Better Today

ramtes08's picture

Better Today

“Our Story has a three parts; a beginning, a middle and end”
 Dear John – Nicholas Sparks

   

    “Mam louise?” mahinang tawag mula sa naka bukas na pintuan.
     
    “Tuloy ka charles, na cancel muna ba ang meeting ko this day”.

“Yes mam, as you said will have the meeting this Saturday” sagot ng sekretarya.

“Good, maaga akong aalis ng office ngayon so call me if there's any problem okay”

“Ok mam” mabilis na sagot at agad umalis ng kwarto ang sekretarya, agad din lumabas ng kwarto si louisse.

    Isang manager si Louise ng isa sa sikat na business company sa bansa. May taas na katamtaman para sa isang babaeng pinay, at katawang hindi bilugan dahil sa panganganak. Mapapansin na halatang alagang-alaga nito ang katawan, at dahil dyan ay hindi napagkakamalang may asawa at may anak ito. Hawak ang cellphone sa kaliwang kamay, tinawagan niya ang yaya ni Adrian jr sa bahay, upang sabihin sunduin ng maaga sa eskwelahan at hintayin na lamang siya doon upang kunin si Adrian jr. Malakas ang ulan sa labas, napansin niya. Kaya dapat ay masundo niya agad si Adrian jr upang hindi maipit sa trapik, dahil kalimitan sanhi ng buhol-buhol na trapik ay ulan lalo na kung ito’y malakas na parang inipon ng isang taon. Sumakay sa isang magarang Mercedes benz si louise. “Manong, sa skul tayo ni Adrian” tumungo lang ang drayber, sinyales na alam niya kung anong meron sa araw na ito, at kung saan pupunta, dahil matagal na ito sa serbisyo bilang personal drayber ng kanilang pamilya.   

        Habang nasa loob ng sasakyan si louise, hawak ang isang sign pen na may pangalan louise sa katawan nito, ay sinusubukan nitong magsulat, ngunit walang pumapasok sa isip nito, bagkos ang alaala ng kahapon ang sumasagi sa kanyang isip.
Ang kahapon na sana’y hindi na natapos at ang kahapon na gusto niyang balikan, kung puwede lang. Ika-tatlong taon anibersayo ng pagkamatay ngayon ni Adrian. Ang kanyang asawa na nagsilbing lakas at insipirasyon sa kanya para harapin ang hamon ng buhay. Isang araw ito na kung saan nakagawian niyang gumawa ng sulat para sa kanyang asawa at kanya itong iiwan sa puntod.

Malakas at walang tila ang pagbagsak ng ulan at si louise naman ay nakamasid sa mga taong umiiwas sa hagupit na dala nito. Pero sa hindi mapaliwanag na dahilan; ay tila hindi niya maalis ang pagkatitig sa mag-asawang, kahit basang-basa sa ulan ay nagawa pa rin ngumiti at magtawanan. Ibinaling nito ang tingin sa iba ngunit hindi pa rin nito kayang iwasan hindi sumulyap sa mag-asawa. Pumikit si louise upang iwasan ang pagkatitig sa mag-asawa at sa kanyang pagpikit isang muka ang agad nitong nakita. Ang mala-anghel na muka ni adrian; maliwanag ito na ang hatid ay pag-asa at nakangiti na nagbibigay saya sa kanya. Kasabay ng pagbukas ng mata nito ay ang pagtulo ng luha mula dito, malamig at may halong lungkot. Katulad ng ulan ang mga alaala; dadaan at mawawala sa dahilan kaylangan dahil may gustong ipaalala at mawawala dahil kaylangan limutin upang ipagpatuloy at simulan ang panibagong bukas na naghihintay para satin.   

The Proposal

May 2002

    Mataas na ang sikat ng araw ng nagising si louise, balak pa sana niyang matulog  ulit. Nang biglang may kumatok at tinawag siya ng kanyang kapatid.

    “Ate, may tawag ka sa telepono. Si kuya adrian kanina pa siya tumatawag”.
 bungad nito sa kanya. Dali-daling tumungo sa sala si louise, di niya na namalayan na suot pa niya ang sponge bob na pajama pang tulog na iniregalo sa kanya ni adrian, kung saan sa lahat ng kanyang pang tulog ang regaling ito ni adrian ang kanyang paborito kahit ilang araw na itong hindi nalabhan.

    “Hello, pag-ibig andyan ka pa ba? sorry kakagising kulang kasi”. mabilis niyang bati kay adrian. Pag-ibig ang kanilang tawagan. Sa dami ng diskusyon tungkol sa kanilang itatawag sa isat-isa na umabot pa sa tawagang; bebe, mhie(pinaikling tawag sa mommy), panget at labi-dhubs, ay napagpasyahan nilang pag-ibig na lang ang kanilang tawagan. Hindi naman kaylangan maganda ang tawagan ninyo sa isa’t-isa ang mahalaga ay ang nararamdaman ninyo. Pero mukang sa iba ay malaking bagay ito para sa kanila, ngunit kina adrian at louise ay hindi ito importante. Maganda o kaya naman kakaiba ang tawagan ninyo kung hindi rin naman kayo ang para sa isa’t-isa, isa lamang yan sa mga dahilan nilang dalawa kung bakit hindi na nila ito binigyan pansin. Pangit man o baduy ang mahalaga nagmamahalan kayo.  
   
    “Nakalimutan muna yata kung anong araw ngayon”? tanong ni adrian.

    'Teka iisipin ko” dahil sa kakagising pa lang at lutang ang isip ay natagalan ito sa pagsagot. Habang hinahanap ang sagot sa isip; kung ano nga ba ang ibig sabihin ni adrian, at ng nabaling ang kanyang paningin sa kalendaryo. May 24, Ah! bigla niyang naalala na ika-tatlong anibersayo pala nila ngayon.

    “Pag-ibig, Happy 3rd aniverssary ” masayang sagot nito.

    “Di ba sabe ko sayo may mahalaga akong sasabihin sa’yo ngayon at pupunta tayo sa lugar na gustong-gusto mung puntahan kaya mamaya susunduin kita ng alas kwatro diyan sa inyo, okay”. masayang paalala ni adrian.

    Hindi na pinatagal ni adrian ang usapan, dahil alam ni louise na kapag darating ang ganitong araw sa kanila, ay ginagawang masaya at napaka-espesyal ni adrian ang araw na ‘to para sa kanila. Pero kahit ordinaryong araw, para sa kanila ay espesyal na ‘to.  Naging maganda ang lahat sa relasyon nila, kahit minsan ay may unting tampuhan. Pero bago matapos ang araw ang nagiging maayos din naman sa kanila ang lahat. Minsan sila’y na sa parke: “Pag-ibig, naniniwala kaba sa perfect relationship?” tanong niya, habang nakayap si Adrian. “Ewan, di ko alam, siguro” magulong sagot nito. “Yes or no lang ang isasagot mo, nu kba” mabilis na sabi nito, habang nakaabang sa isasagot ni adrian. “Well, para saken. . . life ends, but love doesn’t. Get’s mo?” sagot niya. “And loving someone who you really Love, is a big responsibility or it’s like a job. May obligasyon kang mahalin siya ng tapat, at trabaho mo ang pasiyahin siya sa lahat ng pagkakataon” dugtong nito, at habang nagpapaliwanag ito, ay napansin ni louisse na mas lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Adrian. Bagay na gustong-gusto niyang gawin sa kanya nito(bukod pa sa nakalulunod nyang halik). Ang yakapin ng mahigpit at maramdaman ang init ng pagmamahal nito sa kanya. Isa lamang ito sa mga alaala na gustong maranasan muli ni louise, maulit at di na matapos.
       

    Nagtra-trabaho bilang nurse si adrian sa isang pribadong hospital, natapos na rin siya sa kanyang masteral degree. May planong mag trabaho sa ibang bansa si adrian, ngunit di niya muna ito binbigyang halaga. Dahil mas mahalaga sa kanya na makapiling si louise. Malimit na lang sila magkita, gawa ng kanyang trabaho. Minsan na lamang sa isang lingo sila magkita, maswerte na kung magkita man sila ng dalawang beses. Pero ganun pa man, hindi nagkulang si adrian kay louisse, palage pa rin siyang gumagawa ng paraan upang sila’y magkita at magkasama.

    Pinaghandaan at pinagplanuhan ni adrian ang araw na ito. Kinansela at nag leave siya sa trabaho sa dahilan ang araw na ito ay napaka espesyal sa kanila lalong-lalo na sa kanya. Sa kabilang banda ay hindi alam ni louise, ang araw pala na ito, ay ang araw na hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Hindi maikukumpara sa isang regalo na tanggap ang sayang dala ng pag alok sa iyo ng kasal ng taong mahal na mahal mo. Pero  sa dami ng kinakasal sa mundo hindi lahat nagtatagal. Dahil sa madaling sabihin ang “Oo” ngunit mahirap itong patunayan. Minsan taon o dekada ang kaylangan mung gugulin upang patunayan ang bawat isa sa mga pinangako mo. Pero kina adrian at louise ang lahat sa kanilang dalawa ay malinaw; malinaw pa sa sikat ng buwan na alam nilang ang pagmamahalan nila’y hindi matitibag at hindi kaylanman patatangay katulad ng papel sa mga problema o pagsubok ng buhay. Ang pag-ibig nila’y sing tigas ng diyamante; matibay at makinang at hindi kaylaman man kukupas, ika nga ni robin kay mariel. Dinala niya sa lugar na palaging binabanggit sa kanya ni louise na gusto niyang puntahan, sa lugar na kung saan madalas makikita mulang sa mga palabas sa t.v dahil sa maganda ang lugar at bagay na bagay sa mga mag sing irog. Pasado ala-siyete ng sila’y nakarating sa tagaytay mula bulacan. Isang sikat na restwrant sa tagaytay ang pinuntahan nila, maganda ang tanawin at ang kapaligiran ay napaka romantiko “sakto”, mahinang sabi ni adrian. Nakasuot ng formal attire silang dalawa na mukang pupunta sa isang debut. 

    “Louise”, malambing at malamig ang dating ng boses ni Adrian, at habang hawak ang dalawang kamay nito ay pansin ni louise ang pawisin nitong palad. Halatang kinakabahan si adrian, naisip niya. Pero bakit naman siya kakabahan, tanong niya sa kanyang sarili. “I know it's not the right time para sabihin ko ito o baka isipin mo na masyado akung nagmamadali” naguguluhan na si louise kung ano ang punto ni Adrian. “pero isa lang ang alam ko at alam kung alam mo ‘yun louise na mahal na mahal kit . . . ” pero bago pa man matapos ni Adrian ang kanyang sasabihin, ay bigla itong tumayo, nag punas ng pawis sa kanyang nuo at sumenyas na parang aalis na ang jeep na kanilang sasakyan - hudyat pala ito para sa mga musikerong kinumtsaba niya para tugtugan sila. Si louise naman, ay parang di parin makahalata, kung anu ang balak gawin ng nobyo. Isang romantikong bagsak ng musika na ang pamagat ay “I will be here” na theme song nila. Ang humila sa atensyon ng mga tao na nasa loob ng restawran, at upang sila’y pagtinginan ng mga ito.

    “I know that im not perfect, and I can’t promise that I can give you anything that you want. But for you my dear, I can be more than a perfect guy. And having you beside me, I can say that Im already lucky, and if you choose to stay and live with me for better or worse, for richer and poorer” lumapit si Adrian at bahagyang lumuhod sa harap nito. “That’s the time that i can say, that my life is now complete because you complet me.
I love you more than anything in this world, and being with you is the only thing that will make me happy and in front of this many people, I want them to know how much I love you, huminga ng malalim si adrian sabay bigkas ng - Mahal na mahal kita louise” Mula sa kanang bulsa ng kanyang mamahalin slocks, kinuha niya ang maliit na kulay pulang kahon na may lamang singsing. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon.

    “Ms, Louise rivera, will you marry me”? Walang maisagot si louise, kundi ang matulala, dahil sa di inaasahan pangyayare. Halong saya at kaba ang nararamdaman niya ngayon, iniisip niya na kung hindi niya pagbigyan ang hiling ni Adrian na magpakasal, ay baka iwan siya nito, at baka isipin ng ibang tao na nasa loob ng restawran, na isa siyang tanga o pag isipan siya ng masama dahil sa effort at ginawang paghahanda ni Adrian ngayon, para lamang marinig ang kanyang inaasam na “Oo” galing sa kanya. Pero alam ni louise na hindi niya kayang tanggihan ang alok sa kanya ni Adrian, dahil alam niyang lolokohin niya lang ang  kanyang sarili kung gagawin niya ito. Dahil sa puso niya, ay tanging si Adrian lang ang tinitibok nito, at sa piling ni Adrian lamang siya magiging masaya.

    Dahan-dahan tumayo si louise at hinandog ang kanang kamay niya, hudyat na pinapaubaya na niya ang kanyang puso at buhay kay Adrian, na mahal na mahal niya higit pa sa kanyang sarili. Tumayo mula sa pagkakaluhod si Adrian, at hinawakan niya ang kamay ni louise na may diin at nakatitig sa mata, na para bang nanghihipnotismo, at habang isinusuot sa kaliwang palasingsigan daliri ang singsing. Lalo pang dumidiin ang hawak nito sa kamay ni louise, at ng nasuot na niya ang singsing, ay tuluyan ng nadala ng emosyon niya si louise. Isang mahigpit na yakap ang gumulat kay adrian, at kasama ng yakap ang luhang bumagsak sa kanyang matang maningning pa sa bituin. Lahat naman siguro maluluha sa ganitong pagkakataon ng kanilang buhay pero ang luha na galing sa mata ni louise, ay iba dahil iba ang nararamdaman ni louise. Dahil ngayon ay nauunawaan na niya na ang kayamanan ay hindi lamang umiikot sa mga ginto at mamahalin alahas o magagarang sasakyan at malapalasyong bahay, kundi ang matagpuan ang isang bagay na magpapasaya sa iyong buhay. Ito’y ang makasal sa taong kahit nakapikit ka ay siguradong sa pagmulat mo ay siya pa rin ang taong mahal mo at walang pagbabago. Lumipas man ang mga araw at buwan.Dumaan man ang ilang pasko at bagong taon kahit anong mangyare alam mung siya ang taong para sayo at ganun din siya sayo. Sa kanya iikot ang mundo mo at sa iyo magiging masaya ang buhay niya. Walang kapalit, walang dahilan at walang rason ang lahat Kung kayo talaga ang tinadhana ng taong may lika sa lahat.

    “loko ka, ginulat mo ‘ko Adrian” pahikbi-hikbing sabi ni louise,  habang mahigpit ang yakap nito, kasama ng mga luhang patuloy ang buhos sa kanyang mata. “Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko” Hawak ang braso ni louise, ay inalis niya ito mula sa pagkakayap.
“Anong sagot mo Oo o hindi” diretsong tanong nito. “Baliw, Oo, syempre” sagot ni louise, habang unti-unting pinupunasan ang luha sa kanyang mata na ngayon lamang napansin ni adrian kung gaano ito ka ganda at alam niyang ang mga mata ni louise ay hindi sinugngaling na talagang mahal siya nito at totoo. Habang ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa kanilang dalawa. Ay biglang may malakas na sigaw na galing sa isang lalaki, na nasa dulong bahagi ng restawran, at tangan nito pataas ang isang bote ng wine ang pumukaw sa napaka romantikong pangyayare.
KASALAN NA. . . 
 
itutuloy. . .