baybay
minsan pa
ako'y mananabik sa'yo
pangako ng iyong halik
laging hangad ng puso ko
minsan pa
ako'y maghihintay sa'yo
abutin man ng dantaon
maubos man ang luha ko
maghihintay
dito sa'ting tagpuan
ating unang tahimik na daungan
ang princesa'y umaasa sa may baybay
pagdating mo'y mawawala kanyang lumbay
ang princesa'y umaasa sa may baybay
pag-ibig mo'y kanyang tanging taglay
minsan pa
ako'y maghihintay sa'yo
abutin man ng dantaon
maubos man ang luha ko
maghihintay
dito sa'ting tagpuan
ating unang tahimik na daungan
ang princesa'y umaasa sa may baybay
pagdating mo'y mawawala kanyang lumbay
ang princesa'y umaasa sa may baybay
pag-ibig mo'y kanyang tanging taglay
tono/titik/tinig: talulot...
naisulat ko ang kantang ito sa pagmamahal ko sa may baybay.....at sa princesa kanyang isinasagisag....
ito'y buod ng alamat ng puerto princesa. ang princesang umibig sa isang kastilang sundalo. naging saksi ang magandang baybayin ng lugar na ito sa palawan ng kanilang pagmamahalan at wagas na pag-ibig. ngunit dahil sa digmaan, kailangang umalis ng sundalo patungo sa kanilang bansa. NAngako ang banyaga sa princesa na siya'y babalik sa kanilang daungan... at nanatili ang princesa sa baybay hawak sa kaniyang puso ang pag-asa ng muli nilang pagkikita.. hanggang sa isang araw, pag-ibig niya di na dumating, lingid sa kanyang kaalaman, nakitil ang buhay ng sundalo... at kasama ng kanyang pagkasawi, paglaho din ng kanyang hininga sa may baybay..
(halaw sa tula ni JOse Nolledo)
ang pangalan ng aming lungsod ay para sa alaala ng princesa ng baybay...
puerto princesa- princess of ports....




