Bakit walang palamuti ang kabaong ng minerong namatay sa gutom?
Bakit walang palamuti ang kabaong ng minerong namatay sa gutom?
(Huwag n'yo ako titigan ng ganyan. Titigan n'yo ang bangkay sa inyong harapan. Bangkay ng taong nagmimina ng ginto, pero siya pa itong namatay sa gutom, sa lason. Lasong nakamamatay! Ano'ng ginawa n'yo para siya'y iligtas?)
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong ng
minerong namatay
sa gutom?
Dahil
noo'y nilamas-lamas
ang mahubog na bundok
at gigil na kinalbo
ang birheng gubat.
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong ng
minerong namatay
sa gutom?
Dahil
ang bato'y biniyak
at kandarapang kinatas
ang ginto't pilak
na namumulaklak.
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong ng
minerong namatay
sa gutom?
Dahil
walang pakundangang
dinagit ng buwitre
ang yaman sa bituka
ng tinubuang lupa.
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong?
Bakit
walang palamuti
ang kabaong ng
minerong namatay
sa gutom?
Dahil
ang hiyas kalauna'y
binuli't hinugis.
Alahas para sa dayo,
sa kanya'y mabahong burak.
(Sana multuhin n'ya kayo sa tuwing ididisplay n'yo ang inyong kuwintas na 24-karat gold!)
Nobyembre 2003
reply
Anakngfaraon, tumpak ang sagot mo sa tanong na yun. Para ito sa mga nakikibaka laban sa large scale mining ng mga dayuhan sa bansa. Let's commemorate Earth Day!
dahil mas mahalaga sa
dahil mas mahalaga
sa dayuhang kapitalista
ang makukulimbat na yaman.
dahil ang ating pamahalaan
ay nag-aanyaya sa sinumang
may kakayahang
manggahasa sa kalikasan.
dahil kailangan ng pambayad
sa malaking pagkakautang
na hindi naman napakinabangan.
kaya't ang nagdurusa
at patuloy na pinagsasamantalahan
ay ang kalikasan, ang sambayanang
lubog sa baha, lubog pa sa utang.
pakibasa na rin po nito:
http://www.cbcponline.net/html/statementonmining.html
salamat sa iyong napakamakabuluhang tula dennis.
- amos tarana 
A poet must also learn how to lead an attack
- Ho Chi Minh
reply
amos, salamat sa paghahagilap ng sagot sa tanong na nagpapaalala sa atin na pahalagahan ang bayan at likas na kayamanan :)
reply
nbasa ko ung statement, at sa ngayn mas malawak ung campaign laban sa dayuhang pagmimina...familiar ako sa usapin ng pagmimina, having been a reporter covering the environment..thanks :)
oo nga e 'no! parang gagong
oo nga e 'no! parang gagong walang katwiran ang katotohanan. chareng!
ayos!
ganda ng title at ng nilalaman..
reply
salamat sa iyo Adlesirc...nanalo ang piece na ito sa poetry slamming ko April last year na may temang: environment. Ito'y sa Ricco Renzo Galleries sa Makati. Let's commemorate Earth Day!
i am moved!
full of emotions... mukhang masarap bigkasin sa harapan ng madla!!!
worth winning!
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
reply
maraming salamat, talulot :)
id like to hear somebody else read or perform that poem of mine, it wud be a nice treat. anyway, me english translation na din ito, abangan!
dahil...
dahil ang gintong hinukay niya ay dumaan lamang sa kanyang mga palad ngunit sumilid sa bulsa ng iba
kung paanong ang mga palay ay dumadaan sa karit ng mga magsasaka subalit bumubusog sa ibang bituka
tawag sa tagalog niyan, kabalintunaan o irony...
reply
korek ka dyan Lyds78!
maraming talagang kabalintunaan sa mundo..gya ng tinuran mo, pati ng tinula ko..maraming salamat :)
environmentalist ka ba?
Kung gusto mo nang malalang pangyayaring ibinunga ng mining, i-research mo iyung nangyari sa Mankayan, Benguet. Madalas akong pumunta ng Baguio at marami rin akong friends na may kamag-anak na minero. Masalimuot ang buhay nila, mapanganib at puno ng pakikipagsapalaran. Imagine, sa iilang gramo ng ginto pwede pa silang mamatay sa iba't-ibang aksidente sa loob ng minahan pero wala namang ginagawa ang mga may-ari ng minahan para tulungan ang mga pamilya nila.
Hay, buhay! Sulat ka pa nang marami!:)
may tito akong minero,
may tito akong minero, may kapitbahay na minero, may mga kakilalang minero sa Benguet. mahirap ang buhay minero.
makabag-damdamin ang iyong tula...
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
noong 2005, gumawa ako ng
noong 2005, gumawa ako ng research sa mining sa Rapu rapu island. kalunus-lunos ang kalagayan ng mga tao roon. Tpos si Dan Campilan ang gumawa ng report sa TV. Ako nagfeed ng info.
salamat sa yo , ruth :)
dahil siya ang naghukay
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
iba ang yumaman.......... ganyan talaga ang buhay...
Keep on writing!
jonsdmur
dahil...
dahil wala siyang pag-aari hanggang malagot ang kanyang hininga
ngunit may gintong tula kang inialay para sa kanya!
"reason is ubiquituously necessary to ascertain like a thirst to quench or a hunger to slake or you'll die like a beggar" ~mywildmind







bakit?
dahil siya ay minero, at hindi may-ari ng minahan.
parang yung mga magsasaka din (na mas mahalaga pa nga ang ginagampanang tungkulin). pinagsasamantalahan dahil hindi sila ang may-ari ng sinasakang lupa. (or sa kanila talaga yung lupa pero kinakamkam ng may yaman at may kapangyarihan)
http://katya14.multiply.com/journal