Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa)
Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa)
Nagkantutan na naman
Ba kayo
Ng misis mo
Kagabi?
Aba’y hina-hinaan
Ninyo naman
Ang ingay
Dinig na halos
Ng buong baranggay
Ang mga ungol ninyo
At saka
Naririnig ng mga bata
Hirap tuloy magpaliwanag
Ang mga matatanda
“Anong ingay 'yon?”
Tanong ng isa
“Mga pusa lang 'yon
Malapit sa bintana,”
Palusot ng isang
Kunot-noong matanda
“Aba’y tumatawa na pala
Ang mga pusa ngayon
At nagsasalita
Tila narinig ko ang
Isang nagwika
‘Sige, idiin mo pa!’”
Napa-ama namin na’t
Nagrosaryo’t nagnobena
Ang kawawang matanda
“Wag mo nang intindihin
Ang mga pusang yaon
Guni-guni mo lang
Ang narinig mong salitaan
Buti pa’y matulog ka na’t
Bukas may pasok ka pa”
Kaya
Kaawaan ninyo ang mga bata
Hinay-hinay naman
Hindi sila makatulog
Nang mahimbing
Maaga pa sila gigising
At kung ipagpapatuloy ninyo pa
Ang maingay na
Pagkakantutan niyo
E di mag-motel na lang kayo
Nang hindi na nila
Marining ang mga
Tawana’t halinghingan ninyo
Kaawaan ninyo
Ang mga bata.
30 June 2005
ika-labindalawang tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
slightly inspired ng title ng isang popular na nobela. nasulat ko ang tulang ito habang lulan ng isang bus matapos mabasa ang nobelang iyon at napaglaruan ng aking imahinasyon ang titulo.
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai


