BBoy A
may mga taong hindi mo inaasahan na dadating sa buhay mo.
at ang mga taong iyong ay makakatulong pala sayo pagdating nang araw.
katulad ko, my nakilala ako isang lalake. pareho kami ng course magkaiba ng major mas matanda ako sa kanya nang isang taon.
siya si A isang kakaibang teenager. kakaiba in a way na iba ang antas ng pagiisip. dahil masyado siyang malalim at ang magaling wala siyang masyadong kaibigan in short "WEIRDO" .
nakilala ko siya sa isang di inaasahan pagkakataon. pauwi na sana ako galing eskwelahan. pero niyaya ako ng mga friends ko na sumama sa isang event. bubuksan pala un bagong dance studio nila A. nung una nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na isa siyang dancer dahil sa itchura nia. simple lang kasi.
wala talaga ako plano sumama dahil kailngan ko matulog nun dahil hindi pa ako natutulog. ewan ko ba bakit nagbago ang hangin at sumama ako.
pag dating namin sa pupuntahan. aaminin ko naimpress ako dahil ang ganda ng studio nila at higit sa lahat madalng sa mga dancer ang magkaroon ng ganun.
nung una hindi ko alam ang tawag na pala sa mga break dancers ay BBoy sa lalake at b girl sa babae. nakita ko siya magbboy. at napanganga ako sa aking nakita. na un taong simple at weirdo nakilala ko ay magaling pala at hindi basta basta.
simula noon nagiba ang tingin ko sa kanya naging close kami at nalaman ko un mga bagay na tungkol sa kanya. kakaiba nga itong tao toh.lalo ko siyang kinilala isa siyang scholar ng paaralan namin ue.(pep squad) pagkatapos niya sa paaralan namin sa ue caloocan kailngan niyang bumyahe papunta ue manila para makapag training pagkatapos ay uuwi sa marikina. minsan dadaan muna sa studio nila para magtraining ulet kapag my mga shows sila.
ang galing dahil hindi ko expected na kakayanin niya. dahil mahirap un routine niya. ganun ng ganu lagi.
Dahil maaga siyang namulat sa hirap ng buhay
apat sila magkakapatid wala siyang tatay iniwan na siya nung ipinagbubuntis pa lang siya nang kanya ina. at ang kanyang ina ay isa rin pasaway nung bata siya. at ang dalawang nakakatanda niya kapatid ay my mga pamilya na. ang isa ay high school pa lng.
naranasan niya magtrabaho bilang isang canteen boy sa paaralan nila sa marikina habang nagaaral. naranasan na rin niyang maging kargador sa isang kompanya na malapit sa kanila.
hindi ko lubos maiisip na may nageexist pala talaga ng ganyang pamumuhay. akala ko sa telanobela lang yan.
naisip ko ang galing naman nito dahil nakakayanan niya un ganoon pamumuhay at hindi na ko magtataka na umunlad siya balang araw.
at dahil sa kanya natutunan ko na ang buhay ay di laman puro sarap. na ako'y isang mapalad na nilalang dahil sa katayuan ng aming pamumuhay.


