Birthday Gift 4: Katapusan
Nagdesisyon ang magkaibigang Juni at Noel na makipag-usap sa pamilya ni Liezel kung saan sila ay nangakong tutulong sa pag-suplong kay Rico. Handa daw silang maging saksi sa lahat.
At nakausap nga nilang magkaibigan ang mga magulang ni Liezel at nangakong tutulong sa imbestigasyon at sa korte. Nalaman din ni Noel sa ina ni Liezel na merong lihim na pagtangi sa kanya ang dalaga. Sa kanyang nalaman ay lalong nanghinayang ang binata. Ngunit ang kanilang pagtulong sa pamilya ni Liezel ay hindi naging lingid sa lahat, lalong-lalo na sa ama ni Rico.
==
Linggo, 5:45 ng umaga noon ngunit wala pa ring tulog at sabog si Rico. Lumabas itong sandali sa kwarto upang kumuha ng maiinom sa kusina. Isang malakas na suntok sa mukha ang inabot ni Rico mula sa kanyang galit na galit na ama. Timbuwang si Rico sa sofa at doon ay sandaling pinilit na imulat ang matang dinapuan ng kamao ng kanyang ama.
“Putang-ina ka! Ano na namang kalokohan ang pinag-gagawa mong damuho ka! Tang-ina ka wala ka ba talagang matinong gagawin kundi ipahamak ang buong pamilya mo. Aaaah!” at pasigaw pa nitong tinadyakan si Rico sa kanang binti dahilan upang bumagsak naman si Rico sa sahig.
“Ano ba! Tang-ina! Di ko pa nga alam ang sinasabi mo banat ka na ng banat!” sigaw ni Rico sa ama.
“Tarantado ka! Wala ka talagang galang na hayop ka! Sabihin mo sa aking di totoo na ikaw ang pumatay at nang-reyp doon sa babaeng taga-Langka Street.” Gigil pa rin ng ama.
“Si Rudy ang may pakana ng lahat nun. Nagulat na lang ako nang ipakita niya sa akin yung babae eh, sabi niya mahiyain daw yun kaya di kumikibo, naka-droga pala. Atsaka si Rudy rin ang pumatay doon hindi ako.” Depensa ni Rico.
“Wala na akong pakialam ngayon sayo. Tang-ina ka! Dati pati labandera nating mas matanda sa’yo ay pinatulan mo at binuntis mo pa, tapos ngayon heto naman. Manyakis ka talaga! Ako pa ang luimalabas na bumuntis doon sa labandera natin, yun ang kumakalat. Hayop ka talaga!” habang akmang susuntok ulit ito ngunit di itinuloy ng makitang sasalagin lang ito ni Rico.
“Ikaw ang umayos ng gusot mong ito, wala akong pakialam kung paano mo gagawin pero hindi na kita tutulungan ngayon. Bahala ka ng mabulok ka na sa kulungan, mabuti pa nga mamatay ka ng hinayupak ka!” habang ito ay pumapasok sa kanyang sariling silid.
“Tang-ina mo may araw ka rin tanda! Tang-ina mo Juni! Tang-ina mo Noel! Putang-ina niyong lahat!” sigaw nito sa kanyang isipan. Dali-dali itong pumasok ng silid upang kunin ang kanyang baril sa drawer.
==
Balikwas si Noel sa kanyang kama, matapos itong magising. Tumingin ito sa relo at nakitang 6:05 ng umaga. Sumilip sa bintana at nakitang nagkakagulo sa harap. Agad itong bumaba at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Ibinalot sa isang karton at isinilid sa kanyang tagiliran. Hangos itong lumabas ng kanilang tahanan. “Anong nangyari?” tanong ni Noel sa isang kapitbahay habang tumitingin kung saan nakatanaw ang mga kapitbahay.
“Si Juni hinahabol ni Rico ng baril! Nandoon sila sa kahabaan ng Roosevelt.” sigaw ng isa sa kapitbahay.
“Bang!” putok ng baril. Dahil doon ay mabilis na tumakbo si Noel upang tulungan ang kaibigan.
Sa bilis ng kanyang takbo ay inabutan niyang naghahabulan ang dalawa.
Sa galit ni Rico ay di na napansin nito na halos nakakahabol na si Noel sa kanya. Dali namang kinuha ni Noel ang kutsilyo sa kanyang tagiliran.
Sa paglinga-linga ni Juni habang tumatakbo ay di nito napansin ang itim na pusang dumaan sa kanyang harapan. Tinangka nitong iwasan ang pusa ngunit nawala ang balanse nito kaya nadapa siya at gumulong sa kalsada.
Papatayo sana si Juni ng makita nito ang pusang itim. Maging si Rico na nasa harapan na ni Juni ay natigilian sa nakitang pusang itim. Luminga ito sa kaliwa’t kanan at sa kahulihan ay nagulat ito sa malamig na bagay na dumikit sa kanyang batok. Bigla itong napatalikod at sumigaw sa kanyang nakita.
“Haaah!” sigaw ni Rico at sabay kalabit sa gatilyo ng baril ngunit hindi ito pumutok. Tulala si Noel ng akmang pinapa-putok ni Rico ang baril pagkat ito ay nakatutok sa kanya. Pasalamat na lang siya at hindi ito pumutok. Ang ipinagtataka niya ay parang hindi siya nakita ni Rico sa kabila ng sa kanya nakatutok ang baril at pawang takot na takot ito.
Si Juni naman ay tulala rin sa hawak niyang panyo na may bahid ng dugo. Umiiyak itong tumingin kay Noel.
Maya-maya ay may biglang tumulak kay Noel papunta sa gilid ng kalsada. Paglingon niya sa dalawa ay kitang-kita niya pa ng sagasaan sila ng isang rumaragasang truck. Sumisigaw ang driver nito. “Walang break! Tabi kayo!”
At pagkalampas ng truck ay nakita pa nito ang nakahandusay at kumikisay na katawan ni Juni, samantala ang katawan naman ni Rico ay patuloy pa ring kinakaladkad ng truck. Basag ang mukha ni Juni sa gawing kaliwang mukha nito. Marahil kung nagawa nitong mahiga ay nakaligtas pa ito mula sa mataas na bumper ng truck.
==
Mahigit isang buwan na ang nakararaan ng mangyari ang insidente nangyari kila Rico at ang matalik na kaibigan nitong si Juni ngunit di pa rin natatahimik si Noel sa mga pangyayari. Hindi niya maunawaan bakit ganoon na lang ang galit ni Liezel kahit na tumulong si Juni sa pagsuplong kay Rico. Maaaring walang nakapansin ng lahat pero lingid sa kaalaman ng iba na si Rico at Juni ay magkapareho ng petsa ng kapanganakan. Naaalala pa nito na si Juni ay dating matalik na kaibigan ni Rico nung kanilang kabataan pagkat nasabi nila sa isa’t-isa noon na pareho sila ng kapanganakan kaya dapat silang maging magkaibigan. Pero dahil sa mayaman si Rico ay nagkaroon ng maraming mayamang kaibigan si Rico at nakalimutan na nito ang kanilang pagka-kaibigan nila ni Juni.
Sumilip si Noel sa labas, malakas pa rin ang ulan. Naalala nya na may anunsyo palang may bagyo ng araw na iyon. Tiningnan ang relo at nakitang mag-a-alas-tres na ng umaga. Napatingin ito sa kisame at pader kung saan patuloy sa pagdaloy ng tubig. “Matawagan nga si Ka Ilyong mamaya para mapa-ayos na talaga itong kisame.” Kahit ayaw matulog ni Noel ay kusang pumipikit sa antok ang mga mata nito sa kapaguran at antok. Hanggang sa siya ay nakatulog na.
Nagising na lang siya ng maramdaman ang lamig ng paligid. Agad nitong inapuhap ang kanyang kumot ngunit di niya ito nakita. Tumayo siya ng kama pero nagulat siya ng makitang nasa loob siya ng isang sira-sirang bahay. Sumilip sa bintana at nakitang madilim sa labas. Nakita niya si Juni na nakahiga sa isang sira-sirang sofa at nakahiga din doon si Mang Kardo habang tulog na tulog naman si Rico at isang lalaking nakayuko at tulog din. Nagulat siya ng biglang bumulaga ang sarili niya sa bintana. Pumasok ito sa sira-sirang bahay at dire-diretso sa isang maliit na silid. Sinundan niya ang sarili at nakitang pumasok ito sa isang banyo. Marumi iyon at pawang sira na rin ang mga tiles na nanglilimahid sa mga dumi ng tao ng kung sino-sino. Ng matapos itong umihi ay tumalikod ito. Nagulat pa siya ng lumakad iyon papunta sa kanya ngunit tumagos lamang ito sa kanya. Pagtalikod niya ay tumalikod din ang kanyang sarili. Nakita niyang nakatingin ito sa kanyang tiyan. Agad niyang naalala na hindi siya nakikita ng kanyang sarili kaya tumalikod ito upang tingnan ang direksyon ng mata nito.
Nagulat siya ng tumambad sa harap niya ang isang hubad na babae na may takip na punda ng unan sa mukha. Naka-baluktot ito at nanginginig sa lamig, pilit na tinatakpan ng mga punit-punit nitong damit ang kanyang hubad na katawan. Lumapit siya sa babae at agad naalala ang eksenang iyon. Yun ang lugar kung saan sila nag-inuman nila ni Mang Kardo at ni Juni, sa isang inabandonang bahay sa kanilang village – paborito nilang spot ito para mag-inuman. Kinilabutan siya sa mga nakikita. Pumunta siya harap nito at napaluhod, naawa sa kalagayan ni Liezel.
Maya-maya ay nakita niyang may kamay na humahagod sa likod ng babae. Lalong kinilabutan si Noel. Nang tingnan niya ang sarili ay nakita niyang nakangisi ito. Hinawakan nito ang kaliwang kamay ng babae at pilit na ibinubuka. Halatang lumalaban si Liezel ngunit wala itong lakas. Hiniga nito si Liezel at pumatong. Nilamas ang kanyang suso at hinalikan ang kabila. Maya-maya ay napatingin ito sa mukhang binabalutan ng punda ng unan. Tinanggal nya ito at medyo napabalikwas pa ito ng makitang si Liezel ang nagmamay-ari ng magandang katawang kanyang pinagpa-pasasaan. Halatang lasing pa rin ang pinapanood niyang sarili niya pagkat nakita niyang panay ang kuskos nito ng palad sa mukha upang paglabanan ang halina ng antok. Itinulak niya ang kanyang sarili ngunit tumagos lamang ang mga braso niya.
Napatalikod na si Noel sa kanyang nakikita. Umiyak siya at humagulgol.
Hwag Noel....” mahinang tugon ni Liezel. Mahina ngunit nakakabingi sa kanyang pandinig. Nagulat siya dahil kilala siya ni LIezel sa kabila ng kawalan ng pagkakataon na makausap niya ito. Paglingon niya sa kanyang sarili ay pawang hayop itong walang naririnig. Hindi siya makapaniwalang siya ang nakapatong kay Liezel ng mga oras na iyon.
“Aaahh! Aaah!” patuloy ang sarili sa pagpapasasa sa katawang matagal ng inaasam.
Sumilip siya sa bintana at nakita niyang tulog ang lahat. Nilamukos niya ang mukha at pinahid ang luha. Maya-maya ay naramdaman niyang may naglalakad sa likuran niya at nang lingunin niya ay nakita niya ang sarili na nagsu-suot ng pantaloon. Matapos magsuot ng damit ay naglakad ito papalabas. Umupo sa tabi ni Juni. Sa kanyang pag-upo ay nagising si Mang Kardo. Tumayo ito at saka nagmamadaling umuwi.
Ng lingunin niya si Liezel ay nakita niyang nakatitig ito sa kisame at nagsasalita ng mag-isa ngunit mahina lang ang kanyang boses. Lumapit siya sa tabi nito at humingi ng tawad.
“Sorry Liezel, hindi ko alam ang ginagawa ko.” Umiiyak nitong pagmamakaawa kay Liezel.
“yup gti yo…matay…pss..ts” bulong ni Liezel.
“Anong sabi mo?” tanong ni Noel.
Inilapit niya ang kanyang tenga sa bibig ni Liezel.
“Mga hayup kayo, mamamatay din kayo. Gaganti ako sa inyo. Mga hayup kayo, isinusumpa ko gaganti ako sa inyo. Mga hayup kayo, mamamatay din kayo……” paulit-ulit na usal ni Liezel.
Nagulat na lang siya ng may maramdamang malamig na dumapo sa kanyang batok. Pag lingon niya ay nakita niya si Liezel. Kung ano ang amo nito noong nakikita niya noon ay ganoon pa rin ito, buhay na buhay sa kanyang harapan.
Napansin niyang wala na siya sa inabandonang bahay. Nasa sarili na niyang silid siya. Nasa harapan pa rin niya si Liezel.
“Patawad Liezel! Di ko alam ang ginagawa ko noon.” pagmamakaawa ni Noel.
“Braak!” tunog ng natumbang puno, bumagsak iyon sa kanilang bubong. Ang isa sa mga sangay ng puno ay bumasag sa salamin ng kanyang bintana at maya-maya’y nakarinig siya ng ingay ng mga daga sa kisame. Lalong lumakas ang daloy ng tubig mula sa kisame. Bumigay ang kisameng malapit sa bintanang nabasag at nakita niyang may mga nalaglag na kung ano doon.
Ng tingnan niya si Liezel ay nakatitig ito sa kanya, namumula ang mga mata nito sa galit sa kanya.
“Mga hayup kayo, kamatayan ang nararapat sa inyo. Tikman nyo ang ganti ko. Mga hayup kayo!” Galit nitong sigaw sa kanya.
Nagulat na lang si Noel ng mula sa bumigay na kisame ay may tumalong malaking itim na daga sa kanyang dibdib. Bigla niya itong naihagis at napatayo sya sa kama. Bumigay na ng tuluyan ang kisame at nabagsakan siya sa ulo dahilan upang siya ay muling mapahiga sa kama.
Malakas ang buga ng hangin. Galit na galit ito na tila nakiki-ayon sa galit ni Liezel.
“Noel!” Sigaw ng ina ni Noel. “Noel ano nangyayari diyan?”muling tanong ng ina. Tinangkang buksan ang nakasaradong pinto ngunit naka-lock ito. “Noel!” at saka kinatok ng ilang beses.
Bigla ay bumigay ang iba pang parte ng kisame at nabuwal ito ng tuluyan. Sa bigat ng punong nabuwal ay naputol ang frame ng bubong at tumusok ito sa kanyang dibdib. Tinangka niyang iangat ang kalawanging bakal ngunit ang bigat ng nabuwal na puno ay nakadagan sa bakal. Napatingin siya kay Liezel. Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang kanyang bibig na patuloy sa pagsuka ng dugo.
“Happy Birthday mahal ko.” sabay halik ni Liezel sa kanyang noo.
Noel! Anak! Anong nangyayari sayo anak? Magsalita ka!” patuloy na sigaw ng ina.
Ng matapos ang bagyo ay saka lamang nabuksan ang pinto ng silid ni Noel. Natagpuan itong may nakatuhog na kalawanging bakal sa dibdib. Nakatakip sa mukha ang isang panyong pambabae. Wala ng buhay si Noel.
bago pa lang poh akoh ditoh
pero matagal ko na pong alam itong site na ito kaya lang poh nung unah hindi poh akoh makapagcomment.... kailangan poh pala e-verify.... ang account ei
kuya tagal koh pong inabangan tong ending na itoh.... kakaiba poh ang ending nia... hehehehe isa din pla cia sa nngbaboy ky Liezel
GANDA POH talaga nia
maraming salamat
thank you - thank you po ulit sa inyong pagbabasa. I-compile ko na ito at baka may madagdag na scenes dito. THanks ulit.




Sa wakas...
Sa wakas ay natapos ko rin. Iko-compile ko ito. Marami pa akong babaguhin dito, mga typo errors at iba pa. Maraming salamat sa lahat ng tumangkilik ng mga naunang serye. Nawa ay maibigan niyo rin ang huling parteng ito.
====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!