BITTER SWEET <(='.'=)> Chapter 1-3
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
”I love you with all that I am. I love you more than how much you think. And I love you just the way you are. That’s the only truth.”
“….Oo, badtrip ka kasi mahal kita! . . .Narinig mo? Mahal kita. Mahal kitang pulgas ka. Pa’no ba kita kakalimutan? Alam mo ba? Puwes ako hindi. Kaya badtrip ako sa’yo. Badtrip kaaa!” Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Mataray at mayabang ang tingin kay Diane ng mga taong nasa paligid niya kaya matagal na siyang nasanay sa ganoong deskripsyon sa kanya. Gumagaan ang pakiramdam at nare-relax siya sa tuwing magmamataray sa mga taong kinaiinisan niya. Minsan, hobby niya lang talaga mag-asar. Hanggang isang araw ay may bigla na lamang sumulpot na binata at nagsabing ang bait-bait niya. Simula noon ay hindi na ito nawala sa paningin niya.
Sa lahat ng oras ay napepeste siya sa presensya ni Reijan . Pero bakit noong umaaligid-aligid na ang sexy na bestfriend kuno nito ay bigla na lamang siyang nagngitngit at nagsintir?
“Puro na lang Sandra, Sandra, Sandra. Mukha na siyang Sandra. Eh ‘di kay Sandra siya kumampi. Ano ngayon? Pagbubuhulin ko pa sila.”
Nababaliw na ata siya.
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
CHAPTER ONE
“OH GOD! MY TOES, my knees, my shoulder, my head, and my . . . and my poor ankle!” buong emosyong reklamo ni Diane habang nakahara sa gilid ng maalinsangang kalsada at nakapayong na punung-puno ng sequins. “I’m not supposed to be here. Buwisit, nasasayang ang ganda ko dito,” naiiritang saad niya habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis sa kanyang noo at leeg.
Pumara siya ng bus dala ang kanyang magarbong maleta na floral ang design. Badtrip na badtrip siya nang mga oras na iyon dahil tumirik ang kanyang kotse sa kalagitnaan pa ng biyahe. Galing siya ng kanyang rancho para sa isang napakagandang bakasyon. Akala niya ay uuwi siya ng masaya pero heto ang napala niya. Obligado tuloy siyang makisalamuha sa mga ordinaryong nilalang. Hay, hindi dapat ganito ang nangyayari sa diyosang tulad ko. Reklamo niya sa isip. You’re too pretty to have this misfortune, Diane.
Saktong pagsakay niya ay nasa kanya na ang tingin ng mga tao sa bus. Kapansin-pansin din kasi ang terno-terno niyang damit na floral pink dress, pink na hikaw, at pink na sapatos.
Sige, pagmasdan niyo ang kagandahan ng isang diyosa. Go ahead, you may all stare to death. After all, you will die happy kasi nakakita na kayo ng isang tunay na diyosa. Ahahaha! nagmo-monologue na naman siya sa kanyang utak.
Ilang minuto pa lamang ang naitatagal niya sa biyahe ay sobrang inip na inip na siya. Pinilit na lang niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang ipod. Maya-maya ay isang matangkad na binatang mukhang teenager ang umupo sa kanyang tabi. Kaagad na nakuha nito ang kanyang atensyon. Napansin niya ang haircut nito na hawig sa isang anime. Mahaba ang bangs nito at tirik-tirik ang itim na buhok. Nakasalamin din ito na may black na frame, singkit at maputi. Nagmukha tuloy itong cosplayer na binibigyang buhay ang mga anime na napapanood lang sa TV. Naglabasan ang nagkikintaban nitong brace nang ngumiti ito sa kanya.
“Ahm, miss, makikiupo.” Nanatili pa rin itong nakatayo sa tabi ng bakanteng upuan.
Tumango lang si Diane bilang tugon. I don’t talk to strangers.
Makailang minuto ay tumayo na ang binata sa kinauupuan nito. Akala ni Diane ay dito na ito bababa pero nakita niyang inalalayan lang pala nito ang isang pasaherong matandang babae na may bitbit na malalaking bagahe. Matapos noon ay bumalik din ang lalaki sa tabi niya. Sa buong biyahe ni Diane, bawat babaeng may malaking bitbit, matanda o bata, ay tinutulungan ng mukhang cosplayer na makababa sa sasakyan. Kada tayo nito sa upuan ay naiistorbo ang kanyang beauty rest.
Kapag pumangit ako ngayong araw na ‘to, kasalanan mo. Idedemanda kita! Tiningnan niya ito ng masama. Napansin ng binata na nakatingin siya dito kaya tinitigan din siya nito. Ngumiti at kumaway ito sa kanya.
“Hi,” ani nito sabay titig sa kanya habang nakangiti pa rin.
“Anong tinitingin-tingin mo d’yan ha?” singhal ni Diane. “Don’t you know it’s rude to stare?” Kala siguro ng mokong na ito ay hindi siya papatol.
Ni hindi man lamang natinag ang ngiti ng lalaki. “You throw the stare first, and I smiled in return,” paliwanag nito habang nagkikintaban ang brace sa ngipin. “Wala naman sigurong masama do’n ‘di ba?”
“’Ke bata-bata mo pa pilosopo ka na. At bakit mo ako kinakausap? Kilala ba kita?” Umandar na naman ang kasungitan niya. Kalasin ko ‘yang bakal sa ngipin mo eh. aniya sa isip niya.
“Kasi kinakausap mo ako,” nakangiting sagot nito sabay hawi ng bangs. Bumungisngis ito ng kaunti. “Saka hindi na po ako bata. Hindi lang ikaw ang nagsabing mukha akong teenager.”
Mukhang matatalo si Diane sa mga oras na ito. Pero hindi. Hindi siya papayag. “Ay, ano kaya ‘yong naririnig ko?” sarkastikong tanong ni Diane sabay hampas sa noo ng binata. Halos madurog ang noo ng binata sa lakas ng hagupit ni Diane. “Ayon, patay ka ngayong lamok ka. Ang ingay-ingay mo kasi eh. Madami ka pang satsat. Ang dapat sa’yo, pinatatahimik habambuhay,” dire-diretso niyang bulalas kahit wala naman talagang dumapong lamok. Bumakat pa ang palad ni Diane sa namumulang noo ng lalaki.
O ano? Imik pa.
Sapu-sapo ng lalaki ang noo nito. Magsasalita na sana ito nang biglang bahagyang tumagilid ang andar ng bus. Nataranta ang karamihan sa pasahero kabilang na ang katabi ni Diane.
“Teka, ayoko pang mamatay. I can’t die. Not now! Baka mamatay tayo, naku naman!” Nagpa-panic na sigaw ng katabi niya.
Nanatiling kalmado si Diane. “Alam mo, there’s nothing to worry about. If we’re gonna die then we can explore the other dimension where die people stay. Well, except me dahil diyo-“ Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil bigla na lamang siyang niyakap ng binata.
“Yayakapin kita, po-protektahan kita!” Patuloy pa rin itong nakayakap sa kanya. Sa puntong iyon ay tumigil na ang andar ng bus.
Saglit siyang natigilan at awtomatikong itinulak ng palad niya ang mukha ng kawawang binata. Pinaghahampas pa niya ito sa braso.
“May payakap-yakap ka pa! Gusto mo lang maka-chansing ano? ‘Kala mo maiisahan mo ako?” singhal niya.
Sapu-sapo ng lalaki ang braso nito na pinaghahampas niya. “Kapag hindi kita niyakap, mapapahamak ka. All I want is to protect you,” paliwanag nito.
“Anong protect-protect? Bakit close ba tayo? As in ganito ha?” Iminuwestra ni Diane ang magkadikit na hintuturo. “We’re not even friends and I don’t even know you! Ambisyoso!”
Ngumiti na naman ito. “I’m Reijan. Joannes Reijan Paulus Veloria. Twenty-two years old pero mukhang eighteen. O ayan, I’m not a complete stranger to you.”
“Reijan? Haha. Pake ko sa pangalan mo.” Tumingin siya sa paligid. Ito na pala ang lugar na bababaan niya. Mabuti na lang at saktong dito nasira ang bus. Bumaba siya at nag-claim ng maleta sa kundoktor. Kasabay niya rin ang ibang pasahero na balak lumipat ng sasakyan. Dadamputin na sana niya ang maleta nang hawakan ito ng makulit na si Reijan. Nakangiti na naman ito ng abot tenga.
“Ako na magbibitbit,” ani nito.
Tinampal niya ang kamay nito. Napakapakialamero talaga nito kahit kelan.
“Ayoko nga. Look, I don’t need your help. Nakow, alam ko na ‘yang mga modus niyo eh. Tangay-tangay-bag syndicate ka ano? Umamin ka!” aniya na nasa tonong hinuhuli ito.
“Tutulungan lang naman kita.”
“Heh, magtigil ka.Wala akong balak magpa-uto sa’yo.” Tuluyan na niyang tinalikuran ito.
“HAY, bakit naman kasi ang init-init dito? Ang tagal-tagal pa ng taxi. Hindi bagay sa kagandahan ko ang mabilad sa araw. Oh my gosh, my skin, my feet, my poor ankle!” Punung-puno ng emosyon niyang litanya habang nasa waiting shed.
Na-lowbat na rin siya kaya hindi niya makontak ang kanyang Tita Mhiel. Ito na ang tumatayo niyang guardian simula nang manirahan sa ibang bansa ang kanyang ina at ama. May sari-sarili na ring pamilya ang mga ito. Wala namang kaso iyon sa kanya. Halos ate na niya ang kanyang Tita Mhiel kahit na sukdulan ang katarayan nito. Habang nag-aaral at hindi pa siya tumutungtong ng twenty-three ay malaya pa siyang makakapaglakwatsa na hindi iniisip ang negosyo. Tita Mhiel niya ang nagma-manage ng lahat ng ari-arian na minana niya sa mga magulang, kasama na rin ang rancho at honey wine business niya, kaya malaki ang utang na loob niya dito kahit na madalas silang mag-away at mag-asaran.
Pinagpapawisan na siya ng matindi. Pakiramdam niya, ang pangit-pangit na niya. Naramdaman na lang niyang may nagpupunas ng panyo sa kanyang noo. “Dapat kasi sa terminal ka na bumaba.” Isang ngiting may kumukutikutitap na braces ang sumalubong sa kanya.
Napailing na lang siya sa ubod ng kakulitang taglay ng binatang ito. “Ikaw ha, may napapansin ako sa’yo eh. Kung ano man ‘yang balak mong hindi maganda ‘wag mo nang ituloy,” banta niya. Lalapit pa sana ito nang bigla na lang siyang dumistansya at nag-pose na animo’y gagamit ng martial arts. “Hep, ‘wag kang lalapit. Maalam akong mag-judo, wushu, kendo, arnis, kickboxing. Humakbang ka lang ng isa at babalian kita ng buto,” aniya. “’Kala mo ha. Nagta-taekwondo din ako, taebo . . . saka . . . ano . . . saka . . . Taheebo!” Hindi naman niya talaga alam ang mga martial arts na pinagsasasabi niya. Naririnig niya lang ang mga ‘yon. “Sige, tingnan natin kung makakangiti ka pa.”
Nawala ang ngiti ni Reijan at makailang saglit ay napalitan ito ng halakhak.
“Anong tinatawa-tawa mo d’yan? Baliw. Duh, anong nakakatawa sa sinabi ko? Hindi talaga ako nagbibiro.” Ngayon ay naiinsulto na siya sa pagtawa-tawa nito. At kelan pa siya naging clown? Salbaheng mama.
Lalo lang lumakas ang tawa nito. “Pasensya ka na ha. Alam mo ba talaga ‘yong Taheebo?”
Napaisip tuloy siya. Tunog martial arts naman ‘yon ah.
“You always make me smile and happy. Nakakatuwa ka talaga,” komento nito.
“Gano’n. Smile and happy huh. Ang sabihin mo, baliw ka. ‘Wag mo nga akong kausapin.” Bago pa man siya may masabing hindi maganda ay pumara na siya ng taxi. Kumaway lang ito sa kanya at ngumiti na naman with shiny, shimmering braces.
“Anong pangalan mo?” pahabol na tanong nito.
“Marimar,” tugon ni Diane.
“Bye Marimar! Take care!” magiliw na banggit nito.
Nakasakay na si Diane ng taxi pero nakikita pa rin niya sa bintana ng sasakyan ang kumakaway na si Reijan habang nakatayo pa rin doon. Bakit ang daming nagkalat na baliw ngayon?
CHAPTER TWO
Bagong miyembro pa lamang si Reijan ng bandang Thunderkizz pero naramdaman niyang welcome na siya sa grupo at palagay na rin ang loob niya dito. Isang kilalang banda ang Thunderkizz, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Asya. Kapatid niya ang bass guitarist na si Drexcel kaya nalaman niyang nagpapa-audition ang mga ito. Natural talent na niya ang tumugtog ng kung anu-anong instruments kaya nang mag-auditon ay kaagad siyang natanggap. Ngayon, nasabak siya kaagad sa unang project niya kasama ang grupo. Isang mini concert for a cause para sa mga nasalanta ng bagyo at para na rin sa mga cancer patients. Kasalukuyan siyang nasa Zeus Apollo Manila University Stadium kasama ang kanyang bandmates para makita ang venue ng concert. Biglang nasagi sa isip niya si Marimar. Madalang ang mga babaeng kaagad na nasusungkit ang kanyang atensyon. Pero kakaiba talaga itong si Marimar dahil unang tingin pa lang niya ay interesado na siya dito.
Bigla na lang may umakbay sa kanya at nagsalita. “Oy Reijan beybs, ayos ka lang ba? Tulala ka na naman. Para kang namolestya ng sampung bading,” sinabayan pa ni Yohann ng halakhak ang mga sinabi. Ito ang pianist at hottest male vocalist ng banda.
“Siguro si Sandra ang minomolestya ng utak niyan, ‘di ba ‘tol?” tukso ni Drexcel.
“Ano ‘yang naririnig kong chicks? Gumagarutay na si Reijan beybeh. Whohoooh!” panggagatong naman ni Hansen na lead guitarist ng banda. “Bumabangis na ang bigotilyo natin!”
“Hindi si Sandra, Kuya Drex,” pagtatama niya habang nakapaskil sa mukha ang ngiting abot tenga. Naaalala na naman niya ang pagtataray ni Marimar sa kanya.
Kapwa nanlaki ang tenga ng tatlo. “Hindi daw si Sandra. Sino kaya? Yohann baka ikaw. Love ka ni Reijan beybs.” Biro ni Drexcel. Binatukan lang ito ni Yohann.
Habang abala ang tatlo sa tsismisan ay hindi na nila namalayan ang pagsulpot ni Ayame kasama si Choi na hindi nila alam kung boyfriend ba talaga ito niyon o nagde-delusyon lang ito.
Sumingit si Ayame sa nagbubulungang mga lalaki. Inakbayan siya ng mga ito. Siya ang nag-iisang babae at drummer ng banda. “Nagbubulungan pa kayo eh rinig na rinig naman. Mukhang may bagong issue dito ah,” usyoso niya.
“Si Reijan beybs kasi, nagbibinata na,” sumbong ni Drexcel.
Sumilay ang mapanlokong ngiti ni Ayame. “Eh? Talaga? Tinuruan mo mambabae ‘no?” bintang nito.
“Oo isa na siyang full-pledged macho. Nauna ka lang magbinata,” buska ni Yohann sa dalaga.
“Heh! Inggit ka lang. Palibhasa meron akong Prince Charming Hanilabs Choi. Mainggit kayong lahat,” aniya sabay lingkis kay Choi. “Kita mo na? Ang pagmamahalan namin ay wagas at banayad. Akin lang siya.” buong emosyong litanya nito habang nasa ere ang mga kamay.
“Alangan namang sa amin ‘yang Choi mo,” singit ni Yohann. “Nakakadiri ka talaga Ayame.”
“Ayame,” suway ni Choi. Halos mahubaran na kasi ang balikat nito dahil sa higpit ng pagkakalingkis ni Ayame.
Natawa lang si Reijan sa asta ng mga kabanda. Hindi niya talaga pinagsisisihan na sumali siya dito.
“O Reijan beybs, sino ba ‘tong babaeng ipinagpalit mo kay Sandra?” tanong ni Drexcel. Si Sandra ang bestfriend niyang laging itinutukso sa kanya.
Lalo siyang napangiti ng maalala muli si ‘Marimar’. “Nakilala ko siya sa bus. She’s nice and beautiful in her own way.” Nagkanya-kanyang tudyo ang mga ito.
“Nadiskartehan mo ba?” usyoso Hansen.
Umiling siya. “Ni hindi nga ako nakabuwelo. Sana magkita pa ulit kami. I want to know her more,” Napapakamot na lang siya sa ulo.
“Nakupow, wala sa lahi natin ang chopets ‘tol,” buska ni Drexcel.
“Sus, eh kay Rozuka pa nga lang sa halip na diskartehan, binabalahura mo,” buska ni Reijan.
Na-corner tuloy si Drexcel sa banat niya. “Style ang tawag do’n,” palusot nito.
“Style na panis,” singit ni Ayame.
Pagkatapos noon ay samu’t-saring kantyaw na ang natamo ng kawawang kuya niya. Saktong paglingon ni Reijan ay napansin niya ang isang babaeng takaw atensyon ang payong na punung-puno ng sequins. Sumilay na naman ang kakaiba niyang ngiti.
“Marimar!” tawag niya dito. Nagkatinginan lang ang mga kabanda niya at waring nagtataka. Kanya-kanyang kunot ng noo ang mga ito.
“Marimar?!” Takang tanong ng mga ito.
NAGULAT si Diane nang marinig ang pangalang Marimar. Nang lingunin niya kung saan nanggaling ang ingay na ‘yon ay nahagip ng kanyang paningin ang kumakaway na si Reijan. At ano nama’ng ginagawa nito sa school kasama ang Thunderkizz? Close sila? Napagawi siya sa stadium dahil may ipinabibigay ang Tita Mhiel niya kay Ayame. Fan na fan ito ng babaeng drummer na iyon. Minsan nga nagdududa na siya sa gender ng Tita niya.
Tumalikod siya at nagpanggap na walang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Akala niya titigil na ito pero hinabol pa pala siya. Ang kulit ng lahi mo!
“Marimar! Kumusta ka na? Sabi ko na nga ba magkikita tayo ulit,” ani nito. “Ang galing ko ‘di ba?”
Dahan-dahan niyang itinupi ang sosyal niyang payong. “Ikaw na naman? Wala ka talagang kadala-dala ‘no?” nakapameywang na wika niya.
Marahan siyang inakay nito papunta sa mga kasama nito. “Guys, this is the nice girl I’m talking about a while ago.” Isa-isang nalaglag ang panga ng mga ito.
Nice . . . nice . . . nice . . . bakit parang kinikilabutan ata si Diane sa sinabi ni Reijan. Naging masama ang pakiramdam niya dahil sa salitang nice.
“Nice?” takang tanong ni Drexcel.
“Namamaligno ka lang,” ani Ayame.
“Eh? Nagdediliryo ka lang,” komento ni Yohann.
“No comment,” ani naman ni Choi.
“Hi Diane, it’s good to see you here after so many years. Kumusta ka na? Wow, you still look awesome.” sambit ni Hansen.
Nag-dial si Yohann sa cellphone. “Ayan na nagri-ring na . . . sasagutin na ni Doc Penpen. Hello Penpen de Sarapen? Ang irog mo may kinakalachuching iba…. Tumpak . . . Mapapakagat-labi ka sa kasuwitan nila,” pagpaparinig nito habang nakadikit ang tenga sa cellphone at nakakapanloko ang tingin kay Hansen. Binatukan lang ito ng huli. Alam naman nilang nang-aasar lang ito.
“So, kumusta ka na?” tanong ni Hansen sa kanya.
Awtomatikong naging awkward ang pakiramdam ni Diane nang si Hansen na ang nagsalita. Napipilan tuloy siya. Lintek, hindi siya pwedeng mapahiya. “A-a-ano, o-okay lang naman.” Lalo tuloy siyang nailang dahil sa approach ni Hansen. Ito ang una at huli niyang naging boyfriend. Nakipaghiwalay siya dito dahil ramdam naman niyang si Doc Penpen ang mahal nito at hindi siya. Napag-usapan nila ito ng maayos at naging magkaibigan pa sila. Siguro talagang nakakaramdam lang siya ng hiya ngayon dahil mahabang panahon na rin niya itong hindi nakikita. Kadalasan kasi ay sa TV lang niya ito nasusulyapan.
Nagpapalit-palit ng lingon si Reijan sa dalawa. Naguluhan siya sa takbo ng usapan. “Bakit Diane ang tinawag mo kay Marimar? Magkakilala kayo? Marimar ang pangalan niya ‘di ba?” pangungulit ni Reijan.
“Uto-uto. Naniwala ka naman?” pambabara ni Diane. Napansin niya na wala ng brace ito.
“O nasa’n na ‘yong nakaksilaw mong brace? Pinasangla mo na?” usisa niya. Napansin niyang mas lalo itong gumuwapo dahil nawala na ang epal nitong brace. Teka, dapat si Hansen lang ang pinakaguwapo sa paningin niya.
“Pinatanggal ko na sa dentist ko no’ng matanggap ako dito sa banda. Bagay ba?” tanong nito sabay ngiti.
“Panget,” walang kaanu-anong sagot niya. Joke lang, masbagay naman talaga sa’yo ‘yang walang bakal, aniya sa kanyang isip.
Binawi tuloy ni Reijan ang ngiti. “Gano’n ba. Hmm, e ‘di ipapakabit ko ulit,” anito.
“Panget pa rin,” sagot naman niya. “Kahit anong gawin mo, panget.”
“Hindi ko pa nga pala nasasabi, si Diane ‘yong ikinukwento kong Ex-girlfriend ko,”sabi ni Hansen.
Kapwa napaawang ang panga ng mga miyembro ng Thunderkizz.
“What?! Kaya pala punung-puno ng pagnanasa kung makatingin sa’yo ang miniature na ‘yan,” bulalas ni Drexcel. Madalas nitong pagkatuwaan ang pagiging petite niya.
Nahampas niya tuloy si Reijan sa balikat. “Ikaw, pahamak ka kasi eh,” aniya habang pinandidilatan ito.
“Friends mo naman sila ‘di ba?” tanong nito.
“Ewan ko sa’yo.”
“Anong friends? Hindi ah,” kontra ni Yohann. “Kelan pa.”
Sanay na sanay na siya sa pambubuska ng mga ito. “Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga ordinaryong nilalang, dyosa ako eh.” Exaggerated na hinawi niya ang kanyang kulot na buhok. “Choi, balita ko ikaw ang crew of the month sa fastfood ni Ate Mhiel. Congrats!” Bumeso siya dito. Agad na nanlaki ang mga mata ni Ayame at pinunaspunasan ang pisngi ni Choi. Tulad ng inaasahan niya ay mukhang napipikon na naman ito. Gustung-gusto niya tuloy matawa.
“Alam mo Prince Charming Hanilabidabidabs oh so sweet, dapat hindi ka dumidikit kunsaan-saan. Ayan tuloy ang daming nakamamatay na mikrobyo sa pisngi mo,” pangaral nito habang patuloy pa rin sa pagpupunas. “Prevention is better than cure,” dagdag pa nito.
“Yohann, pwede pala sa banda niyo ang special child, ahahaha,” aniya sabay tingin kay Ayame.
Tumiyad si Ayame at tinakpan ang tenga ni Choi. “’Wag kang makikinig sa kanya. Mikrobyo lumalabas sa bibig niyan.”
“Anong modus mo at napadpad ka dito?” tanong ni Drexcel.
“Nagpapalaganap ng kagandahan.” Walang kaabe-aberyang sagot niya. “O, honey wine. Pinabibigay ni Tita Mhiel.” Inabot niya kay Ayame ang tatlong bote ng wine.
“Wow, si Miss Pulot may ibinigay kay Ayame? Katapusan na ba ng mundo?” alaska ni Yohann.
“At siyempre, itong isa pang wine, para naman sa best crew of the month.” Aabutin na sana ito ni Choi nang si Ayame ang sapilitang kumuha.
“Allergic ang Prince Charming Hanilabs ko sa pulot kaya akin na lang ‘to.”
“O sige, laklakin mo lahat hanggang mahati ‘yang ngala-ngala mo,” sabi niya kay Ayame.
“Umiinom din ako ng honey wine,” pagpaparinig ni Reijan habang nakangiti.
“E ano ngayon?” Pambabara niya dito. Kahit kelan talaga may pagka-epal ito. “Kumusta na nga pala si Kaira?” baling ni Diane kay Yohann.
“Kasama pa rin ni Quency. Best friends eh. Kung nagkataong lalaki si Kaira, baka pinagselosan ko na rin ‘yon. Saka ba’t mo sa’kin mo tinatanong eh magkaklase naman kayo?”
Napataas ang kilay niya sa nabanggit nito. “Talaga? Bestfriend? May bestfriend bang nagsasabi na it’s useless to push your relationship to work out? Oh c’mon, may bestfriend din bang nagtatanong na bakit hindi mo siya magustuhan samantalang she’s a lot better than your dearest Quency?
Kaya ang sinabi ko sa kanya, ‘Eh kasi pangit kang epal ka’ and then she said, ‘bakit ba daw ako nakikialam’ tapos ang sabi ko naman, ‘nabo-bore na ako kaya bumalik ako sa pagiging pakelamera’, no’ng sinabi ko ‘yon, nagwala siya na parang isang unggoy, and the rest is history,” mahabang salaysay niya. “Gold digger na nga, dirty player pa. Tsk, tsk. Poor Kaira, wala na talaga siyang pag-asa. So pathetic.”
Nagulat si Yohann sa napag-alaman nito. Napaisip tuloy ito. “Kung gano’n….”
Natutop niya ang kanyang bibig. “Oops, I promised her not to tell anything, kaya lang nasabi ko na eh. Sorry Kaira.” Balewalang saad niya. “Well, isa lang naman akong hamak na diyosang classmate ni Quency. Paniwalaan mo ako o hindi, I won’t give a damn care.”
Matabil ang dila ni Diane, in an artistic way hehe. “Pagmamaldita for a Cause” ang tawag niya do’n. Bukod sa gumagaan ang pakiramdam tuwing nag-aasar at ume-epal sa love life ng iba, ay nagiging colorful din ang “happy ending” ng mga taong nasa paligid niya.
“But I do care about you,” Nakangiting biro ni Reijan. Wala namang ka-connect-connect ang sinabi nito.
“At wala akong pake. Tseh!” Pinandilatan pa ito ni Diane.
“Kulaaaassss!!!” Kapwa sila napalingon sa paparating na si Quency. Mukhang nasa fighting mode talaga ito. “Pumarito ka’t magtutuos tayong hinayupak ka!” Mabilis na naglalakad ito mula sa malayo.
Tila nabuhusan ng mainit na tubig si Yohann dahil sa pagkabalisa. Nagtago ito sa likod ng malaking speaker. Pinilit talaga nitong magkasya sa maliit na espasyo.
Pahamak talaga ang makulit na Reijan na iyon. Male-late na siya sa susunod na klase sa Dynamic Education kaya sinimulan na niyang maglakad papalayo. Isa siyang senior AB Communication student sa Zeus Apollo Manila University.
“Diane!”
Nabitawan niya ang kanyang payong. “Ay Diane! Ano ba?!” Nagulat siya sa pagtawag sa kanya ni Reijan. Hinabol pala siya nito.
“Sana dumating ka sa concert. If you want, I can pick you up para makapunta ka dito next, next week.” Mukhang sincere naman ito sa pag-iimbita.
“I’ll think about that.”
“Tenkyu ha. Ang bait mo talaga.” Nakangiti na naman ito sa kanya na waring tuwang-tuwa.
Ang bait mo talaga . . . ang bait mo talaga . . . ang bait mo talaga…. Paulit-ulit na umugong sa kanyang tenga ang sinabi ni Reijan. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Ano? Sinungaling! Liar! Mang-uuto ka na rin lang, hindi pa kapani-paniwala.” Pinaghahampas niya ito ng payong sa sobrang inis. “Buwisit ka.”
Imbis na magalit ay ngiti lang ang itinugon nito kay Diane. “Alam kong mabait ka, itinatago mo lang.”
“Heh!” Tuluyan na niyang nilayasan ito bago pa siya ma-suffocate sa mga salitang lumalabas mula sa bibig nito. Kanina pa nananakit ang tenga niya dahil sa sinasabi nitong mabait siya.
CHAPTER THREE
“HAY, my life is so unfair. Si Ayameng abnoy may tuod na Choi. Si Hansen pogi may Doc Penpen. Si Yohann pangit may amazonang Quency. Si Drexcel bakulaw may Rozuka cute. Pati ba naman si Tita Mhiel na matandang gurang may masungit na Haime? Pa’no naman ako? Bakit wala akong prince charming chuchu?” Kasalukuyan siyang nagbubudbod ng pagkain sa aquarium ng kanyang alagang goldfish. Ito ang nagsisilbi niyang outlet sa tuwing may gusto siyang sabihin na hindi niya naman masabi sa ibang tao. Wala rin naman siyang matinong kaibigan dahil nga nasambot na niya ang lahat ng kayabangan at kamalditahan sa mundo. Wala tuloy siyang makasundo.
“Tapos ‘yang buwisit na Reijan, sinabing mabait ako. Sinungaling talaga siya. Hindi tuloy ako nakatulog kagabi dahil sa inis. Hmp. Pero bakit ang bait-bait niya sa’kin? Samantalang lagi ko naman siyang inaaway? Bakit nakangiti pa rin siya kahit sinusungitan ko na siya? Bakit gumaguwapo siya sa paningin ko? Teka, dapat si Hansen lang ang kinikilala kong guwapo. Lalo tuloy akong naiinis sa baliw na ‘yon. Haay, hanggang kelan ba ako magiging single?”
“Single -single -single”. Paulit-ulit na litanya ng alaga niyang parrot.
Sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang na-stress ang parrot at nagwala sa hawla. Pauli-uli ito sa paglipad. “S-single -single - single.”
“Tseh, uchiserang parrot ka. Kapag naging single ako habambuhay, lilitsunin talaga kita. Susunugin ko pati kaluluwa mo.” Waring naiintindihan siya ng parrot dahil kaagad itong tumahimik.
Habang nag-e-emote ay bigla namang nasagi sa isip niya ang kanyang major requirement para sa course niyang ABCom. Kailangan nga pala niyang gumawa ng isang musc video and she’s running out of time. Malapit na ang deadline at ni isang concept ay wala pa siya. Hindi siya pwedeng mahuli ng pagsu-submit dahil graduating na siya. Ayaw niyang mahirapan sa pagpapapirma ng clearance.
“O NGAYON, sinong gustong sumama sa’kin sa Rancho de Diyosa?” tanong niya sa Thunderkizz. Kakatapos lang ng mga itong tumugtog sa isang mall tour at kasalukuyang nagpapahinga ang mga ito sa dressing room. “Ang sumama sa’kin, may dalawang buwang supply ng honey wine. Plus, one month vacation sa rancho for two. Pwede niyong isama ang mga kalaguyo niyo. Ang ganda-ganda na ng offer ko ha.”
“Ayaw,” sagot ni Drexcel, hawak-hawak ang itinotono nitong gitara.
“Para mo na ring tinanong kung gusto naming magpakamatay,” buska naman ni Yohann habang nakasalampak sa upuan ng dressing room at naglalaro ng PSP.
“Ahm, sorry Diane. I would like to, kaya lang kasi may date kami ni Penpen eh. Pasensya na talaga,” buong pusong-paumanhin ni Hansen. “Pero kung may ibang araw na-“ Naputol ang sasabihin nito nang makitang nakadikit ang cellphone sa tenga ni Yohann.
“Penpen de Sarapen de kutsilyo, etong pinakamamahal mong si Hansen may kalaguyo na naman . . . ahuh . . . ow yes . . . Huh? Oo tama ka dyan . . . talaga? Naku, patay nga talaga siya . . . break na ulit kayo? Baka naman pwede niyo pa ‘yang pag-usapan? Naku . . . tsk, tsk . . . .” Kaagad na hinablot ni Hansen ang cellphone kay Yohann.
Tarantang nagsalita ito. “Wait Penpen, let me-“ Natigilan ito at pagkatapos ay sinamaan ng tingin ang tatawa-tawang si Yohann. Nagpapanggap lang palang may kausap ang pangalawa. Nakita na lang niyang hinahabol-habol ito ni Hansen na parang bata habang hinahataw ito ng jacket.
“Si Ayame na lang ang isama mo.” Suhestiyon ni Drexcel. “Lalaki naman ‘yan,” walang ka-emo-emosyong saad nito habang nasa gitara pa rin ang atensyon.
“Hoy, anong lalaki? Ang kuyut-kuyut-kuyut ko kaya,” ani Ayame.
“Kapag pinatulan ka ni Choi ibig sabihin, lalaki kursunada no’n. Hahaha!” Pag-aasar pa lalo ni Drexcel.
“Ano? Bawiin mo ‘yan! Hindi bading si Prince Charming hanilabdabidabs ko ha. Palibahasa mga inggitero kayo.”
Nagpapanting na ang tenga ni Diane sa mga ito. Nasisimula na siyang mairita dahil mukhang wala siyang mahihita.
“Will you just tell me who the hell would like to come?!” bulyaw niya sa mga ito. “Kung ayaw niyo eh di ‘wag. Ang hirap niyong kausap.”
“Ako! Pwede-pwedeng akong sumama.” Napalingon silang lahat sa pintuan. Nando’n si Reijan na abot tenga na naman ang ngiti habang nakataas ang kamay. May sakbit-sakbit itong case ng violin.
“Hinde. Hindi pwede,” mariing tugon ni Diane. May dadagdag na naman sa sakit ng ulo niya.
“O ayan, pwede naman pala si Reijan. Eh ‘di siya na lang,” sabi ni Ayame.
“Ayoko nga,” pagdidiin pa niya. “How would I ever work with such a-“
“Nakupow Reijan beybs, ‘pag ‘yang si Diane ang kasama mo, kalahati ng paa mo nakabaon sa hukay,” pananakot ni Yohann.
“Gusto mo ba talagang sumama?” nangangambang tanong ni Drexcel. “Concern lang ako sa’yo ‘tol. Siguradong magwawala si Mama kapag nalaman niyang sumama ka sa isang . . . hehehe.”
Ngumiti lang si Reijan at tumango. “Oo naman Kuya Drex. I want to enjoy the place. Saka kelangan niya ng tulong ko.”
Namayagpag ang kilay niya. “Hoy, excuse me, hindi ko kelangan ng tu-“
“’Yon naman pala. Pumayag ka na Diane,” panggagatong pa lalo ni Hansen.
Natigilan na naman siya. Parang may sariling isip ang kanyang bibig at kusang nagsalita. “Ah- eh- oo, sige na nga.” Lagot, mukhang napasubo na naman siya.
next chapter nito, nasa suluk-sulk lang ng filipinowriter hehehe
chung kang kiribachuchu. na-gets mo? ako hinde haha



Ang sipag mo naman! haba nito ah...
Isang tipikal na love story ito... what a small world again, e yung crush ko nga noon na ka-subdivision lang namin at halos bantayan ko na noon sa gate ay hindi ko pa maabot-abutan. Maganda ang mga dayalogong ginamit at nararamdaman ko ang karakter ni Diane, na mataas at supladita to the max ngunit may pagkakataoon din na sumosobra at nagiging OA na sa pagbasa ko (sa akin lang naman). Busog na busog ako sa pagpapakilala sa mga tauhan ngunit di ko maramdaman ang paligid na kanilang ginagalawan. Maayos naman nararating ang nais puntahan. ( ito ata yung band ng kapatid ni melay, tama ba?) Nice Cute Love story... sulat lang...
http://dyeppri.wordpress.com/