Better Today

ramtes08's picture

Better Today

Sabi nila ang buhay ng tao ay maikli lamang,
kaya dapat sulutin natin ang bawat araw habang tayo'y buhay pa.

Sa buhay natin ay marameng puwedeng mangyare, kaya sabi nila habang andyan pa
ang taong mahal mo ay dapat ipakita mo kung gaano siya ka importante sayo, at kung gaano mo siya kamahal.

Pero paano mo 'yun masasabe o maipapakita kung huli na ang lahat?

Susuko ka na lang ba?

Mabubuhay kana lang ba kasama ng iyong madilim na kahapon?

o ipagpapatuloy ang buhay na may ngiti at pag-asa.

    Mom louise?. mahinang tawag mula sa naka bukas na pintuan.

    Tuloy ka charles. na cancel muna ba ang meeting ko this day.

    Yes mom, as you said we'll have the meeting this saturday.

    Good, maaga akong aalis ng office ngayon so call me if there's any problem okay.
           
    Mabilis umalis ng kwarto ang sikretarya,habang nagsusulat

    Hawak ang ballpen na may nakasulat na louisse sa dulo nito ay sinusubukan magsulat ngunit walang pumapasok sa isip ni louisse kundi
    ang alaala ng kahapon. Ang kahapon na ayaw na sana niyang matapos at ang kahapon na gusto niyang balikan. Tatlong taon na ang
    nakalipas ng mamatay si adrian dahil sa isang giyera sa ibang bansa. Ika-tatlong taon anibersayo ng pagkamatay ngayon ni adrian
    isang araw na kung saan nakagawian na niyang gumawa ng sulat para sa kanya at kanyang iiwan sa puntod nito.

May 2002

    Mataas na ang sikat ng araw nang ako'y nagising balak ko pa sanang matulog ulit. Nang bigla akong tinawag ng aking kapatid.

    'Ate, may tawag ka sa telepono. Si kuya adrian kanina pa siya tumatawag'.

    Dali-dali akong bumaba papuntang sala, di ko namalayan na ako'y nakapang tulog pa. Sa sobrang pagmamadale ay nagulat ang aking ina dahil
    sa mga yabag ng aking paa.

    'Hello, pag-ibig andyan ka pa ba? sorry kakagising kulang kasi'. Pahingal kong bungad kay adrian
   
    'Nakalimutan muna yata kung anong araw ngayon'? tanong nya.

    'Teka iisipin ko'. Habang iniisip ko kung ano nga ba ang ibig sabihin ni adrian ay napatingin ako sa kalendaryo. May 24 ah bigla kung naalala
    ika-tatlong anibersayo pala namen ngayon.

    'Pag-ibig, Happy 3rd aniverssary po'.

    'Di ba sabe ko sayo may mahalaga akong sasabihin sa'yo at pupunta tayo sa lugar na gustong-gusto mo , susunduin kita ng ala-una dyan sa inyo, okay'.

    Hindi na ako nagtanong pa kung saan kame pupunta dahil alam kung kapag dumarating ang ganitong araw sa amin ay ginagawa ni adrian na maging
    masaya at napaka-espesyal ang araw na ito sa aimn dalawa. Kahit ordinaryong araw lang, para samin ay espesyal na. Kahit araw-araw kaming
    nagkikita ay parang isang buwan o isang taon kaming di nagkikita sa sobrang sweet namen. Naging maganda ang lahat sa relasyon namen, kahit minsan ay may unting tampyhan
    pero bago matapos ang araw ang nagiging maayos din samen ang lahat. Minsan habang kami ay nasa parke may naitanong ako sa kanya:

    Pag-ibig, naniniwala kaba sa perfect relationship?. tanong ko sa kanya habang nakayap siya saken

    Ewan, siguro, isa lang ang pinaniniwalaan ko.

    Ano naman yun.
   
    Walang hanggang pag-ibig, yun tipong di ka mapapagod at magsasawa. kahit na alam mun di kayo para sa isa't-isa, ginagawa mo parin ang lahat para sa kanya
    dahil mahal mo siya.
       
    Ngayon nagtratrabaho na bilang nurse si adrian ay malimit na lang kaming nagkikita. Minsan sa isang linggo, maswerte na kung magkita kame ng dalawang beses.
    Pero kahit ganun pa man hindi nagkukulang si adrian sa akin palage siyang gumagawa ng paraan upang kami'y magkita at magkasama. Pero ang hindi ko alam itong araw na ito pala ang araw na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko,
    dinala niya ako sa lugar na palage kung binabanggit sa kanya na gusto kung puntahan, sa lugar na kung saan nakikita kulang sa mga palabas sa t.v.
    Isang restaurant sa tagaytay ang pinuntahan namin, sa lugar na ito niya ako niyayang magpakasal.

    'Louisse, i know it's not the right time para sabihin ko ito pero isa lang ang alam ko mahal na mahal kita'.

    Naguguluhan ako kung ano ang iisipin ko sa sinabe niya. ano ba ang gusto niyang sabihin? May iba na ba siya? iiwan na ba niya ko?
    di ko alam ang iisipin. Hinayaan ko na lang na yakapin ako ng malamig na hangin at magpadala sa ganda ng tanawin.
   
    'Wait. is it a good new or bad?' pa-cute kung tanong sa kanya.

    'Good and bad'. mabilis niyang sagot

    Hinawakan niya ang kamay ko na may diin at nakatitig sa aking mata na para bang nanghihipnotismo.
    Lalo pang dumidiin ang hawak niya sa kamay ko, tuluyan na akong nadala sa kanyang mga titig na parang alila na handang tumanggap ng utos mula sa kanyang amo.
   
    'Louisse, will you marry me.?' habang naghihintay ng sagot ko si adrian ay bigla niyang hinaplos ang kaliwa kung tenga, at unti-unti niyang pinakita sakin ang isang singsing.
    Bigla akong nawalan ng boses, pati tibok ng puso ko bumilis, napapaiyak ako sa di malaman dahilan, parang sasabog ang dibdib ko. Gusto kung sagutin siya ng oo pero ayaw bumuka ng bibig ko.
    Pero ng handa na akong sagutin ang tanong niya ay bigla naman niya akong hinalikan. Halik na naghihintay ng kasagutan. Sa pag ganti ng halik ko na lang sinagot ang kanyang tanong, hinawakan ko ang kamay nya pagkatapos,
    habang nagkatitigan kame parehas na may ngiti sa aming labi.
     Ito ang araw na di ko malilimutan. Ang araw na sana di ko tinapos at gusto kung balikan.

August 2004
   
    Katulad ng ibang mag-asawa at bagong kasal. Sa una lang masaya ang pag-aasawa o pagbuo ng pamilya, pero habang tumatagal ay mararamdaman mo ang hirap at responsibilidad mo sa iyong pamilya lalo na kung
     ang asawa mu lang ang nagbabanat ng buto para sa inyo. Dalawang taon na kaming kasal ni adrian, dalawang taon na rin kaming umaasang magkaroon ng anak,
    Kumunsulta na kame sa ibat-ibang doktor, pero pare-pareho lang ang kanilang payo sa amin. May problema si adrian sa pagbuo ng anak, ang payo ng doktor sa kanya ay kaylangan nya lang uminom ng vitamin o gamot
     at panatilihing malusog ang katawan. Hindi naging issue samen ang tungkol dyan dahil di nagkulang si adrian sakin. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya kahit mga gawain sa bahay ay minsan siya pa ang gumagawa.
    Dinadaan na lang namen sa kwentuhan at pagsabi ng bawat pangarap namen. Katulad ng gusto ni adrian na magkaroon kame ng sariling bahay kung saan ang kulay nito ay ang mga paborito kung kulay, at kung magkakaanak kame
    ang ipapangalan niya kapag lalaki ang aming anak ay isusunod niya sa kanyang pangalan, at kapag babae naman ay ipapangalan niya sa kanyang ina na sobra niyang mahal. Minsan binigyan niya ako ng regalo, isang ballpen na may
    nakalagay na pangalan ko. Sabi niya iyan daw ang gamitin ko kapag natupad na ang pangarap kung maging isang boss ng isang kompanya.Para daw kahit di kame magkasama ay parang magkasama narin kame.
    Galing sa isang may kayang pamilya si adrian kaya kahit di sanay sa mga nakagisnang gawain ay pilit niya parin ginagawa ito para sa akin. Isang businessman ang ama ni adrian kaya madameng kilala.
    Puro contractual lang ang nakukuha kung trabaho dahil kulang ako sa experience at hanggang 2nd year college lang ang natapos ko. Sa kabila ng aking kakulangan ay hindi 'yun naging dahilan upang pagpalit ako ni adrian sa iba.
    Bagkos siya pa itong gumagawa ng paraan para makakuha ako ng trabaho. Kung sino-sino ang nilapitan niya para mailakad ako sa trabaho at matanggap. Isang araw pumunta kame sa isang unibersidad sa maynila
    inisip ko na ihahanap niya ako ng trabaho. Pero hindi ako pwedeng maging teacher dahil hindi naman ako gradweyt ng kursong pang-teacher. Hindi naman siguro niya ako ipapasok bilang janitor.
    Nagulat na lang ako ng tinanong niya ang isang babae sa registar kung magkano ang tuition.

    'Pag-ibig, bakit ba tayo nandito?. tanong ko.

    'andito tayo para matupad mu ang pangarap mo. nakangiting sagot sa'kin ni adrian
   
    Palage ko kaseng nababanggit sa kanya na parangarap kung maging isang boss ng isang kompanya. I.T ang kurso kinuha ko nun kolehiyo, di ko natapos dahil kinaylangan ng kapatid ko ang pera para makapag abroad ngunit
    nalaman na lang namen na illegal recruiter pala ang agency na inaplayan niya. Kaya ang perang gagamitin ko sana pang matrikula sa susunod na taon ay nawala ng parang bula.
    Nakakahiya man kay adrian ay tinanggap ko na lang ang alok niya na makapag aral ako uli, Minsan naiisip ko puro problema na lang ang binbigay ko sa kanya, problema sa paghahanap ng trabaho, problema sa pamilya ko, at ngayon
    siya pa ang tutustos sa pagaaral ko. Sa lahat ng pinangako ni adrian sa'kin lahat yun ay nagawa niya, pero ako ni isa ay wala pa akong napatunayan sa mga pinangako ko. Tuwing ibibigay sa'kin ni adrian ang kanyang sahod, ay di ko
    maiwasan isipin na lahat ng ito ay napupunta lahat sa'kin, Halos wala ng natitira para sa kanya, bukod kase sa mga bayarin dito sa bahay, bayad sa upa dito sa apartment, sa kuryente at tubig, pagkain at higit sa lahat na
    nakakabigat sa loobin ko ay ang gastusin sa eskwelahan at pang-matrikula ko. Napaguusapan namen minsan ang balak ni adrian na mangibang bansa dahil nga malaki ang kikitain niya.
    Pero katulad ng iba na takot mahiwalay sa pamilya at di nya raw kaya gumising isang araw na hindi ako nakikita. Sobrang mahal ako ni adrian at alam kung ramdam niya din kung gaano ko siya ka mahal. Dumating samen mag-asawa ang kabila-kabilang problema
    nagkasakit ang nanay ko na kinaylangan ng agaran operasyon. Si adrian ang sumagot, napilitan siyang ibenta ang kanyang kotse na regalo sa kanya ng kanyang ama. Pero katulad parin si adrian ng dati wala lang sa kanya ang mga bagay basta ang mahalaga sa kanya
    ay ang makita niya akong naka ngiti. Isang araw dumalaw ang kanyang ina kasama ng kanyang kapatid galing state. Alam kung magaan ang loob sakin ng pamilya ni adrian, pero nakikita ko sa kanilang mata ang awa sa kanilang anak at kapatid.
    Ang anak na inaasahan susunod sa yapak ng kanyang ama. May offer ang kanyang ama na magandang trabaho sa abroad pero tinanggihan niya ito dahil sakin. Kaya ganun na lang ang tampuhan nilang mag-ama.
    Hindi mawala sa isip ko na pabigat lang ako kay adrian, sa bawat gabi na siya'y umuuweng pagod sa trabaho. Tinititigan kulang ang maamo niyang muka habang nakayakap ng mahigpit sa kanya at nagpapasalamat kahit na alam kung
    di niya ako naririnig. Hindi ku man masuklian ang lahat ng ginagawa niya para sakin. Habangbuhay ko naman siyang pasasalamatan at walang sawa ku siyang mamahalin, higit pa sa sarili ko. Pero kahit yata ang tadhana ay hindi
    panig sakin. Ang maamo niyan muka na palage kung pinagmamasdan, ang bawat gabing yakap-yakap ko siya sana'y di na natapos.
 

December 2004

    Tatlong linggo bago magpasko, nagpasya akong iwan si adrian. Sa kalagitnaan ng gabi ay umalis ako sa aming apartment. Umalis ako ng di niya namamalayan, umalis ako dahil ayoko ng makita siyang naghihirap ng dahil sakin.
    Gagawin ko ito hindi dahil may iba ako? kundi dahil mahal ko siya. Mahal ko siya kaya ko ito ginawa, kaylangan niya ng kalayaan, hindi ako karapat-dapat tumanggap lahat ng pagsasakripisyo ginagawa niya.
    Tama na ang paghihirap, Oras na para magawa niya ang dapat niyang gawin.  Panahon narin para magsimula ako, para sa sarili ko. Para balang araw mapagmalaki ko ang sarili ko ng di umaasa sa iba.
   
     Walang araw na hindi ako tinigilan na tawagan at i-text ni adrian. Pinipilit na magkita kame, na pagusapan namen kung ano man ang problema samin dalawa. Dahil hindi daw ito ang kasagutan sa mga problema namen.
    Mahal na mahal ko ang asawa ko. Kaya ganito nalang ako ka desidido na mag bagong buhay ng hindi siya kasama. Alam kung makakahanap siya na mas karapat-dapat para sa kanya hindi sa katulad ko.
    Umuwe ako samin ngunit hindi talaga ako tinigilan ni adrian. Kahit minsan gusto ko ng bumigay, gusto ko ng mayakap ang asawa ko, mahalikan at makita ang kanyang ngiti na nagbibigay sakin ng tuwa sa tuwing ako'y nalulungkot.
    Pero kaylangan kung panindigan ko ano ang nasimulan ko kaya lumipat ako ng lugar kung saan di ako mahahanap ni adrian.

    Lumipas ang mga araw na gumigising ako ng mag-isa, mag-isang kumakaen, walang kasama sa tawanan at kalungkutan. Dati may saysay ang buhay ko dahil kay adrian pero ngayon iba na. Kaylangan kung bumangon sa sarili kung paraan
    para balang araw magkita man kame muli ni adrian. Maipagmamalaki niya rin ako kahit di bilang asawa niya. Nagpasko akong mag-isa, isang malameg na pasko hindi gaya ng dati na kasama ko pa ang aking asawa. Kahit walang handa
    kahit kame lang dalawa, masaya na ko dahil dati makasama ko lang si adrian sapat na para ako ay sumaya. Kamusta kaya ang pasko niya? Kumaen na kaya siya? Baka napapabayaan na niya ang trabaho niya? Dinamdam niya kaya ang
    paghihiwalay namen?. Mga katanungan gusto kung sagutin, nagkamali ba ako ng desisyon hiwalayan siya?. Sabi ko sa sarili ko hindi sa ganitong paraan dapat matapos ang pagmamahalan namen. Mahal ko ang asawa ko, mahal ko si adrian.
    Pero hule na, nangyari na ang araw na kinatatakutan ko.
   
December 2005

    Nabalitaan kung nakapag abroad na si adrian. Habang ako naman ay gumradweyt na sa kolehiyo. Sa pagsisikap ko rin, napagtapos ko ang sarili ko. Matutuwa si adrian kapag nalaman niya ito at mas matutuwa siya sa ibabalita ko sa kanya
    pag nagkita kami muli. Mabilis lumipas ang mga araw, sa dame ng mga kaylangan gawin sa trabaho at sa bahay. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng araw, gigising ako maghahanda ng almusal, papasok sa trabaho, pagkauwe matutulog.
    Paulit-ulit lang parang wala ng katapusan. Minsan habang ako'y nasa mall bumibili ng grocery, napadaan ako sa isang store na nagbebenta ng post-card at may nakita akong pamilyar sakin. Lumapit ako, at ng aking tignan isang
    lugar sa tagaytay. Lugar kung saan inalok akong magpakasal ni adrian. Itong buwan na ito ako nagpasyang iwan siya, kahit mahirap at masakit ay ginawa ko sa paniniwalang makakabute ito para sa kanya. Pero hindi ganun ang nangyari
    habang lumilipas ang mga araw na di ko siya kasama ay naiintindihan ko ang mga bagay na gusto ni adrian na maintidihan ko. Gusto niyang matuto ako sa sarili ko, gusto niyang magtiwala ako sa sarili katulad ng pagtitiwala niya sakin,
    at gusto niyang maintindihan ko na nasa tabi ko lang siya palage. Hindi niya iniisip ang sarili niya, mas iniisip niya ang kapakanan ko dahil gusto niya akong makitang tumayo sa sarili ko habang siya'y nasa tabi ko.
    Lahat ng ito'y ginawa niya dahil mahal ako ng aking asawa, mahal ako ni adrian.

September 2007
   
    May umuugong na balita na may giyera daw sa ibang bansa at maraming pinoy ang na stranded dahil sa giyera nung una di ko to pinapansin. Isang Buwan pagkatapos ng ikalawang kaarawan ni adrian jr, may isang tawag sa telepono na ang hatid ay isang balita na di ko matanggap at ayokong isiping
    totoo. Galing sa ina ni adrian ang tawag, kasama raw si adrian sa mga nadamay sa giyera at di pinalad na makaligtas habang ito'y papunta na ng airport upang umuwe na dito sa pinas. Pinagbabaril daw ang sinasakyan niya, hinala daw kase
    nakalaban ito kaya pinaulanan ng putok ang sasakyan.

    Bakit kaylangan itong mangyare? isang tanong na mahirap sagutin at tanggapin. Bakit kung kaylan handa na ko, makita siyang muli at humingi ng tawad sakin nagawa. Kung kaylan ang pangako ko sa kanya ay natupad ko na at kung kaylan may naghihintay sa kanya.
   

    Naghihintay at nananabik na mayakap siya, alam kung matutuwa siya pag nagkita sila at sigurado akong mapapatawad niya ako. Nasa burol kame ni adrian, nung una ayokong lumapit sa kabaong dahil ayokong makita siyang ganyan. Pero di ko kayang di siya makita kahit sa huleng
    pagkakataon gusto kung makita ang maamo niyang muka. Marame akong gustong maulit, gusto ko siyang makitang nakangiti at mahaplos ang maamo niyang muka ulit. Pero hindi na mangyayare 'yun dahil wala na siya, dahil sakin at dahil sa pangako niya.
   

     Naikwento sakin ng ina ni adrian ang dahilan ng kanyang pangingibang bansa nagpasya daw umalis ng bansa si adrian para sa pagbalik niya ay magkaayos na kame at manirahan sa tagaytay kung saan pangarap niyang tumira kasama ang pamilya niya.
    Naikwento pa ng kanyang ina na sobrang nananabik na siyang makita akong muli kasabay ng pagtupad niya sa aming pangarap.
   
    Pero para saan pa ang mga pangarap namin ngayon. Kung wala naman, siya sa tabi ko kung san pagmamasdan namin pareho ang ganda ng tagaytay na pangarap namin tirhan. Tumigil na ang mundo ko nun nagpasya akong iwan si adrian, ngayon tumigil uli
    at di ko alam kung kaya ko pang ituloy ang buhay ko ngayon wala na siya.
.

    Si adrian ang lahat sakin, siya ang naging sandalan ko, siya ang naging lakas ko at tanging siya ang nagbigay ng saysay saking buhay.
.

     Paano pa ko makakahingi ng tawad sayo ngayon, paano ko pa masasabi kung gaano kita ka mahal. Mga salitang gusto kung sabihin at iparamdam sa kanya
.
   
    Di mo tinupad ang una mung pinangako sakin, sabi mo di mo ko iiwan bakit ngayon. Nasaan kana, malayo saken, di ku na makita ang maamo mung muka na nagbibigay lakas ng loob sakin. . . bakit? . . bakit ikaw pa?

.

.

.
    Sana ako na lang ang nawala, dahil di naman ako naging mabute sayo. Paulit-ulit kung naiisip na sana ako na lang nawala, na sana ako na lan ang nangibang bansa at nadamay sa giyera at hindi siya. Dahil naging masama ako, inisip kulang ang sarili ko
    Hindi ko siya inisip, di ko inisip ang ang taong walang ginawa at inisip kundi ang ikabubuti ko.

   
    Malakas ang buhos ng ulan, katulad ng inaasahan sa panahon ganito ay asahan na ang buhol-buhol na trapik. Maaga akong umalis sa opisina upang umiwas sa trapik at para kunin si adrian jr sa bahay.
    Humina ng kaunti ang ulan at naging mabilis ang biyahe namen papuntang sementeryo upang dumalaw sa puntod ni adrian at para ibagay ang sulat na nakagawian kung gawin.
 

Dear Pag-ibig

    Ilang taon man ang lumipas alam kung andyan ka lang katulad ng dati,                                                                                                                                       iniwan mo man kami ramdam ko parin nandyan ka katulad ng hangin                    di man kita nakikita ramdam ko naman andyan ka sa tabi ko.                                                                                          
    Dati di ko alam ang gagawin ko, di ko alam kung paano mawawala ang sakit.                                                                                                                 Ang sakit sobrang sakit piling ko di ko kakayanin,                                                   inisip kung samahan ka kung nasan ka man ngayon.
    Pero naisip ko matutuwa ka kaya kung ginawa ko yun.                                                   Pero ngayon alam ko na, gusto mun maging matibay ako kahit wala kana.                                                                                                               Kahit sumuko na ko andyan ka pa rin para palakasin ang loob ko.
         Kung andito ka lang sana makikita mo kung ano ako ngayon,  at yun ay dahil sayo.                                                                                                                                                                                                                                       Dahil tinuruan mo akong maging matatag,  at binigyan mo ko ng lakas ng loob para gawin ito.
                                                                                                                           Binigay mo ang lahat para sakin pero sinuklian ko ito ng masama. Hule na para humingi ng tawad sayo. Pero gusto kung malaman mo na

    Mahal na mahal kita, higit pa sa sarili ko. Ilang taon man ang lumipas di ito magbabago dahil tanging sayo lang ang puso ko,

    Nilapag ni louisse ang sulat katabi ng dalang bulaklak sa puntod ni adrian. Umaasang makarating ang kanyang sulat kay adrian.