Bili na Kayo ng Cartoons! Mainit-Init Pa!
Hindi niyo naitatanong, head writer ako ng animated version ng Super Inggo dun sa ABS-CBN (hindi sa nagmamayabang ha?). Nakakalungkot lang na sa galing ng Filipino animators and artists, kakarampot lang ang na-produce na animated shows and movies ng Pilipinas. Ang mahal kasi gumawa ng cartoons e. Yung artists and animators nga namin pumayag sa pay cut kasi Pinoy production naman. Malaki ang pagmamahal nila sa larangang ito kaya para sa ikaaangat ng Pinoy animation nagsakripisyo sila ng malaki. Alam nilang mas malaki ang kikitain nila kung foreign project ang kakagatin nila pero hindi nila kami iniwan. Lahat kami, ang vision ay magkaroon ng genuine Pinoy animation industry, mga Pinoy na gumagawa ng animated shows and movies para sa Pinoy din talaga bago i-export.
Ang siste namin ay hindi lang ituring na laborer ang artists kundi isama sila sa proseso ng paglikha. Nung una nanibago sila sa kapangyarihang ganito. Sanay daw kasi sila na ibinabagsak lang (ng foreign production companies) ang lahat ng materyal sa kanila at ang trabaho lang nila ay sumunod sa utos. Pero nung naka-ilang episodes na kami, nagje-gel na rin ang creatives and artists sa paglikha at pagbato ng mga ideya (lalo na ng mga gags na di pwedeng ilagay sa pambatang cartoons).
Sobrang hirap gumawa ng cartoons ha (matrabaho para sa lahat pero ang bayad ay pang-third world at maraming cost-cutting measures dahil lumolobo ang production cost... sa writer times ten ang trabaho kumpara sa pagsusulat at pagsu-supervise sa live action scripts) at marami nang umalis. Sinasabihan nga ako na nagpapakatanga ako at hindi ko pa iniiwanan e. Anong magagawa ko? Sobrang fanboi ako ng pop culture kaya ang pagsusulat ng cartoons is a wet dream come true para sakin.
Aside lang pala. Ngayon na nasanay na akong magsulat ng animation, pota, tinatamad na akong gumawa ng live action. Pag nagsusulat ako ng live-action script tinitignan ako ng masama ng produser kasi sobrang gastos ng gusto kong mangyari. Palibhasa, sa animation ay malaya ang utak mong magpaka-over the top. Sa action scenes sa cartoon scripts namin normal na ang magpasabog ng building at kotse. Hindi na astig para sa amin yon.
Nga pala, may ikinatatakot ako. Kasi baka may mga anime fanboys din tulad ko dyan na magreact pag nakita ang cartoon show namin. Bakit bakya pa rin? Bakit formulaic pa rin? Kulang ba sa Promil ang mga gumawa nito at hindi makapag-isip ng mas matinding mga kwento at eksena? Pangungunahan ko na kayo. Pasensiya na pero mainstream TV show pa rin ang ginagawa namin. Para kay Aling Bebang na labandera. Para sa masa. Ang network TV ay paranoid sa pagkalugi, lalo na sa expensive shows like cartoons. Kung ikaw ba naman gagastos ng mahigit na isang milyong piso para sa isang episode e pucha gusto mong makasiguradong kikita ka. Kaya ayon po, wish ko lang na mabigyan ng layang pasabugin ang utak ko at ng mga nagtatrabaho sa show na ito sa paglikha ng pinaka-astig na cartoon show sa balat ng lupa pero sadly nakakahon pa rin kami sa mainstream. Wag na lang kayong magulat kung gaanong kabukaka ang pagpasok ng sponsors. Susmariosep. May counter-argument nga ako e. Pucha, yung anak ni Aling Bebang bumibili yon ng pirated na Bleach at Death Note. Keri ng kabataang masa ang mas mataas na mga kwento at konsepto. Pero siyempre ang sagot sakin hindi lang naman para sa anak ni ALing Bebang ito e. Para kumita ito dapat lahat magustuhan. Pero wag kayong mag-alala, hindi po basura ang show namin. Panoorin niyo paglabas, malapit na.
Pero optimistic pa rin ako sa Pinoy cartoons. Dito kasi creativity, story, etc. ang labanan. Hindi pasikatan ng artista. Hindi natin pwedeng i-export ang mainstream TV shows natin sa, say, Hollywood kasi keber naman nila kay Piolo? Pero pag cartoons, pwede tayong makipagsabayan. Kung mangangahas ang producers na ibuka ang kahon para magkaron ng laya ang creators na gumawa ng astig na cartoon shows, hindi lang indibidwal na animators ang kikilalanin sa mundo kundi ang Pilipinas bilang pugad ng matitinding cartoons. Parang anime ng Japan. Taas ng pangarap ano?
Pero hindi sa network TV magsisimula ito. Sa mga writers and artists na nagsasama-sama independent of the mainstream producers. May tropa ako currently na gustong maging pioneers sa pagpapausbong ng Pinoy animation industry. May project kami. Sali kayo. Malaki ang sakripisyo pero tulad nga ng sabi ng Nazi death camp survivor na si Dr. Viktor Emil Frankl: what is to give light must endure burning.

PS: Gusto rin naming buhayin ang Pinoy komiks, sali din kayo.
Me!
Sali ako!!
I would love to be a part of it! :3
pwede tayong mag animate
pwede tayong mag animate homebased. may central dropping off points lang na magpa patch ng mga gawa. sige, masimulan na!
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Sounds like a plan ... if
Sounds like a plan ... if not sound. Where? When? With whom? What's the story? Budget?
If I am allowed to join, I'd give my contact #. :3
@rom and pmel:
@rom and pmel:
We're scheduled to meet first week of January to organize. Siyempre may hang-over pa ang lahat sa mahabang bakasyon. I'll report back after that initial meeting. Thanks.
cge i'll contribute
cge i'll contribute whatever i can, time talent etc. may mga kilala din akong Digital paint studio at indie flash studio na pwede natin na maximize at lapitan
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Kewl
Kewl. Iniisip nga namin baka combined 2D and Flash. Bale 2D for action scenes and Flash for talkies.
pencil pushers
call ako hehe...
pencil pushers ako e. mas gusto ko yung pencil ang gamit kesa sa stylus medyo kinakalawang na nga lang tagal ko rin kasing nahinto. kailangang magtagtag ng kalawang muna.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/
Nakaka-inspire. Kaso, ang
Nakaka-inspire. Kaso, ang maikokontribyut ko lang, kung sakali, ay kwento. 'Tsaka mukhang masarap gumawa ng kwento ng may mga kasama kang gumagawa. :)
* * *
Onga
Onga minsan it's fun na may ka-jamming sa pagsalsal (excuse my French) ng ideya. Pero minsan din mas masarap na magkulong muna na ang tanging kasama ay ang sariling utak at puso.
WOW Pinoy Anime!
I've been a fan of anime every since I was teka hmmm. Ever since it was invented yata hehe! Anyways, I really admire you guys. It is hard nga lang kasi talagang walang nag-i-sponsor. Sabi ko nga sa friend ko siguro may bilyones ako ay I will sponsor a pinoy anime. Tingin ko kasi handa na ang pinoy to accept this new trend dahil nagkalat na sa atin ang pirated dvds ng mga Naruto, Bleach, One Piece at kung ano-ano pa.
Baka makakuha rin kayo ng support from our great artist like Whilce Portacio (Spawn, X-Men, etc..).
Sige maganda yan. Kahit siguro simulan niyo muna sa Manga like how other anime started. To gain popularity and credible or potential sponsors. Kahit free lang muna yung manga, kung kaya.
If ever there is anyway we could help, siguro for now - WORD OF MOUTH MUNA hehe!. Tell us where to get the manga and we'll distribute it haha! Pwede rin pala bigay kami ng ideas. I'll be glad to help out.
Thanks!
Thanks! I'm sure magiging malaking tulong ang sites na tulad ng FilipinoWriter.Com at mga miyembro nito.
'nod'
Kadalasan mas maganda ung mga anime nagmula sa mga manga (naruto, one piece, bleach)... Opinion ko lang...
Goodluck!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Good idea! Sana maging matagumpay!
Happy new year to all!
Jonsdmur
Hmmm...
Gusto ko sana sumali... Pero... Hanggang character design lang ako :Ç









eksena sa animation
totoo yan 'pre year 1995 pa ng mag resign ako sa Fil-Cartoons at nagtayo kami ng ilang kaibigan ko ng grupo. Living room productions itinawag namin kasi nga sa living room lang kami ng kaibigan ko gumagawa ng animation. mga improvised light box ang gamit namin at peg bars lang--wala pa kaming pambili ng animation disk, mahal kasi. tapos since that time wala pang digital painting ang animation enamel house paint ang gamit namin sa plastic book cover instead na plastic cel, nakiki shoot lang kami sa 35mm camera ng gawa namin para maging film na 24 fps.
nakagawa kami ng teaser ng pinapangarap naming pinoy animation ang title e UNOS. bale pinoy folklore siya ang villain mga aswang, tikbalang etc. medyo ako ang kumapa sa script at nakisangkot sa animation. inilapit namin ito sa mga producer para magkapag-asang maging isang full length animation.
maganda raw, sabi ng mga prodyuser (ch7, ch5 at ch2) kabilang na si cheche lazaro sa nakausap namin. hanggang dun lang maganda raw pero di nila kayang gastusan. sabi pa ni boss vic (del rosario) mas magastos daw gumawa ng animation kesa sa pito-pito films (uso kasi ang pito-pito films at Rosanna Roces that time)
ayun naka shelve pa rin ang UNOS hanggang ngayon. ayaw din kasing pumayag nung friend ko na maging co-producer namin yung isang network e. pagpuputa daw yun. Buhay pa si Nonoy Marcelo that time may usapan kami na gawing animated ang IKABOD bubwit niya. hanggang nakamatayan na niya hindi natuloy--walang pondo e. Si Pol Medina naman ginawan namin ng teaser ang Pugad Baboy niya, namahalan din sa cost--di natuloy.
maraming talented na animators dito sa pinas, madami din materials magagaling talaga sila. recently nga kinontak ako ng director ng TABI-TABI PO isang indie produced na animation using adobe flash. nakakuha kasi sila ng grant sa NCAA para gumawa ng animated film. oks nga pumayag ako kahit barya lang masarap kasi gumawa ng animation lalo na kapag malaya ang creative aspect nito at hindi de-latang galing holywood.
Pagkagaling ko sa INDIA as an animator nag offer sa akin gumawa sa Urduja, last year yun, sinilip ko muna mga nasa pamunuan ng Urduja--sabay tanggi. hehe, sila-sila pa rin kasi e--ang mga taong nagpabagsak sa industriya ng anaimation dito sa 'pinas.
sana magtuloy-tuloy ang sigla ng animation dito, oks lang kahit mainstream muna. malamang may susulpot na underground movement na gagawa ng mabagsik at astig na pinoy anime. pag nangyari yun di bale nang walang bayad willing ako gumawa basta masimulan lang.
sali ako dyan bro, kahit sa komiks
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/