BETONG 2 (KATAS NG SAUDI)
binata na si betong
at natutong dumiskarte
ang sexy n'yang kaklase
niyayang manood ng sine
hindi n'ya napigilan
sinubukang halikan
magkapares na sampal
hindi n'ya nailagan
natutong uminom
at magsindi ng sigarilyo
ngunit 'wag n'yong sasabihin
'pagkat s'ya'y walang permiso
umiikot ang tagay
sa bilis, s'ya ay nahilo
inodoro ay niyakap
isinusumpa ang alak
nakatapos ng karera
may diploma sa santa ana
nakahanap ng trabaho
sa bansa ng mga arabo
sinusuwerte si loko
at may nakilalang tao
malawak daw ang rancho
at marami ang kabayo
nagkasundo sa suweldo
tinanggap n'ya ang trabaho
nag-alaga ng kabayo
sa mainit na disyerto
nagbibilang ng oras
ilang araw ang lumipas
hindi makapagpabukas
"Ibalik n'yo ko sa Pilipinas"
natapos ang kontrata
nakaipon s'ya ng pera
at nakabili ng jeepney
ang tatak "KATAS NG SAUDI"
laging pumapasada
jingle lang ang pahinga
ngunit s'ya ay maligaya
dahil hari ng kalsada
betong, walang kasing kulit
betong, may balat sa puwit
betong, kanino ka nagmana
betong, patay kam bata ka
HERE'S THE NEXT INSTALLMENT TO BETONG1.
LIKE I SAID , IT'S A SERIES.

