Beach Resort
Madaling araw kami umalis ng bahay at nag-arkila ng Van upang ihatid kami sa monumento dahil andoon ang service (bus) na aming sasakyan diretso sa beach. Kahit inaantok ay hindi ako masyado nakatulog ng mahaba sa biyahe dahil na rin siguro sa sobrang excitement. Nang kami ay nakarating na sa resort hindi namin akalain na may ganitong resort pala sa lugar na aming dinadaanan dahil kung papansinin mo ay puro puno ng niyog at mga bahay ang makikita. Kahit tagong lugar iyon ay napakaganda ng beach resort.
"Grabe, ang linis ng paligid" unang nasabi ng ate ko na si Analeen.
"Tita, sabay tayo swimming ah?" anyaya sa akin ng aking pamangkin na si Lee Anne na sobrang sabik na lumangoy.
"Oo ba, basta wag kang lalayo baka malunod ka" ang sagot ko naman sa kanya.
Hindi lang dagat ang meron doon, isang napakalaki,napakalinis at napakagandangswimming pool ang makikita doon. Nang amin nang naayos ang mga gamit sa loob ng kwarto na sobrang laki ay agad-agad kaming nagbihis ng pang-swimming at lumangoy muna sa dagat. medyo hightide ng mga oras na iyon kaya hindi kami makalayo pero sulit naman dahil malinis ang dagat. matapos doon ay nagbanlaw kami sa shower area para mawala ang mga buhangin sa katawan at damit, doon ay tumalon na kami sa napakalamig na tubig ng swimming pool. Sumisid kami doon at may napansin kaming kakaiba.
"Ang galing naman kapag lumubog ka, may maririnig ka na parang tunog na naririnig sa loob ng kabibe (shell)" ang nasabi ko sa kasama ko.
"oo nga eh, kakaiba tsaka kapag lumangoy ka wala kang maaamoy na chlorine, parang fresh water ang nilalanguyan natin" wika ni Joanna.
"Baka nga galing sa bundok ang tubig at hindi nilalagyan ng chlorine, dahil sa dinami-dami ko nang pinag-swimmingan, ito lang ang kakaiba" wika naman ni Cherry ann na manghang-mangha sa kakaibang tubig na aming nilalanguyan.
Sang-ayon ako sa kanilang sinabi dahil napakalamig ng tubig at kakaiba ang feeling kapag nakalublob sa tubig. Sobrang nakakarelax ang tubig sa katawan. Tuwang-tuwa ang aking mga pamangkin na sina Lee ann, Aizen at jazel,kahit nasa mababaw na tiles lang sila at nag-eenjoy na todo. ang Mama naman nila na kapatid ko rin ay masayang-masayana nagpapadulas sa slide. Ang aking kapatid na isa na si Regine naman ay kasama ang aking mga magulang na sina Ofelia at Greg nanagswiswimming naman sa dagat. Napakahabang oras din ang itinagal namin doon at sobra kaming narelax at nag-enjoy sa beach resort na iyon.


