Better Today (Remake)
Ed 12.00 Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman","serif"; mso-fareast-font-family:"MS Mincho";}
Sa buhay natin ay marameng puwedeng mangyare, puwedeng maganda o masama.
At sabi nila ang bawat tao ay masariling tadhana, pero kaya natin itong ibahin sa paraan gusto natin, ngunit hindi natin mababago ang naka tadhana para sa atin.
Kaya habang andyan pa ang taong mahal mo ay dapat na ipakita mo kung gaano siya ka importante sayo, at kung gaano mo siya kamahal.
Pero paano kung huli na ang lahat?
Ano ang gagawin mo?. . . .
“Mom louise?” mahinang tawag mula sa naka bukas na pintuan.
“Tuloy ka charles, na cancel muna ba ang meeting ko this day”.
“Yes mom, as you said will have the meeting this Saturday” sagot ng sekretarya.
“Good, maaga akong aalis ng office ngayon so call me if there's any problem okay” mabilis umalis ng kwarto ang sekretarya.
Agad lumabas ng pinto si louisse, isang manager si louise ng isa sa sikat na kompanya sa bansa. Hawak ang cellphone sa kaliwang kamay, tinawagan niya ang yaya ni Adrian jr sa bahay, upang sabihin sunduin ng maaga sa eskwelahan at hintayin na lamang siya doon upang kunin si Adrian jr. Sumakay sa isang magarang Mercedes benz si louise. “Manong, sa skul tayo ni Adrian” tumungo lang ang drayber, sinyales na alam niya kung anong meron sa araw na ito, dahil sa tagal na niya serbisyo bilang drayber.
Habang nasa loob ng sasakyan si louise, hawak ang isang sign pen na may pangalan louise sa dulo nito, ay sinusubukan niyang magsulat ngunit walang pumapasok sa isip nito, bagkos ang alaala ng kahapon ang sumasagi sa kanyang isip.
Ang kahapon na sana’y hindi na natapos at ang kahapon na gusto niyang balikan, kung puwede. Ika-tatlong taon anibersayo ng pagkamatay ngayon ni Adrian.
Isang araw na kung saan nakagawian na niyang gumawa ng sulat para sa kanyang asawa at kanya itong iiwan sa puntod.
Habang malakas ang buhos ng ulan si louise, ay nakatingin sa mga taong umiiwas sa malakas ng ulan. Pero sa di mapaliwanag na dahilan ay di nya maalis ang pagkatitig sa mag-asawang, kahit basang-basa sa ulan ay nagagawa parin ngumiti at magtawanan.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, habang nakatitig sa mag-asawa, ay ang pagbalik ng mga alaala ng nakaraan sa kanyang isipan. Isang patak ng luha ang dumampi sa kanyang pisngi, at ng kanyang pinunasan gamit ang kamay ay ramdam niyang malamig ito, kasing lamig ng binubugang hangin ng sasakyan niya. . . .
THE PROPOSAL
May 2002
Mataas na ang sikat ng araw nang nagising sa louisse, balak pa sana niyang matulog ulit. Nang biglang may kumatok at tinawag siya ng kanyang kapatid.
“Ate, may tawag ka sa telepono. Si kuya adrian kanina pa siya tumatawag”.
Pahangos na bungad ng kanyang kapatid. Dali-dali siyang bumaba papuntang sala, di niya na namalayan na siya pala’y nakapang-tulog pa.
'Hello, pag-ibig andyan ka pa ba? sorry kakagising kulang kasi'. mabilis niyang bungad kay adrian
“Nakalimutan muna yata kung anong araw ngayon”? tanong niya.
'Teka iisipin ko” Habang iniisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ni adrian ay napatingin siya sa kalendaryo. May 24, Ah! bigla niyang naalala na ika-tatlong anibersayo pala nila ngayon.
“Pag-ibig, Happy 3rd aniverssary po” masayang bati niya.
“Di ba sabe ko sayo may mahalaga akong sasabihin sa'yo at pupunta tayo sa lugar na gustong-gusto mo, kaya susunduin kita ng ala-una dyan sa inyo, okay”.
Hindi na siya nagtanong pa kung saan siya balak dalhin, dahil alam niya naman kapag dumarating ang ganitong araw sa kanilang dalawa ay ginagawa ni adrian na maging masaya at napaka-espesyal ang araw na ito. Pero kahit ordinaryong araw lang, ay nagagawa paring espesyal ni adrian. Naging maganda ang lahat sa relasyon nila, kahit minsan ay may unting tampuhan. Pero bago matapos ang araw ang nagiging maayos din naman sa kanila ang lahat. Minsan habang sila ay nasa parke, ay may naitanong ni louisse sa kanya.
“Pag-ibig, naniniwala kaba sa perfect relationship?” tanong niya, habang nakayap si Adrian.
“Ewan, di ko alam, siguro” magulong sagot niya.
“Yes or no lang ang isasagot mo” sabi ni louise.
“Well, for me. . . uhmm life ends, but love doesn’t. Get’s mo?” sagot niya.
“and for me loving someone who you really love, is a big responsibility or a job. May obligasyon kang mahalin siya ng tapat, at trabaho mo ang pasiyahin siya sa lahat ng pagkakataon” habang nagsasalita siya, ay napansin ni louisse na mas lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Adrian, bagay na gustong-gusto niyang gawin sa kanya ni Adrian. Ang yakapin ng mahigpit at maramdaman ang init ng pagmamahal nito sa kanya.
Isa lang ito sa mga alaala na gustong maranasan muli ni louise, maulit at di na matapos.
Sa ngayon nagtra-trabaho na bilang nurse si adrian, tapos na rin siya sa kanyang masteral. Malimit na lang sila magkita, gawa ng kanyang trabaho. Minsan na lamang sa isang lingo sila magkita, maswerte na kung magkita man sila ng dalawang beses. Pero ganun pa man hindi nagkulang si adrian sa kay louisse, palage siyang gumagawa ng paraan upang sila’y magkita at magkasama. Pero ang hindi alam ni louise, itong araw pala na ito, ang araw na hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya.
Dinala niya sa lugar na palaging binabanggit sa kanya ni louisse na gusto niyang puntahan, sa lugar na kung saan makikita mulang sa mga palabas sa t.v.
Isang sikat na restaurant sa tagaytay ang pinuntahan nila, nakasuot ng formal attire silang parehas na mukang pupunta sa isang debut.
“Louise”, malambing at malamig ang dating ng boses ni Adrian, at habang hawak ang dalawang kamay nito.
“I know it's not the right time para sabihin ko ito, o bka isipin mo na nagmamadali ako”, naguguluhan na si louise kung ano ang punto ni Adrian. “pero isa lang ang alam ko louisse, mahal na mahal kit , , , a” pero bago pa matapos ni Adrian ang kanyang sasabihin, ay bigla na lang itong tumayo - hudyat pala ito para sa mga musikerong kinumtsaba niya para tugtugan sila. Si louise naman, ay parang di parin makahalata kung anu ang balak gawin ni adrian. Isang romantikong bagsak ng musika na ang pamagat ay “I will be here” ang humila sa atensyon ng tao na nasa loob ng restawran, at upang sila’y pagtinginan.
“I know that im not perfect, Im not rich or a son of a millionaire like others. And I can’t promise that I can give you anything that you want. But for you, I can be more than a perfect guy. And having you beside me, Im already lucky, and if you choose to stay and live with me for better or worse, for richer and poorer” lumapit si Adrian at bahagyang lumuhod sa harap nito. “That’s the time that i can say, that my life now is complete.
I love you more than anything in this world, and being with you is the only thing that will make me happy” Mula sa kanang bulsa ng kanyang slocks na pantalon, kinuha niya ang maliit na kulay pulang lalagyan ng singsing. Dahan-dahan niyang binuksan ang lalagyan.
“Ms, Louise rivera, will you marry me, kahit na hindi ako perpektong lalake, at mayaman? Walang maisagot ng umpisa si louise, kundi ang maluha, dahil sa di inaasahan pangyayare. Halong saya at kaba ang nararamdaman niya ngayon, at iniisip niya na kung hindi niya pagbigyan ang hiling ni Adrian na magpakasal, ay baka iwan siya nito, at baka isipin ng ibang tao na nasa loob ng restawran, na isa siyang tanga o masama dahil sa effort at ginawang paghahanda ni Adrian ngayon, para lamang marinig ang kanyang inaasam na “Oo” galing dito. Pero alam ni louise na hindi niya kayang tanggihan ang alok sa kanya ni Adrian, dahil alam niyang lolokohin niya lang ang sarili niya kun gagawin niya ito. Dahil sa puso niya, ay tanging si Adrian lang ang tinitibok nito, at sa piling ni Adrian lamang siya magiging Masaya.
Tinaas ni louise ang kanang kamay niya, hudyat na pinapaubaya na niya ang lahat at buhay niya kay Adrian, kay Adrian na mahal na mahal niya. Tumayo mula sa pagkaluhod si Adrian, at hinawakan niya ang kamay ni louise na may diin at nakatitig sa mata, na para bang nanghihipnotismo, at habang isinusuot sa kanang hintuturo ang singsing.
Lalo pang dumidiin ang hawak nito sa kamay ni louise, at ng nasuot na niya ang singsing sa kamay nito, ay tuluyan ng nadala ng emosyon niya si louise. Isang mahigpit na yakap ang gumulat kay adrian, at kasama ng yakap ang luhang bumagsak sa kanyang matang maningning pa sa bituin.
“loko ka, ginulat mo ‘ko Adrian” sabi ni louise, habang mahigpit ang yakap nito kasama ng mga luhang patuloy ang buhos sa kanyang mata. “Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko” Hawak ang braso ni louise, ay inalis niya ito mula sa pagkakayap.
“Mag papakasal ba tayo o hindi” diretsong tanong nito. “Baliw, Oo naman ,syempre” sagot ni louise, habang unti-unting pinupunasan ang luha sa kanyang muka. Isang malakas na sigaw na galing sa isang lalaki, habang tangan nito pataas ang kanyang baso na nasa dulong bahagi ng restawran ang pumukaw sa nakakaiyak na sitwasyon.
“KASALAN NA ‘TO!. . . .
itutuloy. . . .


