"Bayan Kong Sinilangan"

fhearl08's picture
| |

“Bayan Kong Sinilangan”

Pangarap ko’y mabigyan ang pamilya ko

ng magandang kinabukasan,

Pero paano ko iyon maisakatuparan,

gayong kapus kami dahil sa kahirapan,

O’ kay hirap ng buhay kapag ika’y salat sa yaman,

Paano ko ba matatakasan ang ganitong uri ng kalagayan.

Gayunpaman, patuloy pa rin akong nagsisikap para

sa katuparan ng aking pangarap,

Na balang araw ay aking malasap,

ang karangyaang aking hinahanap,

Ngunit sadyang malupit sa akin ang tadhana,

para sa isang tulad kong mahina,

Lagi na lang takot sa laban ng buhay saan man ako magpunta.

Subalit isang araw ay nagising na lang ako sa katotohan,

Na walang magandang naidudulot ang aking

kaduwagan at pag-aalinlangan,

Kaya’t hinanda ko na ang aking sarili para sa isang paglisan,

upang sa ibang bansa ako ay makipagsapalaran,

Kapalit man nito ay ang pag-iwan sa

bayan kong sinilangan.

FhearL

FhearL Fernandez Capayas, Comptr. Technical Asst. of RV Inkstation corner UST Dapitan, Manila

"An inspirational poem for those people who are abandoning their own country."