BAKTOM?
Submitted by makoy on March 20, 2010 - 3:15pm.
discrimination and acceptance!
Isinilang akong ganito
Ngunit, hindi ko ito ginusto
Pero, dikta ng puso ko,
Dito ako, magiging masayang totoo.
Turing sa ami'y iba,
Kakatwa, hindi dahil sa aming itsura
Kundi pagkatao namin ang siang nakikita
Laging mali sa kanilang mga mata.
Sa lipunang, sadyang si Eba at Adan ang namamayani
Mga katulad namin, iba sa nakakarami
Sa isipan nila'y kami'y imoral at marumi
Pero kung tutuusin nama'y pare-pareho lang kaming
may tinatanging, maitim na BUDHI.
» makoy's blog | login to post comments | 245 reads

