Barya

aybi's picture

 

Handa ka bang magkaloob ng kahit konting barya sa taong lalapit sayo?

O di kaya lalakad palayo upang umiwas sa nanlilimahid nyang mga kamay?

Handa ka bang magbawas ng kahit konting barya sa bumubukol mong pitaka?

O nanghihinayang ka sa konting halagang mawawala sayo?

 

Tila ata ugali na ng tao ang umiwas sa maduduming kamay

Na pilit iniaabot para humingi kahit konting awa...

Sa pag aakalang sila'y umaarte lamang

O di kaya'y nanlalamang ng kapwa...

 

Pero diba mahirap ang ganung pag arte?

Ang umarte sa harap at patunayang wala ka ni dyes...

Ang patunayan sa lahat na siya'y mahirap at walang wala...

 

Sinong maniniwala?

Ang mga taong may naitatagong barya...

Ang mga taong madaling maawa...

Ang mga taong nakikisimpatya...

Ang mga taong itinuturing na nagpapauto lang ng iba....

Pero di ba ito'y kahanga-hanga?

 

Ikaw?

Handa ka bang magbigay kahit limang pisong barya?

Handa ka bang manlimos sa nanlilimahid na kamay?

Handa ka bang mamahagi?

Sana maging handa ka tulad ng iba... 


Yuco's picture

mas maganda magabot ng

mas maganda magabot ng pagkain kaysa pera o tumulong sa mga NGO na kumakalinga sa mga tulad nla. baka maslalo lang sila mapasama sa BARYA.

 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

chris2pei's picture

wow!!

ang gnda ng iyung pinapahiwatig sa iyung tula, syempre isa rin ako sa hndang tumulong khit kaunti dahil sa tuwing may  nkikita akong ganun naawa tlaga aku, swerte tyu at may nakakain tayo pero sila...wala T___T

ang gnda ng iyung tula, Mabuhay!!  

kukakk's picture

me dalawang mukha ang

me dalawang mukha ang barya, gayun din ang me hawak  at ang makakatanggap nito. Ang sabi  mas maganda bigyan mo ng pagkain, pero mas magandang turuan mong mangisda, di naman lahat pero yun iba ayaw magpaturo.