Birthday Card

aqueouscribe's picture

Enjoy palang gumawa ng birthday card. First time ko pa namang magbigay ng card. Sa pagpili pa lang ng card sobrang enjoy na'ko lalo na nung sinusulatan ko na. Talagang career mode ako sa paggawa nun at bumili pa'ko ng gunting at paste para may magamit sa pagpersonalize nung card. Personalized kuno pero wala lang akong perang pambili ng regalo. Naaliw din ako dun sa papel na ginamit kong sulatan. Kinuha ko lang kasi yung papel na pinambalot ng powerbooks dun sa huling dalawang librong binili ko sa kanila. Buti na lang magkaiba ang kulay. Yung isa blue at yung isa parang violet na pink na di ko maintindihan. Yung pink ang sinulatan ko at dahil nilettering ko pa yung handwriting ko, medyo madami yung mali ko. Dinikitan ko na lang ng kulay blue yung part na mali at tsaka uli ako magsusulat. Natuwa ako dun kaya minsan parang gusto kong sadyaing magkamali. Nung una bibili dapat ako ng papel pero may mga linya kasi kaya ayoko. Di ko kasi sigurado baka mahaba yung maisulat ko e mukhang konti lang ang magkakasya sa isang page. E yung sa wrapper ng powerbooks walang linya kaya pwede kong i-adjust ang sulat ko para marami ang magkasya sa isang page. Sana nga lang creative ang kalabasan at hindi parang nagtagpi-tagpi lang ako ng mga lumang papel.

Enjoy yung pag-iisip ng isusulat. Me kasama kasing reminisce yun kaya ang dami kong naalala. Masaya din yung naghalungkat ako ng mga pictures sa kompyuter at facebook. Kunyari group picture ang kinukuha ko pero pinipili ko naman yung magkatabi kami.  Grabe na 'to. Para lang akong hayskul na pers taym mainlab.

Actually high school ako nung huli akong magsulat na ala love letter ang dating. Yun nga lang dun sa card na ginagawa ko, friendly pa lang yung mga nilalagay ko. Hindi ko rin alam kung ano magiging reaksyon niya. Ngayon ko lang naman kasi siya susulatan e tsaka di ko alam kung mahilig siya sa ganun.

Ewan ko ba. Excited na excited ako at ang saya-saya ko sa paggawa ng card pero di ko naman sigurado kung mabibigay ko sa kanya. Magkaiba na kasi yung buhay namin di tulad nung dati na araw-araw kaming magkasama.  Minsan na lang din kami magkita at di ko rin alam yung apartment niya kaya di ko na alam kung pano ibibigay. Yung bestfriend niyang babae pareho lang kaming di pa nakakapunta dun sa apartment niya kaya ang alam lang namin e yung lugar at hindi yung eksaktong bahay. Pinuntahan ko yung lugar nung lunes pero gaya ng inaasahan ko, di ko rin nakita dahil hindi lang naman yun ang nag-iisang bahay dun sa lugar na yun.

Bahala na nga. Basta tatapusin ko yung card. At kahit hindi ko maibigay yun sa mismong araw ng birthday niya, sisiguraduhin kong mabibigay ko yun sa susunod na magkita kami. Kahit gano katagal, itatago ko lang yung card para isang araw e mabigay ko din yun sa kanya.