Bawal na Salita
"Pwede ba wag mo ng banggitin ang salitang yan dahil hindi ganun ang tingin ko sayo at kelan man di kita itinuring na ganun!"
Ilang taon na nga ba tayo? dalawa, tatlong taon? ahh tatlong taon at dalawang buwan. Marami na tayong pinagdaanan. Ang sabi mo sakin dati sa hirap at ginhawa tayong dalawa pa rin. Pero may ginhawa nga ba? naging biro na lang sating dalawa ang "Sa hirap at sa sobrang hirap" tayo ay magkasama. Sabi mo sakin walang susuko at manatili tayong lumalaban sa buhay. Sa buhay na walang katiyakan kung ano ang magiging bukas.
Ano nga ba ang "role" ko sa buhay mo? maging isang clown kapag nalulungkot ka, kaagapay sa lahat ng iyong pakikibaka, taga pakinig ng mga kwento mo, taga bigay ng komento, taga tikim ng luto mo na kung minsan ay hindi masarap ay sasabihin ko na masarap para lang di ka magtampo. Minsan niloloko mo lang yata ako sinasabi mo na matalino ako para lang gawin ko ang mga assignments mo o gawin ko ang thesis mo kahit alam ko na galing lang ako sa isang "public university" samantalang ikaw ay doon sa mga tinitingalang uri na kung saan hindi pinoproblema ang pang tuition fee kundi kung saan mag papark ng kanilang mga kotse. Tama ka, matalino nga ako dahil nakita ko ang pagkakahati ng estado ng mga tao. Nakita ko ang buhay ng mayaman at mahirap. Tama ka, matalino nga ako.
Ilang taon na ba tayo? pero patuloy tayong nagtatago kahit sa mga kaibigan mo. Kahit nga sa facebook mo alyas lang ang ginagamit ko at di ko magamit ang totoong pangalan ko. Naka add nga ako pero madalas mo namang ibi na block kaya nga profile mo lang ang nakikita ko at di ko makita ang "wall" mo. Subalit naiintindihan ko ang lahat ng iyon. Sabagay wala naman akong karapatang mag inarte. Kasi minsan sayo ako umaasa lalo na kapag wala akong pamasahe. Alam ko mahal mo ako kahit madalas sinasabihan mo ako na mukhang palaka at amoy daga. alam ko biro mo lang sakin yun kasi madalas mo naman akong inaamoy amoy at hinahalikan na animoy bata na paulit ulit na humahalik sa aking pisngi. Ahh masarap sa piling mo lalo na kapag nangangarap tayong pareho. Nangangarap na isang araw ay magiging maayos ang lahat yung hindi nagtatago at walang itinatago pero kelan pa kaya mangyayari yun? Parehas natin di alam ang sagot.
Madalas itinatanong natin sa ating mga sarili kung sapat nga ba ang pagmamahal lang ang batayan para ipagpatuloy natin ang ating relasyon. Sapat ba ang mga katagang "mahal mo ako at mahal kita" upang patuloy nating ipikit ang ating mga mata sa katotohanan? Sapat ba na kapag naroon tayo sa isang lugar na nagtatampisaw upang maibsan ang init na ating nadarama ay makalimutan natin ang tunay na mundong ating ginagalawan? Sapat ba na naroon ka lang at nakakulong sa aking mga bisig upang balewalain ang totoong sagot sa ating mga katanungan. Sa totoo lang parehas natin di alam.
Alam natin na sa kabila ng ating mga ngiti at halakhak ay noroon ang di maikakailang takot. Alam natin na sa bawat paglalambing ay may katumbas na luha. Alam natin na mamaya o bukas makalawa ay hindi na tayo magkasama dahil hindi natin pag-aari ang bawat isa. Alam natin na ang ating mga puso ay iisa ang itinitibok at iisa ang isinisigaw. Ang wagas nating pag-ibig. Oo bukas makalawa maaaring hindi ka na akin at ako saiyo. Dahil ito ang pinili nating mundo, nagtatago at nagbabalatkayo. Hanggang saan nga ba tayo? Alam natin kung hanggang saan lang tayo ngunit takot tayong sagutin ang totoo.
Madalas mong sabihin ang salitang iyon. Subalit paulit ulit kung sinasabi na "Pwede ba wag mong banggitin ang salitang yan dahil hindi ganun ang tingin ko sayo at kelan man di kita itinuring na kabit!"
kapag dumating ka daw sa
kapag dumating ka daw sa puntong kailangan mo ng mamili sa larangang/usaping pag-ibig sa pagitan ng dalawang minamahal... piliin mo ang pangalawa dahil mas higit mo s'yang mahal, dahil paano mo masasabing mas higit ang una kung nakuha mo pang magmahal ng iba kahit may una ka na...
isang pagbabahagi:
http://filipinowriter.com/sino-ang-pipiliin-ikaw-sana
Ano bang halaga ng Tag-araw sa puso ko kung wala ang init ng iyong Pag-ibig na papawi sa lamig ng Tag-ulan?
mula sa komiks....
thanks
Salamat kaibigan..nabasa ko ang ibinahagi mo...maraming pagmumulat ang kailangang gawin upang makita ang tama..pero ang puso ay laging nakapikit kaya nagrerely lang sya sa kanyang nadarama
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
ganyan lang talaga Ang
ganyan lang talaga Ang Puso....
http://filipinowriter.com/ang-puso
Lalo na sa isang Dakilang Mangingibig....
Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag! - Lemmor -
bawal
Sadyang kayhirap pairalin ang utak kung iisa sinisigaw ng puso. Hindi kasi natin hawak mangyayari bukas. Hay naku, kay hirap talaga magmahal
Ganda po ng story mo, naka-relate ako! heheheh
Salamat naman
Salamat namn at nagustuhan mo ang wento ko..hehehe!
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)




hmmmm...
I like the style..the way it maneuvers the plot..malugkot lang yung parte na kapag inarok mo ang tema sa likod ng panulat na ito...kasi it's the fact of life..
Si Paruparongberde ay isang estudyante at kumukuha ng Business Management major in Marketing sa isang eskwelahan na ang logo ay berde