malalaman kung may patutunguhan nga ba ang damdaming ganito?

paano mo malalaman kung hanggang kaylan sya kakapit sayo?

paano..? paano?

paano nga ba sinta?

haist!

 

"pano mo siya pakakawalan kung kahit kailan ay hindi mo naman siya nahawakan?  " ----> haaaayyyyy....

 

cheers!

aireen

 

 

 

sinta isaac's picture

mahirap

napakadaming tanong...

 

pa'no nga ba? kahit isang eksperto sa siyensiya ay hindi iyan masasagot...

minsan, magpumilit man tayong mabigyan iyan ng kasagutan, hindi din natin alam kung hanggang kailan natin ito panghahawakan...

 

kampai para sa ating mga makukulit na utak na ayaw tumigil sa pagsasaliksik ng bagong tanong at lumang sagot.

 

x

aireen's picture

haaayy.... ngunit minsan

haaayy.... ngunit minsan kahit nasa harap mo na ang kasagutan.. nagbubulag-bulagan ka na lamang, sapagkat di yaon ang gusto mong maging sagot sa mga tanong mo..

hopeful

wishful

dreaming..

haist!

kampai sinta!

aireen

sinta isaac's picture

minsan kasi,

minsan kasi, masarap magbulagbulagan...

lalo na kung pag ibig ang dahilan.

 

 

 

Kampai agapay aireen...

gamitan ng formula

pinabasa ko sa mga classmates ko an blog mo sa writers net, tawa sila ng tawa sa mga formula mo bout certain things, pagisipan ko pa kun sundin ko formula mo sa moving on.hekhekhek.

kita ko si kris sa fwenster mo, nklabas na pla ng selda, hanep pla byuti nun muka wax, pran di totoo. lost soul nga daw sya ei, astigin ang braces, usngal cguro yun dati, hekhekhek. nilalandi ka lan nun, pokpok yun ng CEU, harharhar.

Crush mo ba yun?

Yucky eman.

Jowk.

nga pla, ganda nito ah. muntik ko na akalimutan mag comment.

singing mode

parang naalala ko si granada at si dessa

 

ung una sa " paano mahalin ang katulad mo"

at ang huli sa "paano"

 

hindi ko rin yan masagot ngaun sinta...

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

sinta isaac's picture

salamat

salamat talulot...

darating din ang panahon na kahit papaano, may maiisip tayong sagot.

 

 

salamat sa pagdaan.

sinta isaac's picture

si kris

nagpapahanap, eh di hanapin...

kaso, s'ya ay nagtatago sa loob ng selda sa kanyang mga braces. :)

'di ko s'ya crush, hanga lang ako sa kanya, kay talinong tao kasi tsaka s'ya ang dream girl ng kaibigan ko kaya para sa kanilang dalawa ang selda ni kris. asa kang may gusto ako dun.

 

tama ng friendster at pag co comment dito sa FW, pumasok ka, nag cu cut ka na naman ng klase. loka.

 

 

 

artykhulit's picture

?

tumigil sa pagtatanong, sa halip, pilitin mong baguhin ang iyong istilo sa pagsusulat.

sinta isaac's picture

napipikon na ako

hindi ko na alam kung ano ba gusto n'yong baguhin ko ate khulit?

sige na nga,

magaling na kayo. wala na nga ako sinabi.

jonsdmur's picture

Bakit sa napakarami kong tanong, wala kang maisagot?

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Dahil hindi alam ang sasabihin...

Dahil baka makasakit ng damdamin.. kapag hindi maganda ang sasabihin...

Minsan talaga may mga tanong na kay hirap sagutin....

Naaliw ako sa post mo..

Keep posting Sinta

jons

aligaga's picture

minsan ang mga tanong...

ay hindi kailangan ng sagot...

 

minsan, ang mismong sagot ay nasa tanong na talaga mismo..

 

ayon.

 

alala ko kaibigan kong kung magkuwento ay tanong lahat ang gamit.

sinta isaac's picture

...

o mga katanungang bumubuo sa mga kwento na pinaliligiran ng iba't-ibang kasagutan...

o kaya'y mga katanungang hindi kailanman maaaring magtapos sa tandang pananong kundi sa mga gamo gamong tuldok.

A sorta fairytale with you...

scherle's picture

Mga katanungan namamayagpag

Mga katanungan namamayagpag at pumupuno sa ating kaisipan.  Mga katanungan siya lamang at siya ang makapagbibigay ng kasagutan.  Maraming paano... Kung sana'y nabigyan lamang ako ng pagkakataong maipadama man lang kahit papano..Ano nga ba itong kinasadlakan... 

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

jode_abbot_1988's picture

^^v

Sadyang madaling magtanong ngunit kay hirap namang hanapan ng sagot^^v.

scherle's picture

Sadya nga yatang may mga

Sadya nga yatang may mga katnungang hindi mabibigyan ng kasagutan kailan man... 

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

neutron's picture

grabe. nakarelate ako sa ginawa mo

ang galing. ngayon ko lang to nabasa at tinamaan ako. hahaha.. naalala ko tuloy ung mga panahong focused ako sa taong akala ko naman eh magiging kami at pinaniwala ko naman ang sarili ko na ganon. pero past na un. naka get over na din.

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

sinta isaac's picture

...

 

Salamat sa inyong pagbabasa mga kapatid. :)

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


dyeppri's picture

ako din magtatanong...

paano ka lalaban gayong sa umpisa pa lang ay alam mong talo ka na???Cry

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

scherle's picture

Kay hirap umasa sa wala.

Kay hirap umasa sa wala.  Ngunit kelan nga ba malalamang umaasa ka nga sa  wala.. sadyang kayhirap at kaygulo.. 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live