Binhi ng Galit
Minsan, nagtanim ako ng isang binhi ng galit
Araw-araw, dinilig ko ito ng ngitngit
Winisikan ko rin ng patabang himutok
Kaya ito’y sumibol sa kubling lupa ng poot.
Natuwa ako nang ito’y sumuloy
Ngunit naduwag ako nang ito’y yumabong
Kaya sinikap kong patayin ng pagpapasensya
Ngunit ang ugat yata’y bumaon na nang sobra.
Lumipas ang araw, ang galit ay nagsikip
Kaya gumapang ito palabas ng dibdib
Sumulong pa ito at umabot sa bibig
At doon sa dila’y namunga ng salitang masasakit.
Ang mga dahon nito’y tumakip sa tenga
Naging bingi sa paghingi n’ya ng dispensa
Nagsumiksik din ang sanga sa mga mata
Kaya hindi na nakita pa ang pagmamakaawa niya.
Nagdilim ang mata, nagsara ang tenga
Hindi na nalaman ang sumunod na istorya
Galit ay unti-unting nang nalanta
Hanggang sa mawala na,
dahil wala na rin siya.
Ang may-akda ay hindi galit, hindi rin siya nagngingitngit...
Naalala lang niya ang tula ni William Blake na 'A Poison Tree'.
!
Salamat, salamat, salamat sa pagbabasa...
Tama ka...
Basahin mo ang tula ni William Blake, maeenganyo ka ring sumulat ng tula tungkol sa galit:
I was angry with my friend:
I told my wrath, my wrath did end.
I was angry with my foe:
I told it not, my wrath did grow.
And I watered it in fears
Night and morning with my tears,
And I sunned it with smiles
And with soft deceitful wiles.
And it grew both day and night,
Till it bore an apple bright,
And my foe beheld it shine,
And he knew that it was mine -
And into my garden stole
When the night had veiled the pole;
In the morning, glad, I see
My foe outstretched beneath the tree.
Siguro nagsisimula ang galit kapag kinikimkim mo ito at hindi mo agad nilalabas...
salamat sa iyong
salamat sa iyong napakagandang tula, mas maganda pa kaysa sa akda ni W.Blake. simple at napakalinaw ng pagkakalahad. kahit na nga patungkol sa galit ang akda ay magaan pa ring basahin...parang telenobela o kaya'y MMK kung tutuusin na pagkatapos ay susundan ng SOCO. yaan mo, maya maya bago matulog ay magpopost din ako ng tulang hindi lang tungkol sa galit kundi ay talagang nakapanggagalit.
!
Kabayang Amos,
Salamat nang marami! Napangiti ako sa iyong komento at napahalakhak ako tungkol sa SOCO...
Mahanap nga ang tula mo, gusto ko ulit magalit.
Bigay ko ang kasagutan ko sa mga tanong mo sa email mo...
nice
maganda to =)
ang galit talaga, nakakapangmanhid..
!
Salamat, salamat, salamat po nang marami sa pagbabasa...
Happy birthday ulit!
nice poem!
magaling ang paggamit ng mga salita, paggamit ng mga metaphors. naging effective sa kabuuan ng tula.
keep it up! :D
I'd love to turn you on...
!
Naku! Salamat po!
Ginaganahan tuloy akong magsulat pa...
Salamat po ulit!
ah
ano ba ang masasabi ko...magaling kapatid napapacartwheel ako aha!
paramdam!
!
Kapatid na Vima,
Kapag galing sa'yo ang papuri ay tumataba ang puso ko...
Kaya...
Bibigyan kita ng 'Power Hug'...
Nyaha!

:)
Maganda ngunit mamaya ko na lilimiin paggising ko.
Ito lang muna nakita ko. Araw-araw (pang-abay na inuulit) = dinidiligan
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
!
Kuya,
Ang aspekto po ng pandiwa na ginamit ko sa buong tula ay nasa pangnagdaan, kaya po lahat ng pandiwa ko sa tula ay nasa ganoong aspekto.
Hindi ko rin po alam...
Baka po may mabibigay ulit kayong kodigo tungkol sa aspekto ng pandiwa sa akin. Sinasanay ko po kasi ang aking sarili na maging magaling sa tamang paggamit ng wika natin.
Kuya,
Nakatulong nga po pala ng malaki ang ibinigay ninyong kodigo sa gamit ng 'ng' at 'nang' sa akin. Salamat po!
Reya
:)
kasi yung araw-araw ay pang-uring pamanahon at nangyayari pa rin sa kasalukuyan at hinaharap na tumutukoy sa dinilig na pandiwa. Napansin ko nga na ang kalahatan ay nangyari na sa nagdaan. Masmainam siguro kung gagawin na lamang na:
Noong araw ay dinilig....
Nasasayo pa rin iyan...
Maghahalukay ako ng ukol sa pang-uri.
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
!
Salamat po, panibago na namang kaalamang aking natutunan...
Kapag po may nahalukay kayong kodigo tungkol sa pang-uri, ibahagi n'yo rin po sa akin.
Salamat po ulit!
hello..
maganda ang pagpili ng mga mga salita para sa isang makahulugang tula...
keep on writing!
ingatski,
melay
!
Melay,
Salamat! Salamat! Maraming salamat sa pagbabasa...
Talaga namang nakakaganang sumulat sa sinabi mo!
Reya
sana...
katuwa tula mo, sana ako gumawa... but im inspired
!
Yin,
Welcome to FW!
Aabangan ko ang mga sulat mo. Lagi akong nandito, minsan pakalat-kalat lang.
Salamat sa pagbabasa!
Nagustuhan ko ang
Nagustuhan ko ang tula!
Pinakita dito kung paano umuusbong, nananahan, at nawawala ang galit.
Kadalasan, ang galit sa kapwa ay sinisira siyang nagagalit, hindi yaong taong kinagagalitan. Nakita ko dito kung paano rin manipulahin ng galit ang tao na talaga nga namang nangyayari!
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Thomas Jefferson:
When you're angry, count ten before you speak. When very angry, a hundred...
Haay, kahapon kasi may nakaaway akong pulis. Hindi ko nagawa yung sinabi ni Thomas Jefferson, at nanahan ang galit sa akin. Haay, galit....
Salamat sa iyong tula! :) Gandang araw.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
!
Salamat po!
Magandang araw din sa iyo!










Akala ko galit ka hehehehe
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Sa tula mo malalaman kung paano sumibol ang galit.. at kung ano ang maaaring maging epekto nito....
Keep on posting!
jonsdmur