biodata(talambuhay)...
biodata (talambuhay ko)...
isang kapirasong papel at
pira-pirasong buhay ko’y pinipilit
pagkasyahin---pagtagni-tagniin.
Ipapakita ko lamang ay ang
bawat tagumpay at halakhakan natin,
Itatago ang basura tulad ng
kahinaan ko tuwing iiwan mo.
Binabalikan ang alaala ng nakaraan
wari’y maaari pa na ikay makasama
ngunit luha lamang ang dala
tulad ng pagkawala
nitong diploma.
Bakit nga ba ang buhay ay
puno ng pagkukunyari
tulad ng payaso sa entablado na
tinatago ang lahat sa isang ngite,
ngunit ito lang ang paraan
upang matanggap nila ako—
at hindi ako
na ako.
dyeppri
tama ba dyeppri?
AGATHA, metaphor siya.. maaari mo siyang iinterpret na mula sa isang point of view ng isang taong naghahanap ng trabaho na kailangang mahusgahan ang galing dahil sa nilalaman ng resume' niya. na minsan sa mundong ito, laging nagsasaad ng pagkatao mo ang bio datang hawak mo.
ang bio data ang nagsisilbing ikaw sa mata ng ibang tao. ngunit higit ka pa sa bio data na hawak mo.
ito ay pang-unawa ko lang....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
dahil...
dahil ang tula ay tula at gumagamit ng ibat-ibang sangkap (metapora na gaya ng sabi ni talulot, simili o pagkukumpara, irony, dati'y sukat o tunog ngunit mas sikat ngayon ang free verse na istilo, at marami pang iba.
para sa akin ay masmabibigyan ng kulay kung hindi hayagan ito...
salamat po. (magaling ka talulot sa pag-analitiko.ty)
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
ang tula ay susi ng mga gusto mong bagay na ikubli......
mas maganda talagang di lahad....
salamat dyeppri, dama ko kasi ang tula mo.....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
ang ganda dyeppri...
ang ganda dyeppri...
haist!
"Binabalikan ang alaala ng nakaraan
wari’y maaari pa na ikay makasama
ngunit luha lamang ang dala"




Bakit po biodata ang pamagat
Bakit po biodata ang pamagat kuya?
Pero maganda po ang tula at tama kayo sa mga nabanggit ninyo sa tula...