Batabatuta

Nagising ako sa iyak ng isang bata.  Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga.  Tumingin sa orasan.  Alas otso ng umaga.  Tanghali na.  Mahuhuli na ako sa trabaho.  Dumiretso ako sa kasilyas, at doon ko namalayang linggo nga pla ng umaga. Wala akong pasok.

 

Tuluyan nang napawi ang aking antok.  Hindi ganitong oras ang gising ko kapag ganitong wala akong pasok. Kung hindi lang sa palahaw ng batang iyon, mahimbing pa sana ang tulog ko.  May inis akong naramdaman.  Hinanap ko kung saan nanggaling ang iyak na iyon.

 

            “Ibalik mo na yan sa kanya.”

            “Ayoko! Sa akin to!”

            “Wag matigas ang ulo!”

 

At muli ko na namang narinig ang palahaw na gumising sa akin kani-kanina lang.  Bakit nga ba hindi nalang pagbigyan ang nais ng batang paslit?  Kailangan pang paiyakin at pasamain ang kanyang loob?

 

“Sa akin nga ito e!  Pag binigay ko to sa kanya wala na akong makakasama sa  paglalaro.”

“Ibigay mo na yan.  Makakahanap ka rin ng kalaro na mas higit pa diyan.”

 

 

Walang nagawa ang bata kundi sundin ang utos sa kanya.  Bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.  Sino ba naman ang may nais maagawan ng pinakaiingat-ingatang bagay?

 

Isang masiglang halakhak ang aking narinig. Nakaidlip na naman pla ako.  Tumingin sa orasan, alas onse na pla.  Kumakalam na ang aking sikmura, malapit na ang tanghalian. Sumilip ako sa bintana.  Muli kong nasilayan ang batang kani-kanina lang ay pumapalahaw ng iyak.

 

Sa pagkakataong ito, ang mga halakhak na nagmumula sa kanya ay tila isang magandang musika.  Masigla at punong-puno ng buhay.  Di makikita ang bakas ng pagluha kani-kanina lang.

 

May tangan na siyang bagong laruan na aalagaan sa buong maghapon.  Aariing kakampi at karamay sa iba pang mga kalarong nais maging mapagsamantala.

 

At sana, bukas sa pagsikat ng araw, sa aking paggising isang magandang musika mula sa batang iyon ang gigising sa akin at hindi ang nakabibinging pag-iyak…


hi....

   parehas pala tayo, minsan narin akong nagising sa iyak ng isang bata at sa halakhak. pero gaganda tlga ang gising kong sa halakhak ka magigising.....(ang qyut kaya nun)

:] 

 

I maybe in the sea swimming with the pigeons or maybe in the sky flying

                  with the fishes.... see, "MY WORLD IS DIFFERENT"