Birthday Gift 1: Ang Simula

noelablon's picture
| |

Ginising ng ingay ng kapitbahay ang himbing na si Noel. Asar itong napa-upo at tiningnan ang orasan habang kinakamot ang noo at nakitang mag-a-alas-tres na ng hapon. Tinanghali marahil sa kalasingan niya kahapon at madaling-araw na rin siya ng maka-uwi. Tumahimik ito ng sandali at nag-isip ng biglang may maalala ito at bumalikwas sa kanyang higaan. Pumanta ng banyo upang mag-hilamos. Kinuha ang pantalong nakasabit sa likod ng pinto ng kanyang kwarto at matapos ay humatak ito ng isang t-shirt at saka isinuot ang nakolektang damit.

Rinig pa rin niya ang ingay ng mga kapitbahay kaya sumilip siya sa bintana at nakitang may mangilan-ngilang tao rin sa paligid. “Tsismisan na naman.” isip ni Noel. Kumuha ng medyas at inilagay sa kanyang balikat at tinanggal sa pagkaka-charge ang cellphone at sinilid ito sa bulsa at matapos ay bumaba.

"O saan punta mo? Kagigising mo lang alis ka na agad. Anong oras ka na nga dumating kanina at ngayon ay aalis ka na naman.” tanong ng nanay ni Noel.

“May exam po kami next week Nay, punta lang ako kay Tatay para kumuha ng pera pang-bayad ng tuition. Di daw ako pwede mag-exam pag di ako nakabayad doon sa 3rd quarter ko sabi ng registrar namin.” sagot ni Noel habang isinusuot ang medyas at sapatos.

Nagkahiwalay ang magulang ni Noel pagkat nag-asawa ng bago ang ama nito pero sa kabila nito ay patuloy pa rin naman ang ama sa pagbigay ng suporta sa kanya. “Ano pong meron sa labas, Nay?” pahabol nito.

“Doon daw sa kabilang bloke sa may Langka St. Meron daw isang babae doon na na-rape at pinatay. Kawawa naman yung babae birthday pa man din niya. Maganda raw yung babae.” sagot ng nanay niya.

Sandaling natahimik si Noel, napag-isip sa sinabi ng kanyang Nanay. Napabuntung-hininga at nalungkot sa mga pangyayari. Tapos nagulat ito sa isang lalaking napasigaw. “Pero sa ingay naman nila ay akala mo kapitbahay lang natin ito. Pwede po bang sa ibang tapat ng bahay na nila gawin yang ingay nila? Di sila nakakatulong, nakaka-sagabal pa!” asar na sabi ni Noel. Tumayo at nagpasyang umalis na.

“Di ka man lang naligo!” sigaw ng ina. Parang nakaramdam ito ng hiya sa mga kapitbahay sa narinig. “Nay naman! Doon na ako maliligo kila Tatay.” pagmamadaling lakad nito upang maka-iwas sa traffic.

Habang naghihintay ng jeepney sa kanto ay luminga-linga si Noel. Pawang may hinihintay na dumating. Pero ng makatiyak na hindi na ito darating ay sumakay na siya sa dumating na jeepney, malungkot at nanghihinayang.

===

Nagising si Mang Kardo sa malamig na kung anong bagay na dumapo sa kanyang batok. “Hmm... sandali na lang, mga 10 minutes pa.” antok na himutok nito. Maya-maya ay nagising siya sa huni at pagaspas ng pakpak ng isang ibon sa bintana niya. “Aaak! Aaak!” huni nito.

“Putang-inang ibon to! Shooo!” bugaw ni Mang Kardo sa ibon at agad namang lumipad ang uwak na dumapo sa bintanta. Dahil nakatayo na nga siya ay nag-desisyon itong hwag ng ituloy ang naantalang tulog. Paglabas ng kwarto ay yumakap sa kanya ang kanyang mahal na anak na babae – “Happy Birthday, Dad!” masayang bati nito sabay abot ng regalo. “Thank you! Nag-abala ka pa.”

“Nag-abala pa kayo! hindi lang ako bumili niyan pati si Mommy!” tuwang sabi nito habang yumayakap naman ito sa inang lumapit.

Binuksan ito at natuwa. “Wow! Bagong relo at Seiko 5 na bagong model. Thank you-thank you. Hooo!” giliw na sabi nito. “From the bottom of our hearts and our shallow pockets hehe!” turan ng mag-ina ni Mang Kardo. “Suot mo na Dad! Tingnan natin kung bagay.” udyok ng anak. Tuwang-tuwa naman itong isinuot ang relo. Nakita nitong medyo malabo ang salamin ng relo kaya inapuhap nito sa kanyang bulsa ang kanyang panyo at matapos ay pinunasan ito.

Tuwang-tuwang itinaas ang kanyang bisig kung saan nakasuot ang kanyang bagong relo. “Hooo!” sigaw nito. May napansin siya sa panyong ginamit, hindi ito kanya - ito ay pang-babae. Nilapag ang panyo sa mesa at nakitang may nakasulat dito. “Happy Birthday!”. Pagkabasa ng mensahe ay ibinaba ang kamay at luminga-linga sa paligid. Nagulat ito ng may nakita itong kung anong bagay o nilalang sa pinto. Biglang sumikip ang hininga niya. “Dad” “Kardo!” sigaw ng mag-ina.  Sinuntok nito ang dibdib, nagbabakasakaling makatutulong iyon ngunit walang nangyari. Nagdilim ang paningin at biglang bumagsak sa sahig na nakatirik ang mata at nakatingin sa may pintuan.

Biglang napatayo si Noel. “Grabe namang panaginip yun!” turan nito sa sarili. Maingay na naman sa labas ng mga oras na iyon. Ng bumaba si Noel ay agad binalitaan ito ng ina. “Alam mo ba si Mang Kardo, kanina ayun bumagsak na lang at patay. Inatake daw sa puso! Yan nga at nagkakagulo na naman sila.” pagbabalita ng ina.

Kinilabutan si Noel sa narinig. Kani-kanina lamang ay nananaginip siya. “Birthday po ba niya ngayon?” tanong ni Noel. “Oo nga kawawa naman, tuwang-tuwa pa man din daw si Mang Kardo sa bagong relong regalo nila Lagring at Sophia.” lalong kinabahan si Noel sa narinig.

“Ano ba yan, nung nakaraang buwan lamang ay may babaeng na-rape at napatay ng birthday niya tapos ngayon heto namang si Kardo at sa birthday din nya.” pangingilabot ng ina.

Di nya malimot ang pangyayari kahit nang siya ay papasok na sa eskwela at naghihintay ng jeepney ay naaalala pa niya ito. Hindi niya maipaliwanag kung paanong nangyaring napanaginipan niya ang lahat ng nangyari kila Mang Kardo. Nais niyang sabihin sa ina o sa ibang tao pero baka sabihan lang siyang nababaliw o wala na sa katinuan – “Mabuti pang manahimik na lang ako.” Luminga-linga siyang muli na pawang may hinihintay. “Siguro naglipat na yun.” sambit sa sarili matapos ay pumara ng jeep at umalis itong nanghihinayang at malungkot.

Ng humarurot ang jeep ay muling similip si Noel sa labas at laking tuwa nito ng makita ang kanyang hinahanap. Dumaan ito sa harap at lumampas at ng muling lingunin ay may nakita na itong nakaparadang isa pang jeep kaya di na niya ulit ito nakita. Bababa sana siya ngunit mahuhuli na siya sa klase. “Di bale, matityempuhan ko ulit siya.” masayang sabi nito sa sarili.

Lumipas ang isang linggo ngunit ang laging inaabangan ay di niya muling nakita. Naging dalawa at nasundan pa ng ilang linggo ngunit di nakita ni Noel ang laging inaabangan. Hanggang sa nagtanong na ito sa mga tao.

Sa kanyang pagtanong-tanong ay nalaman niyang ito pala ay yung babaeng namatay noon na na-rape at napatay. Liezel daw ang ngalan nito. Pero nakita nya pa ito ng minsan, nagisip-isip ito. Marahil namalik-mata lamang siya. Napag-alaman din niyang ang anak ng kanilang kapitbahay na si Rico, mayaman at ma-impluwensya ang isa sa mga nang-rape dito. Mula ito sa isang mayamanat kinatatakutang pamilya sa lugar nla Noel.

Na-dismiss daw ang kaso gawa ng kakulangan ng ebidensiya at mga witnesses. Sino nga ba naman ang maglalakas-loob na kumalaban sa pamilyang may kakayahang magpatahimik ng kahit sino kung naisin nito. Naalala niya minsan daw ay merong isang lalaki, Jun yata ang ngalan nito. Nanggulo sa lugar nila dahil daw umano’y ginawang pangbu-buntis ng ama ni Rico sa kanyang may-bahay na labandera umano nila Rico. Ilang araw lang ay di na namataan ang lalaki o ang pamilya nito. Walang nakaka-alam ng tunay na nangyari sa pamilya nito magpa-hanggang ngayon.

Gang-rape daw ang nangyari kay Liezel. Limang lalaki daw ang pumila at nang-rape sa magandang babaeng ito. Meron siyang naalala nung araw na nasabing napatay ang babaeng iyon ngunit malabo ang alaalang iyon.

Nanghinayang si Noel kay Liezel. Ang lakas pa naman ng dating nito sa kanya. Minsan na sana siyang maglalakas-loob na makipagkilala at mag-aya ng date dito pero na-torpe ang Noel. Naalala pa niya ang tagpo kung saan umuulan ng mga panahon na iyon at wala siyang payong. Lumapit si Liezel sa kanya at inayang sumilong sa kanyang payong.

"Shit! siguro kung naging girlfriend ko yun di nangyari sa kanya yun.” pangusong bulong nito sa sarili. “O di kaya malamang patay na rin ako hehe!”  bawi niya habang umiiling.

=== Pagpapatuloy
Birthday Gift 2: Pangitain

Manuelito "Noel" Ablon

artykhulit's picture

?

kabagot bagot basahin ang iyong kwento hijo. mas maganda siguro kung lalagyan mo ng mas maraming dialogues, maaaring magkaroon ng buhay at wawa ang iyong istorya.

artekuletz

gwabe ka eman mag comment, ikaw nga dyan ang nakakabagot eh.

wa ka paki sa gawa nya, kun ganyan style nya, style nya yan, kaw nga wua la ka ka style style ze wua la k eman gwa. ako din wua la din gwa ze gusto ko lan magbasa bsa di eman ze ako writer. Hmp.

buti na lan macho si kuya,

ahehehehe.

tuloy mo lan kuya ang pagsusulat, me mga epal na umayaw na ata sa piling ni hudas escariot, gusto gumawa nan sarili eksena.

 

noelablon's picture

Thanks...

Maraming salamat sa suporta. Wag kang mag-alala itutuloy ko ito. Salamat sa komento, di naman ako macho hehe fit lang hehe.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

noelablon's picture

hehe! so ako naman tututukan mo ngayon?

Tinamaan ko ba ang ego mo at ako ngayon ang tinitira mo? Well, I don't have to listen to the likes of you. Wala ka lang alam gawin kundi mag-komento ng di magaganda.

Sana naman kung magko-komento ka at kung talagang magaling ka ay itama mo direksyon naming nagsisimula pa lang sa pagsusulat para naman may kapulutan kaming aral hindi puro utot naririnig namin sa labi mo.

Nakalimutan ko, maraming salamat din pala sa pagbasa mo.

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

sinta isaac's picture

ang galing talaga ni ate mag comment

una, 'wag mo papansinin si ate, pagkakamali ko yun kasi pinansin ko s'ya nagpapansin tuloy lalo, 'wag mo ako gayahin. LOL.

pangalawa, gusto ko ang konsepto mo, sa una, mahirap basahin ang gustong iparating ng story, pero habang binabasa ko s'ya, nagkaroon ako ng interes na basahin ang story mo hanggang sa ending.

pag natapos mo na to, paki tapos mo na rin ang buhay ni ate khulit.

LOL. biro lang.

A Sorta fairytale with you...

noelablon's picture

thank you

Maraming salamat sa pagbabasa mo.  Tayo-tayo kasi dapat talaga nagtu-tulungan kung wala lang magandang lalabas sa bunganga mas mabuti pang itikom na lang nila yun.

Thank you ulit.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

jonsdmur's picture

may wawa naman ang kwento

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

At okay sa aking konsepto nito... Siguro maging maingat lamang sa ibang gamit ng salita.. lalo na ang NG at NANG....

Siguro mas magiging okay ito kung nagsimula ito sa panaginip... para mas ma-aksyon ang mga pangayyari.. at mas kaabang abang... yong bang magsimula sa panaginip... at nagising na habol ang paghinga... at sa pagmulat niya.. yon na yong nagbihis siya.. at sa paglabas niya ng bahay nagimbal siya sa ibibalita ng kanyang ina.... doon papasok ang kababalaghan ng kanyang panaginip....

Sa tingin ko konting ayos eh mas gaganda ang takbo ng kwento... nandyan na kasi ang suspense...

jonsdmur

noelablon's picture

naisip ko rin yun eh pero.....

Pero ganito dapat talaga ang order eh. Kasi dun sa naunang biktima ay di naman siya nanaginip eh. Di talaga pwede pag ni-reveal ko ang truth. Sige abangan niyo ang part 3 kasi may revelation doon.

Malapit ko ng i-release.... mga.... mga.... mamaya hehe. Ayusin ko lang yung story kasi medyo magulo dun sa pangatlo eh.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Sangkalupaan's picture

ayos to tsong

nanghinayang din ako kay liezel, pero sana nilagyan mo sila ng story pa bukod dun sa ulanan para mas heartbreaking.

pag ako ang may jowa na nirape, putang pusa, ubusan na lang ng lahi. hahaha...

ayos naman yung pagkaka arrange ng storya, medyo ingat lang sa mga ibang words na nagamit.

pero to top it down, it's A-okay for me.

 

noelablon's picture

Maraming salamat

Ano bang words yung tinutukoy mo? Aware na ako ngayon sa sina ni @jon pero minsan ay mistake ko pa rin yung "ng" at "nang".

Sensya di ko na-release yung isa pang kasunod kasi yung baby ko needs my utmost attention. And di ko pa naililipat yung mga files ko from my other hard drive na may virus. I am still securing my PC at pag nakita kong di na ito penetrable sa virus at kung ano-anong mga malwares ay saka ko isasaksak yung isang hard disk ko.

Muli maraming salamat sa pagbasa.

 

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!