Bawal Umihi Dito
Submitted by Patrickman on August 10, 2009 - 12:36am.
Filipino | Poetry | bawal
Bawal Umihi Dito
Sandaling iniwan
Ang sasakyan
Sa tabi ng lansangan
Kung saan
Kailangang bawasan
Sobrang likido sa tiyan
Humarap sa talahiban
Gaya ng nakagawian
Ngunit nasilayan
Sa ‘di kalayuan
Isang nakasulat na slogan
“Bawal Umihi Dito” ang panawagan
Kaya’t naghanap ng ibang maiihian
Buti’t may natagpuan
Isang palikuran
Sa tabi ng daan
Matingkad na pininturahan
Kulay rosas kung titignan
At nangyari nga’y naibsan
Hirap na nararanasan
Habang humaharurot sa lansangan
Nakaramdam ng katiwasayan
Habang bumabalik sa sasakyan
Tuloy ang laban.
17 September 2003
Patrick Orquia
» login to post comments | 2658 reads


