BITTER SWEET <(='.'=)> Chapters 4-6
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
”I love you with all that I am. I love you more than how much you think. And I love you just the way you are. That’s the only truth.”
“….Oo, badtrip ka kasi mahal kita! . . .Narinig mo? Mahal kita. Mahal kitang pulgas ka. Pa’no ba kita kakalimutan? Alam mo ba? Puwes ako hindi. Kaya badtrip ako sa’yo. Badtrip kaaa!”
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
CHAPTER FOUR
“PASOK ka na sa kotse.” Wala na talagang choice si Diane kung hindi ang isama ang makulit na si Reijan.
Binuksan nito ang pintuan ng frontseat para sa kanya. Si Reijan ang nagprisinta na magdala ng sasakyan. Tutal, ito naman daw ang lalaki kaya dapat lang na ito ang mag-drive.
Naupo na si Diane sa sasakyan.
“Hi.” Nagulat na lang siya ng may babaeng bumati sa kanya. Nakaupo ito sa backseat.
“Who are you?” tanong niya dito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang boobs. Pagkatapos ay hinaharap naman niya ang kanyang tiningnan. E ano kung mas malaki ‘yong boobs niya? Mas maganda naman ako. Ahahaha.
“I’m Sandra. Isasama daw ako ni Reijan para tulungan ka sa gagawin mong music video.”
Huh? Akala ko ba kami lang? eh bakit may dakilang epal? Kamuntikan na niyang masabi. Sakto naman bumukas ang pintuan ng driver’s seat at umupo si Reijan.
“Diane, siya nga pala si Sandra. Stage director siya sa Pontez theater department. She can surely help you kaya isinama ko siya.”
Pero ang usapan, tayo lang at wala ang mukhang boobs na ‘yan. Well, maganda naman talaga si Sandra at sexy. Mukha ring mabait ito. Hindi nga lang maintindihan ni Diane kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya dito. Wala itong ginagawang masama sa kanya pero bakit nabubuwisit siya ngayong kaharap ito?
“Ang cute naman niya. Mukha siyang bonsai. Kasi green na green ‘yong suot niya tapos ang liit-liit pa niya. Saka para siyang si Buttercup do’n sa powerpuff girls ‘di ba?” tuwang-tuwang sambit ni Sandra. Ngumiti lang si Reijan habang nasa kalsada pa rin ang atensyon.
Pasimpleng napangiti si Reijan. “Yeah. Para sa’kin, her beauty is more than anyone else.” Mahina lang ang pagkakasabi ni Reijan kaya si Sandra lamang ang nakarinig.
Awtomatikong nagtaasan ang kilay ni Diane sa sinabi ni Sandra. Oo petite siya pero kung makapanlait ang Sandrang ito para namang sobrang liit niya. Ako? Bonsai? Powerpuff girls? Itanim kaya kita sa lupa?
“Ang cute din ng kasama mo Reijan. Mukhang binurong mangga. Ahahaha,” sinabayan niya pa talaga ng mapanlait na tawa para maasar ito.
Hindi rin naman papatalo ang isa. “Pero alam mo Reijan, mas cute pa rin si Diane. Sa sobrang cute niya, mukha na siyang nasagasaang bayawak.”
Nauubusan na talaga siya ng pasensya. “Hindi, alam mo kasi Reijan mas-“
“Itigil niyo na ‘yan. Pareho naman kayong cute,” sabi ni Reijan.
“Hindi ‘no. I’m gorgeous and beautiful, and attractive, and irresistible, and appealing, and good-looking, and . . . and . . . and . . . ah basta maganda ako.” Wala na siyang pakealam kung puro yabang na lang ang sinasabi niya. Maganda naman talaga siya at magmamaganda siya kung kelan niya gusto.
“WOW, ang ganda-ganda naman dito.” Punung-puno ng paghanga si Sandra habang pinagmamasdan ang buong Rancho de Diyosa. Simple lang ang rancho ni Diane na nakatirik sa Caliraya.Ang talagang nagpaganda sa farm niya ay ang pagkakaayos ng mga halaman, puno, at hayop sa paligid. Kitang-kita din ang bundok ng Makiling at Caliraya Dam, at Caliraya Lake sa lugar. May pagka-Spanish era ang dating ng rancho. Minana pa ito ng Mommy niya sa kanyang lolo.
“Syempre, maganda kasi ang may-ari,” buong pagmamalaki ni Diane sabay hawi ng kulot nitong buhok.
“Mukhang okay mag-shooting sa banda do’n ‘di ba Reijan? Saka do’n din, do’n pa, pwede rin sa isang ‘yon,” kunsaan-saan nagtuturo si Sandra at ni hindi man lamang pinansin ang pagyayabang ni Diane.
“Oo nga. You’re such a brilliant girl, gorgeous. Kararating pa lang natin ang dami mo ng concept. Sigurado maganda ang kalalabasan ng music video ni Diane,” ani Reijan sabay gulo ng buhok ni Sandra.
“At ikaw, ang kuyut-kuyut mo talaga!” Kinurot-kurot ni Sandra ang magkabilang pisngi ng binata.
Napangiwi si Diane sa eksena ng dalawa. Hmp may pakurot-kurot pa sa pisngi. Yuck!
“Bawal dito magkurutan. Baka mamatanda kayo,” pagpaparinig niya.
“Akalain mo, totoo pala ang mga lamang lupa. Nakita ko pa lang si Diane naniwala na ako,” pang-aasar ni Sandra.
“Ate Diane!” Isang binatilyo ang lumapit sa kanila at binitbit ang kanyang maleta. “Naku ate pasensya na hindi kita nasundo. On leave si Ate Biday. Nagkasakit kasi si inay kaya ako muna mag-aasikaso dito habang wala pa siya.”
Ang tinutukoy nitong Ate Biday ang caretaker ng bahay sa rancho. “Pa’no ka magiging vet niyan kung kami ang inaasikaso mo dito,” ani Diane.
“Okay lang ‘yon ate. Eh ‘di pag-aralin mo na lang ako ulit. Hehe. Mayaman ka naman,” biro nito.
“Wow, future vet. Gustung-gusto mo ng animals?” tanong ni Reijan.
“Opo, ako nga po ‘yong nag-aalaga ng mga hayop dito sa rancho.”
“I’m sure magugustuhan mo ding alagaan si Sandra, Quevhenn. Expert ka sa panggagamot ng mga animals ‘di ba?” ani Diane suot-suot ang mapang-asar na ngiti. Hindi pa kasi siya nakakaganti kanina.
Nangunot ang noo ng binatilyo. Waring nagtataka ito sa sinabi niya.“Bakit naman Ate Diane? E ang ganda-ganda nga ni Ma’am Sandra o. May mas bata ho ba kayong kapatid? ‘Pakilala niyo naman ako.”
“Ayy! Narinig mo ‘yon Reijan? Ang ganda-ganda ko daw!” Nakikini-kinita na ni Diane na pumapalakpak ng tenga ni Sandra dahil sa narinig na papuri.
“Quevhenn! Bahala kang maghanap ng tuition mo next sem. Hmp!” Nagmartsa siya papunta sa bahay bakasyunan. Nakakainis ang mga tao ngayong araw na ito.
“’Wag naman Ate.” Napakamot na lang ito sa ulo.
“NAKAKAINIS, nakakainis, nakakainis talaga!” pagulung-gulong si Diane sa kama habang nagsisintir. Hindi niya maintindihan kung bakit kanina pa siya nagngingit-ngit sa tuwing nilalapit-lapitan ng Sandrang ‘yon si Reijan. Parang gustung-gusto niyang
hatawin ng itak ang mga kamay ng impaktang ‘yon sa tuwing kinukurot nito si Reijan. Na-eengganyo siyang dukitin ang mga mata ng mangkukulam na ‘yon kapag tinititig-titigan nito si Reijan. Ano bang problema niya? Bakit siya gano’n? Ilang araw na rin silang nasa rancho pero iyon at iyon pa rin ang nararamdaman niya. Nakagat tuloy ni Diane ang unan sa sobrang pag-iisip.
Lumabas muna siya ng kwarto para mahimasmasan naman siya. Itatanong niya kay Reijan kung saang lugar sila sa rancho magshu-shoot para maihanda na bukas ang mga gagamitin. Bukas ang pinto kaya pinasok niya ang kuwarto ng binata. Mukhang nagkamali siya ng timing dahil natutulog ito. Pero sa halip na umalis ay natukso siyang lumapit sa dito. Tulog na tulog pa rin ito. Umupo siya sa tabi ng higaan. Pinagmasdan niya ito nang mabuti.
Nakakainis ka talaga. Kahit tulog ka ang amo pa rin ng mukha mo. Abnormal ka. Tao ka ba talaga huh? ‘Pag gising ka, lagi mo akong nginingitian kahit inaaway kita. Lagi mo akong tinutulungan kahit hindi ko naman sinasabi. Kapag nangangailangan ako, bigla ka na lang sumusulpot. Why are you so nice to me? Sinasabihan mo akong mabait samantalang ikaw naman talaga ‘yon. Nagmo-monologue na naman siya sa kanyang isip habang pinagmamasdan ito. Na-curious siya kung anong pakiramdam ng kinukurut-kurot si Reijan.
Pa-testing nga.
Sa halip na kurutin ay dahan-dahang dumampi lang ang palad ni Diane sa pisngi ni Reijan. Parang ayaw na niya alisin ang kanyang palad dito. Siguro kahit magdamag siyang gano’n okay lang. Her heart suddenly skipped. Ano ba ‘tong nangyayari sa kanya?
“Nagu-guwapuhan ka sa kanya ‘no? Anong ginagawa mo dito? Siguro may gusto ka sa kanya. Tama ba?” Isang kakaibang titig ang ipinukol ni Sandra sa kanya. Nakakaloko ang mga ngiti nito. Mukhang tiyak na tiyak ito sa nasa isip nito ngayon.
Eksaktong napaigtad siya dahil sa pagsulpot ni Sandra. Animo’y kusang gumalaw ang palad niyang sinampal sa pisngi si Reijan. Awtomatiko namang napabalikwas ng bangon ang isa. Sapu-sapo nito ang nasampal na pisngi.
Pupungas-pungas pa ang binata nang magsalita. “Anong nangyari? Diane? Ba’t nandito ka? May kelangan ka ba? Are you alright?” sunud-sunod na tanong nito.
Boses pa lang ni Reijan ay nataranta na si Diane. “Ah- eh- kasi may lamok. Nakita kong pahara-hara sa mukha kaya hinampas ko.” Sana bumenta ang gasgas niyang palusot.
Kitang-kita niyang napangisi si Sandra. Nanunudyo pa talaga ang babaeng ito. ‘Wag kang epal babaeng halimaw.
“Tama. Malaking-malaking lamok. Kanina pa nga pinagpipiyestahan ‘yang mukha mo eh,” ani Sandra sabay tingin nito sa kanya. Nakasandal pa rin ito sa may bukana ng pinto.
Inosenteng napahawak si Reijan sa namumula pa ring pisngi. Bakat na bakat doon ang kamay niya. Nakonsensya tuloy siya. Parang guto niyang punasan iyon para mawala ang pamumula. “Gano’n ba? Salamat Diane ha.”
“W-wala ‘yon. Sa susunod naman kasi magsarado ka ng bintana para hindi nakakapasok ang mga lamok dito,” pagmamataray niya.
Muling umimik si Sandra. “Oo nga naman, saka kung magsasarado ka ng binatana idamay mo na rin ang pinto kasi-“
“Washu ni kungbatsi ispirikitik!” Bigla na lamang isinigaw ni Diane ang kakaibang salita na kahit siya mismo ay hindi niya alam kung paano lumabas sa bibig niya. Lord, mamamatay na ako sa kahihiyan.
Nangunot ang noo ni Reijan samantalang si Sandra ay hindi magkaintindihan sa kakatawa. “Diane, are you alright? Talaga bang okay ka lang?” punung-puno ng concern ang tono ng binata.
“Oo nga sabi eh. Ba’t ba ang kulit-kulit mo? Diyan ka na nga. Magsama kayo ng impaktang ‘yan.” Hindi na talaga niya kinaya ang kahihiyan.
Lord, gusto niyo ng diyosang anghel? Pwedeng bang mag-apply? Puwes kunin niyo na ako, litanya niya sa isip habang unti-unting naglalakad papalayo sa silid ni Reijan.
“Sa susunod kasi ‘wag kang magpapahuli, powerpuff girl,” pasimpleng saad sa kanya ni Sandra habang tatawa-tawang dumiretso sa sarili nitong kuwarto.
“ANG SAKIT talaga ng tiyan ko ….” Namimilipit na si Reijan habang nakahiga sa sofa. Hindi niya alam kung anong pagkain ang nakasama sa kanyang sikmura. Napadami ata ang inom niya ng gatas. Kung hindi man dahil do’n, malamang ay umaatake na naman ang ulcer niya. Hangga’t kaya niyang tiisin ay hindi siya umiinom ng gamot. He’s in big trouble. Madalang lang siyang pagsaktan ng tiyan pero kapag nangyayari iyon ay halos mamatay naman siya sa sakit. No one could help him. Panandaliang umalis si Sandra dahil may pupuntahan itong mahalagang meeting, ipinangako nitong babalik ito kinabukasan. Ayaw din naman niyang istorbohin si Diane dahil alam niyang abala ang dalaga.
Pinagpapawisan na siya ng matindi. Nananatili pa rin siyang nakabaluktot sa sofa dahil sa tuwing kikilos siya ang kumikirot ang kanyang tiyan.
“Okay ka lang? Para kang pusang hindi mapaanak.” Hindi niya napansing naabutan siya ni Diane sa sala na gano’n ang puwesto. “Kelan ka pa nagkaro’n ng matres?”
Pinilit niyang ngumiti para dito. “D-Diane,” pangalan lang nito ang nasambit niya.
Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Diane. “Reijan? Anong problema?” Nag-aalala nitong tanong sabay lapit sa kanya. Idinantay nito ang palad sa noo niya.
Haaay, this is what you call life! Wahooh! Yeh. Para siyang sirang mas iniintindi ang paglapat ng kamay ni Diane sa kanyang noo kaysa sa sakit ng tiyan.
Natigilan ito. Malamang ay naramdaman nito ang malamig niyang pawis. Walang kaanu-anong nagsisigaw ito sa labas ng bahay.
“Tulungan niyo kami rito! Bilisan niyo! Pagsisisantehin ko kayong lahat eh! Ano ba?” Natutunugan niyang nagagalit na ito.
Kahit masakit na ang sikmura niya ay gusto pa rin niyang mapangiti. Concern din pala sa kanya si Diane.
Ilang beses nagsisigaw ito sa labas ngunit tila walang nakakarinig dito. “Buwisit, mga walang silbi.” Nilapitan siya nito. Nagpanggap siyang walang malay. Lulubus-lubusin na niya ang pagkakataong ito. Totoo namang masakit ang tiyan niya, medyo nag-inarte nga lang siya. “Reijan! Oy, gising!” Niyugyog siya nito pero hindi siya tumugon. Bumalik ulit ito sa labas. “Hindi niyo ba talaga ako tutulungan?!” Malamang nagtatanghalian ang mga trabahador at nasa kanya-kanyang bahay ang mga ito kaya walang rumiresponde. May klase si Quevhenn kaya wala ito sa rancho.
“Kung walang tutulong sa’kin, puwes tutulungan ko sarili ko,” narinig niyang litanya nito. Desidido talaga itong tulungan siya na ikinatuwa niya.
Kahit maliit lang si Diane ay nagawa pa rin nitong alalayan ang nagkukuwaring walang malay na si Reijan. Mukhang wala itong pakealam kung magkabali-bali man ang buto nito. Ilang beses din itong nabuwal at natumba pero sinubukan pa rin nito tumayo para alalayan siya.
Ang sarap pala magka-ulcer. Hehe. sambit ni Reijan sa kanyang sarili. Pasimple niyang inaamoy-amoy ang natatarantang si Diane. Kapag napapalingon naman ito sa kanya ay awtomatikong ipinipikit niya ang mata at nagkukunwaring walang malay. Mukhang nakalimutan na niyang sumasakit ang kanyang sikmura.
“NAGRESETA ako ng clarithromycin, saka amoxicillin to eradicate Helicobacter plyori na causative agent ng ulcer mo. Nagdagdag na din ako ng Omeprazole. Antiulcer drugs ‘yon. 40mg omeprazole every morning once a day, with clarithromycin 500 mg three times a day. Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi nang inumin mo ‘yon. Para sa’n pa’t nagrereseta ako kung hindi mo naman sinusunod,” sermon ni Doc Penpen. “Sa susunod sisingilin na kita ng mahal para yumaman naman ako.”
Nang dalhin ni Diane si Reijan sa pinakamalapit na ospital ay kaagad niyang kinontak Ang kuya nitong si Drexcel. Sunod niyang nakontak ay ang mga magulang ng binata.Worried ang mga ito lalo pa’t nasa ibang bansa, pero nakahinga naman nang maluwag nang malamang ayos ang kondisyon ng kanilang anak.
“’Tol, iuuwi na kita kina Mama. Ikaw naman kasi, ang tigas ng ulo mo,” seryosong saad ni Drexcel.
“Okay naman ako Kuya Drex. Nagkataon lang na pumapel ‘tong ulcer ko. Saka ulcer lang naman ‘to.”
“Well hijo, complications of ulcer include perforation, hemorrhage, toxic megacolon, abscess formation, obstruction, malnutrition, anemia, and secondary colon cancer. Tapos nila-lang-lang mo lang ang ulcer? I-discuss ko kaya sa’yo ng buo ang pathophysiology no’n,” Nakapameywang sa sabi ni Penpen.
“Oo nga, umuwi ka na,” sabi ni Diane. “Sundan mo na ‘yong gorgeous mong Sandra.”
Hindi talaga siya papayag na umalis. Mapupurnada ang mahaba niyang bakasyon kasama si Diane.
“Uuwi ako sa rancho ni Diane,” pinal na sagot niya.
Nasapo lang ni Drexcel ang noo dahil sa katigasan ng ulo niya. “Mas maaalagaan ka namin sa Manila. O kaya you can stay at my place. Hinahanap ka na ni Manager Haring Haime. And do you think Diane will take care of you?” tanong nito.
“Kaya kong alagaan si Reijan. Nakakasakit ka ng damdamin ha. Nakaka-offend ka,” sumingit si Diane sa usapan nang madawit ang pangalan nito.
Napangiti na naman si Reijan. Pero kaagad niyang binawi iyon para makita ng mga itong seryoso siya. “See? Kuya Drex, aalagaan ako ni Diane,” proud na proud niyang tugon. Mas magiging maayos ang kundisyon niya kung si Diane ang mag-aalaga sa kanya. Kahit brutal pa ang paraan nito.
Napabuntong-hininga na lang ang kuya niya. “Ano pa nga bang magagawa ko? Hay naku, pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig. Puro na lang pag-ibig. Buti ka pa meron no’n,” biro nito. Nabato lang ito ng towel ni Reijan.
“Syempre.” Mabuti naman at bumenta ang dahilan niya. Ngayon makakasama pa niya ng mahaba si Diane. Muli na naman siyang sumimple ng ngiti.
CHAPTER FIVE
“SIMULA ngayon magiging mabait muna ako kay Reijan. Aalagaan ko siya, hindi ko na siya susungitan, hindi ko na siya aawayin, at hindi ko na rin siya tatarayan. Promise. Bawal siya ma-stress kaya aaliwin ko siya.” Mag-isang nagsasalita si Diane habang naghahanda ng sandwich na ipamemeryenda niya kay Reijan. Peace offering na niya ‘yon. Isa pa, nangako din siyang aalagaan niya ito.
“Ang kuyut-kuyut mo talaga Reijan. Kahit na-ulcer ka na ang kuyut-kuyut mo pa rin!” Tuwang-tuwa si Sandra habang kinukurut-kurot si Reijan. “Anong gusto mong ulam? Alam ko namang magpapapampam ka ngayon. May mga nakuha nga pala akong props sa theater department kanina. Magagamit natin ‘yon sa music video.” Pumasok ang dalawa sa kusina. Kitang-kita ni Diane kung paano kurut-kurutin ni Sandra ang binata.
Matalas kaya ‘tong tinidor?
“Hi Diane,” bati ni Reijan sa kanya. “Salamat nga pala no’ng isang araw ha. Hinayaan mo pa rin ako mag-stay dito,” ani nito.
Dumidiin tuloy ang paghahalo niya sa juice dahil sa ngitngit. “Sinabi ko bang magpasalamat ka?”
“Ang galing mo naman gumawa ng sandwich. Mukhang masarap ah. Para sa’kin ba ‘yan?” usisa nito habang nakatitig sa ginawa niya.
“Gusto mo?” magiliw na tanong niya pagkatapos ay biglang naging seryoso ang anyo ng kanyang mukha. “E ‘di gumawa ka. Sinabi ko bang sa’yo ‘to?” Buong puwersa niyang kinagat ang ginawa niyang sandwich. Kinain niya ang lahat ng ‘yon sa isang iglap. Wala siyang pakealam kung magmukha siyang patay gutom o mabulunan siya. Mas gusto niyang intindihin ang panggngingitngit niya.
Mukhang nagtampo ang lalamunan niya. Napaubo siya dahil sumikip iyon. Pinaghahampas niya ang dibdib dahil nahihirapan siyang huminga. Pesteng pagngingitngit ‘yan.
Maagap na pinainom ni Reijan ang juice at bahagyang hinagod ang kanyang likod. “Dapat kasi nagdahan-dahan ka sa pagkain. Gusto mo pa ng juice?” masuyong tanong nito.
“Ang takaw-takaw kasi,” singit ni Sandra habang may binubusisi sa hawak nitong videocam.
“Eh ‘di magmatakaw ka din,” bira niya.
HABANG nagsho-shoot sina Reijan at Sandra ay abala naman siya sa paggawa ng storyboard. Tinatapos na niya ang ending ng music video. Medyo may pagka-medieval ang theme ng project niya kung saan, Vanilla Twilight ng Owl City ang pinili niyang kanta. Sa video ay isang medieval prince si Reijan na napalayo sa kanyang prinsesa dahil kinailangan nitong maglakbay.
Nang matapos ang ginagawa ay nag unat-unat siya at napasandal sa bench. Napapikit siya at tuluyan nang nakatulog.
“Ayan tapos na ang scene na ‘to. Break muna tayo. Pwede ka na magbihis ulit,” sabi ni Sandra habang nire-review ang video.
Lumingon-lingon si Reijan sa paligid. “Napansin mo ba si Diane?” usisa niya.
Nasa video pa rin ang atensyon ni Sandra. “Hindi. Nawala lang saglit hinahanap-hanap mo na. Hindi naman ‘yon aagawin ng mga lamang lupa sa’yo. Praning ka talaga,” natatawang biro nito.
“Kahit lamang lupa pagseselosan ko,” hirit naman niya.
“Obsess.”
“I know,” tugon ni Reijan.
“Sabi ko na nga ba. Preoccupied ‘yang utak mo ng Miss Pulot na ‘yon. Tsk, tsk. Madumi na ‘yang utak mo.” Isa-isa na nitong inililigpit ang mga props. Tinawanan lang niya ito.
Naglakad-lakad si Reijan para hanapin si Diane. Natagpuan niya itong tulog na nakasandal sa isang bench at nakatapat pa sa sikat ng araw.
Naiinitan ang prinsesa ko.
Lumapit siya dito. Inalis niya ang kapa na costume kanina. Tinupi-tupi niya iyon at inilapag sa bench. Dahan-dahan niyang inihiga si Diane para hindi ito magising. Nagsilbing unan ang itinupi niyang kapa. Sunod naman ay itinaas niya ang mga paa nito at inilapag sa bench para makahiga si Diane nang maayos. Kumuha siya ng dalawang malaking payong sa mga props at inilagay iyon sa magkabilang dulo ng bench.
Matapos niyang maayos ang higaan ni Diane ay umupo siya sa tabi at nakapangalumbaba sa gilid ng bench. Habang nasa ganoong posisyon ay dumampi ang kanyang palad sa pisngi nito. You’re such an angel my Princess. Sleep well.
“Waw. Kainggit naman. Alagang-alaga mo talaga siya ‘no? Kahit sikat ng araw hindi mo pinapalapit d’yan,” biro ni Sandra. Kanina pa pala itong nasa likod niya.
“Syempre naman,” aniya habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang kanyang prinsesa.
“Ano ba’ng nagustuhan mo d’yan eh sinusungitan ka lang naman n’yan? At ikaw, parang tuwang-tuwa ka pa,” puna nito.
“She choose to hide the real and fragile Diane. Hindi lahat ng nakikita at alam natin sa kanya ay totoo. Masuwerte ako kasi nakita ko kung sino talaga siya.”
“Do you like her?” tanong ni Sandra.
Hindi siya umimik.
“Pero mahal mo?”
Ngumiti lang siya bilang tugon at muling pinagmasdan si Diane.
Nagkibit-balikat lang si Sandra. “Hay. Hindi ko talaga maintindihan. Bukod sa pareho kayong bulag, takot din kayo sa isa’t-isa. Ano ba kasing kinakatakot niyo? Bahala na nga kayo,” tuluyan ng tumalikod ito at naglakad palayo.
INABOT na ng dapit hapon ang shooting nila. Nagulat na lang si Diane kanina nang pagkagising niya ay kung anu-ano na ang nasa palibot ng bench na tinulugan niya. Napuna niyang kay Reijan ang kapa. Sweet. Siyempre kinilig siya pero hinding-hindi niya pinahalata. Sa halip na magpasalamat ay sinabi niyang mabaho at amoy pawis ang kapa nito.
Kailangan nilang abangan ang gabi dahil mas maganda kung kukunan nila ang eksena na kita ang mga stars. Medyo may pagka-magical kasi ang dating ng huling scene kunsaan bababa si Reijan sa kabayo dahil nakita niyang papalapit sa kanya ang prinsesa. Pagkatapos, nang magkalapit na sila, tutugtugin ng medieval prince ang hawak nitong violin. Yayakapin nito ang babae ngunit bigla na lang unti-unting magfe-fade ang prinsesa. Ibabalik ang shot sa stars at pagkatapos ay isang shot pa ulit kay Reijan. Gagamitan pa nila iyon ng iba’t-ibang klaseng effects para mas maging maganda sa paningin.
“Ako na lang ang gaganap na princess mamaya,” anunsyo ni Sandra.
Ikaw ang impaktitang prinsesa ni Reijan? No way! Magpoprotesta siya. “Bakit ikaw? Pwede namang ako,” kontra niya.
“Kasya ba sa’yo ‘to?” Ibinalandra ni Sandra ang costume na mukhang kumot na ata niya. Natigilan siya. Kung isusuot niya ‘yon ay magmumukha siyang basang sisiw.
“Hindi. P-pero pwede pa namang ayusin ‘yan,” aniya.
“Kapag inayos natin ‘to, made-delay na naman ang shooting. Ilang beses na ba tayong nade-delay? Wala na tayong oras kaya we have to compromise, naintindihan mo ba?” paliwanag nito.
“She has a point. We need to compromise. Kahit gusto man naming gawin ang gusto mo, hindi pwede. Para naman ‘to sa ikagaganda ng project mo,” paliwanag din ni Reijan.
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ng dalawa. At nagkampihan pa talaga sila. “Ang sabihin niyo, sinasabotahe niyo lang ang project ko.”
Bumaba si Reijan sa pagkakasampa sa kabayo. “You’re starting to think irrational, Diane. Nagiging immature ka na. Napaka-busy niyang tao pero pumayag siyang tulungan ka. She’s doing you a favor pero sa halip na magpasalamat, ano ‘tong ginagawa mo? Pinag-iisipan mo na nga siya ng hindi maganda, lagi mo pang inaasar,” sermon ni Reijan.
Diane was caught off guard. Hindi tuloy siya nakapagsalita. Kaiba sa laging nakangiting Reijan ay seryoso ang mukha nito ngayon. Talagang pinangatawanan nito ang pagkampi kay Sandra.
Diane ‘wag kang iiyak . . . ‘wag kang iiyak . . . ‘wag kang iiyak . . . lagot ka ‘pag umiyak ka. Kaya niyang kontrolin ang emosyon niya. Nagpapakamanhid siya kung kinakailangan. When her parents got separated, she did not cry. When she gave up on Hansen, she didn’t blame him. She even had no urge to cry. But this time, she was shaken. Oo, maliit na bagay lang ang pinag-aawayan nila ngayon at masasabing mababaw iyakan. But the fact na sinabihan siya nitong irrational at immature dahil kay Sandra, do’n niya gustong maiyak.
“O siya, siya.Tama na nga ‘yan. Tara na magtrabaho,” pag-iiba ni Sandra ng usapan. “Wala tayong matatapos ‘pag ganito tayo.”
“Bakit kasi galit na galit ka sa kanya? Anong problema mo kay Sandra?” tanong ni Reijan.
Hindi siya umimik. Nagseselos ako! Manhid ka kasi, manhid! Gusto niya iyong ipagsigawan pero hindi niya ginawa.
“You need to apologize, Diane,” Tila hindi nito gustong palampasin ang nangyari. Seryoso pa rin ito.
“Sa tingin mo ba gagawin ko ‘yon? Never! Nek-nek mo.” Padabog na nagmartsa siya palayo. No’n lang niya na-realize na napaiyak pala siya. Buwisit kang hinayupak ka.
“Hayan pack up na naman tayo. Pinikon mo pa kasi,” umuusok na ang ilong ni Sandra sa inis. Sa lahat ng ayaw nito ay nagiging hapit ito sa deadline.
“Nagsabi lang ako ng totoo,” ani Reijan habang inilalagay sa case ang violin.
“Ngayon lang kita nakitang ganyan ah. O, anong balak mo kay Miss Pulot?” tanong nito.
“Let her realize na mali siya. Kapag nag-sorry ako, para ko na ring inamin na mali ako.”
“Eh ano bang mas mahalaga sa’yo. ‘Yang panis mong pride o si Diane? Ang dilim na o. Baka mamaya kung saan-saan pa magsuot ‘yon. Masukal pa naman sa daan. Malay ba natin kung nakikipagpatintero na ‘yon ngayon sa mga ahas o kaya- “ Hindi na naituloy pa ni Sandra ang sasabihin nang makitang nagtatakbo na si Reijan palayo. Sa pagmamadali ay nakalimutan pa nitong may bitbit itong violin.
CHAPTER SIX
“PESTENG mga lamok ‘yan. Wala nang ginawa kundi mangagat nang mangagat. Hindi naman inaano kagat pa rin ng kagat. Kainin ko kayong lahat eh!” Irritadong hurumintado niya habang pinagpapapalo ang sarili dahil sa mga lamok. “Kundi dahil sa Reijan na ‘yon hindi sana ako maliligaw. Kasalanan niya ‘to.”
Nasa silong siya ng puno. Nakaupo siya habang yakap ang mga binti. Naghihintay na lang siyang may makahanap sa kanya. Kanina pa niya sinusubukan mag-text kaso walang signal. Siguro mga ilang oras pa siyang maghihintay. Kelangan ma-realize muna ng mga tao sa rancho na nawawala siya bago siya tuluyang hanapin ng mga ito. Baka kasi kaya hindi pa siya hinahanap ay iniisip ng mga itong nag-iinarte lang siya at nagpapahanap. Well, kung gano’n, sana kanina pa siya nakalayas sa lugar na ito at iniwanan ang mga pesteng lamok na umaalialigid sa kanya.
“Puro na lang Sandra, Sandra, Sandra. Mukha na siyang Sandra. Eh ‘di kay Sandra siya kumampi. Ano ngayon? Pagbubuhulin ko pa sila.”
“Pasensya ka na, Diane.” Nagulat siya sa boses na narinig. Engkanto ba ‘yon? May mga naririnig nga siyang kwento tungkol sa mga engkanto dito sa gubat. Hindi niya pinaniwalaan ang mga ‘yon pero ngayon parang gusto na nga niyang maniwala. May hidden talent pala siyang makakita ng mga lamang lupa at mabuti na lang dahil hindi siya takot sa gano’n. Ginaya pa talaga nito ang boses ni Reijan.
Siguro crush ako ng engkantong ‘to. Tapos yayayain niya ako sa mundo niya. Tapos pakakainin niya ako ng kung anu-anong achuchuchu. Tapos hindi na ako makakabalik dito. Tapos hindi ko na makikita si Reijan.
“Natagalan ba ako ng dating? Ayos ka lang ba d’yan?” Sunud-sunod na masuyong tanong nito.
“Akala mo ba sasama ako? Puwes hindi.” Akala siguro ng engkantong ito madali siyang ma-uto. “Magdusa kang laman lupa ka.”
Napakunot ang noo nito. “Galit ka pa rin ba?”
“Kay Reijan ako galit. Pero kapag pinilit mo pa akong sumama sa’yo, baka ikaw ang pagbaksakan ng init ng ulo ko,” banta niya. “Walang engka-engkanto sa’kin.”
“E ‘di galit ka nga sa’kin.”
“Ang kulit mo, sinabi na ngang-“
Itinapat ni Reijan sa mukha ang umiilaw na cellphone nito. “Si Reijan ‘to, Diane.”
Uso na ang cellphone sa engkanto? Teka, si Reijan na nga ata ito.
“Ba’t ang tagal mo?” asik niya pero ang totoo ay gustung-gusto na niya itong yakapin. Tinulungan na naman siya nito. “Bakit hindi si Sandra ang samahan mo do’n sa halip na nandito ka?”
“Pasensya na.” Naupo ito sa tabi niya.
“Syempre, natural lang na kampihan mo ‘yon. Mahal mo eh,” Araykupo.
“’You think I love her?” tanong nito.
Tumango si Diane. “Ahuh.” Isa pang araykupo.
Napabuntong-hininga si Reijan. “Kaya nagkakaganyan ka?”
“Ahuh- h-hinde ‘no. Okay ka lang?” Mabubuko pa siya ng wala sa oras.
“Diane,please listen to this.” Kinuha nito ang bitbit na violin at nagsimulang tumugtog. Pamilyar sa kanya ang tono. ‘She’s Always a Woman to Me’ ang pamagat nito. That was an old song sung by Billy Joel.
She can kill with a smile, she can wound with her eyes
She can ruin your faith with her casual lies
And she only reveals what she wants you to see
She hides like a child, but she's always a woman to me
She can lead you to love, she can take you or leave you
She can ask for the truth, but she'll never believe you…. she's always a woman to me
Buong emosyong tinugtog ni Reijan ang piyesa. No wonder na kinuha ito ng bandang Thunderkizz at madaling natanggap ng publiko bilang bagong miyembro.
Ohhh... she takes care of herself
She can wait if she wants, she's ahead of her time
Damang-dama niya ang pagmamahal nito sa babaeng inaalayan ng kantang iyon. Suot-suot pa nito ang costume ng isang medieval prince. Pakiramdam niya tuloy, siya ang prinsesa. Pero mukhang hanggang feeling na lang ‘yon
Sana ako na lang si Sandra.
Sa unang pagkakataon ay ninais niyang maging ibang tao. Gusto niyang i-appreciate ang kanta kaya lang lalo naman siyang nasasaktan. Hindi kasi ‘yon para sa kanya. Nakakainis, sinasaktan mo lang ako!
Okay na sana ang production number nito nang biglang bumira ito ng pagkanta na siyang nakapagpadugo sa tenga niya. “Whooooahhh!!! and she never gives out!!! and she never gives in!!! She just changes her mind, then she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding, but she’ll bring out the best and the worst you can bbbeee!!! Blame it all on yourself 'cause she's always a woman to mmmeee!!” Parang galit na galit ito kung makabirit.
He’s an exemptional musician, but a very, very bad singer. Tinalo pa nito ang pinaka sintunado sa lahat ng sintunado. Para lang itong guwapong lasenggero na nagwawala sa kanto.
Feel na feel pa rin ni Reijan ang pagkanta. “She's frequently kind and she's suddenly cruel!! She can do as she pleases, she's nobody's fool, and she can't be convicted, she's earned her degreeee!!! And the most she will do is throw shadows at yoouuuuu!!!, But she's always a woman toooo mmeee!!”
Kelangan nang tapusin ni Diane ang pagdurusa ng kanyang tenga kaya hinampas niya ito sa pisngi. “May lamok,” aniya.
“Gano’n ba. Salamat ha. So, what do you think of my piece?” excited na tanong nito.
“Ayos lang.” Magandang-maganda kaso kumanta ka pa kasi.
“So, bati na tayo?” nakangiting tanong nito.
“Ano pa nga ba’ng magagawa ko?” Parang hindi na ata siya makakatanggi sa taong ito. Nakupo, masamang pangitain ‘to.
Tumayo ito at inilahad ang kamay kay Diane. “Tara na?”
Inabot niya ay kamay nito. Akala niya ay maglalakad na sila pero yumuko ito at pinagpag ang likod niya. Pinulot din nito ang tsinelas niyang nakakalat. Nakalimutan niyang nagtanggal nga pala siya ng tsinelas at nakayapak na umupo sa silong ng puno. Pinagpag nito nang marahan ang paa ni Diane at dahan-dahang isinuot iyon sa kanyang paa. Hawak-hawak ni Reijan ang kamay niya. Parang nagpa-panic ang sistema ng utak niya at wala siyang maisip na bagay sa mga oras na iyon. Basta ang alam niya. Kinikilig siya.
“INLABABO na ba ako? Sagutin mo nga ako. Haaay, Bakit hindi ako nag-isip ng ganito dati kay Hansen? Bakit si Reijan pa? Bakit ‘yong sintu-sinto na ‘yon? Hindi ka ba iimik? Kanina pa kita kinakausap. Pati ba naman ikaw dededmahin ako?” Patuloy pa rin siyang nagsasalita sa harap ng goldfish niya.
“Matakot ka ‘pag sumagot ‘yan,” hirit ng kanyang Tita Mhiel hawak-hawak ang mga gabundok na files na mukhang inuwi nito galing opisina. “Ang hilig mo kasi magtaray, mas mataray nga lang ako. Minsan naman, be true to yourself at sa ibang nasa paligid mo. Hindi sa lahat ng oras, dapat nakataas ang defenses mo kasi sooner or later, that would be your weakness,” payo nito nang biglang mag-ring ang cellphone at natutunugan niyang si Haime na naman ang caller. Ito kasi ang madalas tumawag sa tita niyang isa pang pinaglihi sa katarayan. Inilapag nito ang files. “Hello? Siguraduhin mo lang na kapakipakinabang ‘yang sasabihin mo kung ayaw mong ilibing kita ng buhay,” anito sa cellphone.
“I want you here.” Naka-loud speaker iyon. At tama nga siya ng hinalang si Haime ‘yon.
“Okay ka lang? Anong gusto mong gawin ko, lumipad d’yan?”
“Exactly.”
“Pwet mo, Haime! Tseh!”
“Breach of contract.” Walang kaanu-anong wika nito.
Napapailing na lang siya sa usapan ng dalawang ito. Baliktad pa ata ang payo ng tita niya sa ginagawa nito.
Matapos umalis ni Mhiel ay nagbalik na naman siya sa pag-iisip. Nilingon niya ang nakalapag na CD sa mesa. Iyon ang music video na pinaghirapan nila ng ilang araw. Badtrip dahil si Sandra ang naging prinsesa. Badtrip dahil dapat siya. At badtrip dahil mukhang payag na payag ang magaling na Reijan na ‘yon. Higit sa lahat, badtrip dahil mahal na niya si Reijan.
Mahal ko na si Reijan? Pa’no na? Mahal no’n si Sandra eh. Ibig sabihin basted ako?
“Basted ako?”
“Basted- basted- basted” sunud-sunod na panggagaya ng parrot niya.
“Katayin kita d’yan eh.” Pananakot niya.
“Ekkk- ekkk –ekkk!!” na stress na naman ang alaga niya.
Nakaramdam siya na kelangan niya magbanyo. Tinangay na niya ang cellphone dahil nagri-ring ito. Umupo muna siya sa toilet bowl bago i-loud speaker iyon.
“Ano ba? Istorbo ka.” Si Reijan ang kausap niya. Talagang tumayming pa ito sa pagbabanyo niya.
“Hi, kumusta na? Susunduin kita para sa concert bukas ha,” excited na saad nito.
“Bakit hindi mo na lang sunduin si Sandra?” pagtataray niya dito. Umurong tuloy ang dapat ay ibabanyo niya. “Istorbo ka talaga.” Nanatili pa rin siyang nakaupo sa toilet seat.
“Are you busy? Did I disturb you? Anong ginagawa mo?”
“Ginagawa ko? Eh ‘di ‘yong ginagawa ng lahat ng tao. Sige na, babay na.” nag-end call na siya bago pa siya tuluyang mawindang.
Muling nag-ring ang cellphone niya.
“Hello?! Sinabi nang-“
Natiglan siya nang marinig ang background ng kabilang linya. Kumakanta na naman si Reijan.
“Parang biro lamang, dumating ang tulad mooo!!! Na may isang pag-ibig, na tapat at totooo!! Dahil sayo’y naramdaman, ang tunay na pagmamahallll! Iibigin kita kahit sino ka maaahaaan!!” parang lagi itong galit na galit kumanta.
Iyon na ata ang pinakabaduy, nakakarindi, pero dahil kinakanta ni Reijan ay nakakalig na kantang napakinggan niya. Original piece iyon ni Willie Revillame ng Wowowee.
“O ako na, ako na.” Nabosesan niyang si Yohann ang nagsalita.
“Hindi, chorus na o, dapat sabay-sabay para fair.” Si Drexcel naman iyon.
Korong kumanta ang mga ito ngunit nangingibabaw pa rin ang nagsusumigaw na sintunadong boses ni Reijan. Ito lang ang mukhang sintunado sa tatlo. “Ikaw na ngaaa!!! ang hinahanap ng pu-sooo!! Sa piling mo’y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko. Wo-ho-hooh!....”
Kahit gaano pa kasintunado si Reijan ay kinikilig pa rin siya.
“Reijan beybs, sabihin mo na,” tudyo ni Yohann sa kabilang linya.
“Bakit, anong sasabihin mo? mangungutang ka ‘no?” mataray na tanong niya subalit napapangiti naman.
“Ahm, ehem . . . people are just like stars. There are millions of them out there. Only one will make your dreams come true. But if you keep your eye so much on that one distant star, you’ll fail to see the shooting star that has already fallen for you,” makabagbag damdaming litanya ni Reijan. Parang hindi mo maintindihan kung dadalo ito ng balagtasan o artista sa teatro kung magsalita.
“May Penpen na kasi si Hansen. Mmmphh!!” Tila may nagtakip ng bibig ni Yohann.
“Bilis Hansen, maghanap ka pa d’yan sa cellphone mo. ‘Yong mas cheesy.” Narinig niyang wika ni Drexcel.
“Tseh!! Mga adik!” Madiin niyang pinindot ang end call. Sunod ay nakatanggap siya ng isang text message.
I hve somethng 2 ask, Diane. Hope I cn see u soon. Si Reijan ang sender.
Ano kayang itatanong niya? Yihi, aniya sa isip habang nakaupo pa rin sa toilet seat.
yung ibang chapter nakakalat lang dito sa filipinowriter hehe 
ow yeh, ow yeh


