Batas

arvin95's picture

BATAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Tama ba na sundin ang batas
Kung karamihan na mambabatas
Ay hindi mismo tumutupad sa batas
Sinusuway nila ito.

Kapag sila ay nagkakamali
Umaatikabong balitak-takan muna sa pag depensa
Hanggang sa kalaunan ay malimutan
Ang kanilang pagkakamali.

Napapatawa na lang tuloy ako
Kung bakit nilikha pa ang batas
Na hindi naman pinapairal
Sa tamang pamamaraan.

Kahit kita na ang ebidensya
Hindi pa rin puwede na hatulan agad
Dahil kailangan pang talakayin ang pagkakamali
Dahilan para makalusot sa batas.

Sa huli ay nauunawaan ko na lang
Ang batas ay para lang sa mahirap na tao
Dahil kapag sila ay lumabag sa batas
Sa kulungan agad ang punta nila.

mas madami sa www.arvin95.blogspot.com


Jack A. Alvarez's picture

Katulad rin ng tula mong 'Sabik'

Katulad rin ng tula mong 'Sabik' ni hindi kakitaan ng árt.

Ni hindi matitinag ang mga pinatatamaan ng iyong panunuligsa. Matatawa lang sila. Parang may hawak kang bato, imbis na ipupukol mo. Pinaglaruan mo ito tulad ng sa mga sirkero.

 

 

http://jackofspades01.multiply.com/

dyeppri's picture

...

Tama si Jack...konting libog lang sa tula at magiging maayos ang adhikain mo.

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

respond

People deserve very good life and home loans or just short term loan would make it better. Because freedom depends on money.

Similar entries