Basura sa FW (alay sa mga jologs at mga jejermon...hehehe!)
Basura ng FW
Siyam na oras na akong nakatitig sa bawat letra
Delete at backspace ay halos matingkab na
Kuko sa daliri ay unti-untiing inuupod
Utak ay malapit ng kapitan ng uod.
Mga ideya kay hirap ilahad
Baka balatan at tuluyang mahubad.
Iniingatang pangalan na inalagaan
Sa ilang muskripto baka idulot, kahihiyan.
(After 5 days and 28 minutes)
Tumatalon ang aking puso
Sa nabuong akda, binubuo ang pagkatao.
Handa ng ihayag sa mga kagaya mong naniniwala,
Sa Sining at kultura mailapit natin sa madla.
Ngunit ng buksan ko ang recent post
Sangkaterba ang blog, OMG. Laos
ang beauty ng lola mo… mga Jejermon,
sulatin na dapat lang nananatili sa kahon (in-box).
Gugustuhin ko pa bang ilakip ang pinaghirapan
Gay’ong para ko na rin itong sinama sa basurahan.
Kawangis ng gawang bold movies na pito-pito,
Mga muskripto na tinatapos nang isang segundo.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nabuo ang jologs na tula na ito dahil sa sintemyento ni Luca....Maniwala ka man o hindi ay tinapos ko ang mababaw na tulang ito (upang kanilang maintindihan ng lubos) nang limang-daang segundo lamang upang makiisa sa mga jejermons na nagpapasa ng mga gawang 'HINDI" pinag-isipan, pinag-aralan, siniyasat at mga pawang pag-uubos lamang ng oras sa mga mambabasa. Siyet-okinam...dugyot.
Pabati: Hi Kuya Rom, Spike, Anne, Jonds, Melanie, jLuna,Patrickman, Ka Noel,Sagwil, Adle, Rj, Eloy, tbd, ruthM, Alex, at mga nakaligtaan ko na. Mga kagrupo na maituturing na talagang naghahanda at nagpapakadalubhasa upang makabuo ng isang "tunay" na masasabing gawa. Thanks!!! Party-party...
Abangan: Ang binubuo kong bagong Nobela * Ebidensya at Hustisya. Kung nanonood ka ng X-file, Fringe, The Guard at iba pang mga crime story ay magugustuhan n'yo ito (sana!) dahil ang bawat isang pahina ay hindi tinapos ng madalian o ilang segundo lamang...hmmmmm--- mga hundred million seconds lamang naman.wehehehe!!!
Inaabangan ko na yan! Haha!
Inaabangan ko na yan!
Haha! At least, Kuya, ay natigil na ang kanilang paghahasik ng lagim.
kuya dyep, si anne at
kuya dyep, si anne at adle ay iisa lang :) maraming salamat sa pag-alala. aabangan ko ang nobela mo.
ingat!
adlesirctavas.blogspot.com
okay ah!
nabuo na ba ang nobela? o baka naman nahuhuli lang ako sa balita at matagal nang natapos....... tagal ko nang di nakakakabasa ng obra mo ah....
Good luck sa pagsusulat...
jons
Eowpohw!
Ouch!
kEah NaM!nh W3Lc0m3 KaMhe d2! Ahuhuhuhuu!
"ang pagbabago ay tulad ng kamatayan... hindi mo s'ya kailangang hintayin!" -ryanfranciscoampuan-
'di ko alam kung ano
'di ko alam kung ano nangyari, at MUKAH ngang may nangyari.
Buti nalang nakasali ako dito matapos ang unos na kinahinatnan ng mahiwagang site na'to.
Kundi malamang sa sigurado na isa na'ko sa mga pinatatamaan mo nito. = )
"Mas mainam ng mag tanga-tangahan minsan,
kaysa sa mga nagmamarunong 'diyansa may kanto."








aabangan ko yan dyep, at
aabangan ko yan dyep, at gagawa na din ako ng mga maiikling kwento ko para mailagay na din dito--panlaban sa Jejemons hehe...
buhay ulit tyo!