BITTER SWEET <(='.'=)> Chapters 7- ending yehey!
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
”I love you with all that I am. I love you more than how much you think. And I love you just the way you are. That’s the only truth.”
“….Oo, badtrip ka kasi mahal kita! . . .Narinig mo? Mahal kita. Mahal kitang pulgas ka. Pa’no ba kita kakalimutan? Alam mo ba? Puwes ako hindi. Kaya badtrip ako sa’yo. Badtrip kaaa!”
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
CHAPTER SEVEN
“Diane!” Tuwang-tuwang nagtatakbo si Reijan palapit sa kanya. Pumuwesto siya gilid ng stage para mas makita ito ng malapitan. Dumating na rin ang pinakahihintay ni Reijan. Ito ang unang major concert ng Thunderkizz sa Araneta Coliseum na kasama ang binata kaya susuportahan niya ito ng todo-todo.
“Akala ko, hindi ka dadating. Hindi ka na kasi nagpasundo,” anito. Kahit anong klase kasi ng pilit nitong sunduin siya ay hindi siya pumayag dahil gusto niyang sorpresahin ito.
Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}
“N-Napuno niyo ‘tong Araneta ah. Ang dami niyong nagoyo,” biro niya. Bakit kinakabahan na siya ngayon? Lume-level up na ang pag-ibig niyang panis. Ow yeh.
“Sus.”
“Ano ‘yong sasabihin mo?” tanong niya. Hindi naman siguro masamang mag-ilusyon na may gusto ito sa kanya.
Sinundan ni Reijan ng tingin ang isang babaeng staff na hirap na hirap sa pagbubuhat ng props. “I think she needs help. Teka lang ha.”
Narinig niyang nagpasalamat ang babae dito. Mukhang hindi talaga nito mapigilan tumulong sa iba. Another pogi points. Muli siyang nilapitan ni Reijan.
“Ahm, ano kasi-“ Napurnada ang pagsasalita nito nang lumitaw si Haime.
“Guys, be ready. Malapit na tayo mag-start,” mala-emperor nitong mando. Walang kagatul-gatol na nagsisunuran dito ang mga miyembro ng banda.
“I’ll be back later,” assurance ni Reijan.
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
You'd be like Heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last love has arrived and I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you….
The band played their rock version of “Can’t Take my Eyes Off You”. Hansen whole heartedly proposed to Doc Penpen in public. Natutuwa siya para sa dalawa dahil at last ay alam na niyang masaya ang mga ito sa piling ng isa’t-isa. Malamang ay nagwawala na siya sa mga oras na ito kung nagkataong hindi pa siya naka-moved on. Saka na lang siya mag-iisip kung pa’no naman ngayon makakapag-move on kay Reijan. Sa ngayon, susulitin niya muna ng todo-todo ang pagkakataong pwede pa siyang mangarap. Patuloy niyang pinapalakpakan ang banda. Kahit kalian ay magaling talaga ang mga ito.
NATAPOS din ang concert. Lahat ay umuwing sulit ang ibinayad sa ticket. 30 percent ng kinita sa concert ay mapupunta sa charity. Natutuwa talaga siya habang pinagmamasdan sina Hansen at Doc Penpen habang buhat-buhat ng una ang anak sa soon to be wife nito. Iginawad ni Hansen ang halik sa noo ni Penpen at sunod naman nitong hinalikan ay ang noo ng bata. Gustung-gusto niyang panoorin at pakinggan ang dalawa nang biglang sumulpot si Reijan galing sa likod niya at tinakpan ang kanyang tenga. Lumipat ito sa harap niya at talagang hinaragan sa paningin niya sina Hansen habang tinatakpan pa rin nito ang tenga niya.
“Ano pa’ng silbi n’yan kung naririnig ko naman lahat,” wika ni Diane. “Hay, this place is full of idiots.”
Tinanggal na ni Reijan ang kamay sa tenga niya pero nananatili pa rin itong nakahara. “I’m kinda worried,” sabay lingon kina Hansen.
“Dapat nga matuwa ka sa kanila,” aniya.
“No, it’s not that. Baka kasi- alam mo na,”
“Mali ‘yang nasa utak mo.”
“Sure?” paninigurado ni Reijan.
“Ahuh.”
“So, you’re okay?” Inilapit nito ang mukha sa kanya just to make sure kung nagsasabi siya ng totoo.
Wow parang kissing scene! Bet ko ‘yan! Sabi niya sa sarili. Kinakabahan na naman siya. “A-ang kulit din ng lahi mo ‘no? Okay nga sabi ako eh. Tingnan mo o. Okay ako. Okay?” Pinandilatan pa niya ito.
“Hmm, mukhang okay ka na nga. Nagtataray ka na ulit eh. Sa’n mo gusto kumain?” tanong nito. “May sasabihin ako mamaya.”
“Kahit sa’n basta mahal, tapos mauubos ang pera mo. Maluho akong ka-date,” biro niya. Kahit sa’ng fishball-an pa siya dahil ni Reijan ay talaga namang sasama siya ng buong puso. At buong emosyon din niyang uubusin ang lahat ng fisball na tinda kahit pa magkalasug-lasog ang bituka niya dahil sa empatso.
Tawa lang ang naging reaksyon ni Reijan. Nag-ring ang phone nito. “Hello? . . . anong problema? . . . hindi ka istorbo, okay lang . . . I’ll be there in just a few minutes. Hintayin mo ako d’yan, Gorgeous.” Natapos na ang conversation nito sa cellphone.
Napawi na parang bula ang pagka good mood ni Diane. Reijan faced her with a guilty smile. “Kailangang-kailangan ako ni-“
“Sandra,” dinugtungan na ni Diane ang sasabihin nito. Hindi niya naitago sa tono ang pagkadismaya. “Yeah, I know. Hindi tayo tuloy. Sige na, baka mainip pa ‘yon.” Pakiramdam niya parang hiniram niya lang si Reijan.
Nagaalangan pa ring umalis ang binata. “I’ll be back. Ako na maghahatid sa’yo,” pangako nitong pampalubag loob lang.
“Kahit ‘wag na.”
Naglakad papalayo si Reijan ngunit patuloy pa rin ang sulyap nito sa kanya.
NAIWAN siyang nag-iisa. Ngayon na nga lang niya gustong sulitin si Reijan, napurnada pa.
“Hatid ka na namin?” tanong ni Drexcel. “Pagpasensyahan mo na. Matulungin lang talaga ‘yon.”
“Nagaambisyong maging superhero, hindi naman superhero,” singit ni Yohann. Kapwa mga walang bitbit na “kalaguyo” ang mga ito.
Mahal nga n’ya kasi. Pag-uuntugin ko na talaga kayo.
“Kung gusto mo, sa’min ka na lang sumabay ni Ayame,” alok ni Choi habang patuloy pa ring nakalingkis dito si Ayame.
“Pero bawal mong titigan o amuyin ang Prince Charming Hanilabidabs ko ha. Kahit anong klaseng molecules at atom na galing sa kanya hindi mo pwedeng tingnan,” kondisyon naman ni Ayame.
“No need. I brought my wheels.” Makakaistorbo pa siya sa mga ito. Masyado nang sira ang mood niya para pagselosin pa si Ayame.
“Gano’n ba. Sigurado ka ha? Eh ‘di sisibat na kami. Babay,” paalam ni Yohann sabay kaway.
Matamlay na kumaway din siya sa mga ito.
Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mong lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man, ako’y nasasaktan
Ang katotohanan, ay mahal pa rin kita….
Patuloy na umaalingawngaw sa kotse niya ang isang lumang kanta na sumikat noong 80’s. Hindi niya alam kung talagang nananadya ang kantang iyon o nangiinis lang.
“Bakit ba iniinis ako ng lahat?! Leche. Go to-“ Patuloy pa sana siya sa pagpapalatak nang isang puting Innova ang bumangga sa bumper niya. Medyo nahilo siya dahil sa lakas ng impact pero okay naman siya. Iniwasan muna niyang bumaba ng kotse. Tinawagan niya si Reijan pero walang sumasagot. Minumura na siya ng isang babaeng mayaman sa bilbil at kinakatok na rin nito ang bintana ng kotse niya pero hindi pa rin siya bumababa hangga’t wala siyang nakukuhang sagot mula kay Reijan.
“Puta! Sinabi na’ng bumaba ka eh! Anong gusto mo? Sabunutan na lang!” Patuloy na tungayaw ng babaeng mukhang kayang-kaya siyang lamunin ng buo.
Sa tingin niya ay wala na siyang pag-asa para ma-contact pa si Reijan kaya bumaba na siya upang harapin ang babaeng Dugong.
Dahan-dahan niyang tinaggal ang shades at naturalamenteng tumaas ang kilay niya. “Do you know how to act in an educated way? Para kang nagwawalang inahing baboy. Oh God, what’s happening to animal kingdom?!” Pang-aasar niya lalo dito at lalo din naman nagtutungayaw ang babaeng suot ang naglalakihang gold earrings at malaking kwintas na mukhang nasungkit lang nito sa buddhang estatwa. Sa tantya niya ay puro peke pa ang mga iyon. Mukha rin itong wakwak dahil sa supposedly soft curl na sabog-sabog nitong buhok.
Ang lakas pa ng loob mag-mini skirt eh mukhang hamon naman ang binti! Nakakakilabot!
“Excuse me. You’re the one who hit my car tapos magwawala ka d’yan?” Akala siguro ng babaeng ‘to makakaya-kaya siya nito. Malaki ka lang!
“Ikaw ‘tong tatanga-tangang pahara-hara!” Makakatikim na sana siya ng sapak mula sa malalaki nitong braso nang pigilan ito ng kamay ni Yohann. Nakita niyang ipinark ni Drexcel sa gilid ang kotse nito at saka bumaba.
“Miss Beautiful, ‘wag ka namang padalus-dalos,” preskong saad ni Yohann.
Nakilala ito ng dambuhalang wakwak. “Hindi porque artista ka pagbibigyan ko na ‘yan.”
“Baka naman pwede na lang natin daanin ‘yan sa magandang usapan,” pakiusap ni Drexcel. Nakahinga siya nang maluwag nang sumaklolo ang mga ito. Rambol ang aabutin niya sa babaeng damulag na iyon kung nagkataon. Saka lang rumisponde ang mga pulis nang makita sina Yohann at Drexcel.
“TENKYU Kuya Excel. Pakisabi na rin kay Miss Pae Yong seksi, pa-kiss,” biro ni Yohann sabay saludo sa kaibigan nitong pulis. Na-solve din ang kaso niya. Lumabas na ang babaeng wakwak ang may kasalanan dahil ito naman talaga ang bumangga. Ngayon ay ito pa ang pagbabayarin ng damage.
“No problem b’ro. Para sa’n pa’t kapatid ka ni Lanlan.”
“Sumisipsip ka ‘no?” pambubuko nito.
Tatawa-tawang nagkibit-balikat lang ang papable na pulis. “Medyo.”
“Anong kiss-kiss ‘yang naririnig ko? Handa ka bang maghimas ng rehas?” pananakot ni Chief Superintendent Pauline Elena Yong o mas kilala bilang Pae Yong habang pinapaikot sa daliri ang posas. Hinagis nito ang posas at mukhang si Yohann ang puntirya nito. Handa nang umilag ang binata ngunit balewalang sinalo lang ulit iyon ni Pae Yong at tatawa-tawang pinaikot ulit iyon sa daliri. Ito ang hepe sa presinto nina Excel.
Nandoon ang buong miyembro ng Thunderkizz, si Mhiel bitbit ang anak nitong si Hamiel, at ang mala-haring si Haime. Si Reijan lang ang kabukod-tanging wala doon.
“Hay naku, Diane. Sinabi nang maghinay-hinay ka sa pagda-drive. I won’t tolerate this kind of stupidy.” Nakapameywang na sermon ni Mhiel. “You’re already twenty kaya matuto ka nang maging responsable. Anong isasagot ko sa mga magulang mo ‘pag may nangyari sa’yo aber? Have you ever thought of that?”
“You sounds like me,” komento ni Haime sa tita niya. “Wala kang originality.”
Hawak-hawak ni Drexcel ang cellphone nito. Si Ayame naman ay mukhang may tama na naman ng kawindangan dahil sinusubukan nitong posasan si Choi para hindi na daw makawala.
“’Wag mo nang istorbohin dahil talagang walang balak magpa-istorbo no’n. Kung ginusto niyang pumunta, sana kanina pa siya nandito.” Pinigilan na niyang tumawag pa si Drexcel. Siguradong busy pa ang hunghang na Reijan na ‘yon kay Sandra. Asa pa siyang puntahan nito at piliin over Sandra. Aray na naman. Buti pa nga sina Yohann na kahit wala nang ginawa kundi mang-asar ay nariyan para sa kanya samantalang si Reijan, ni anino wala dahil kay Sandra niya.
Nagkatinginan lang ang mga ito. “Oops, may naamoy ata akong LQ dito,” wika ni Hansen. Matapos nitong ihatid sina Penpen ay sumunod din ito sa presinto.
ILANG araw nang gustong makipagkita sa kanya ni Reijan pero hindi ito nagtatagumpay. Patuloy niya itong dinededma sa mga text, email, at phone call. Sa tuwing pumupunta ito ng bahay at sa Zeus Apollo Manila University ay nagtatago talaga siya. Mas mabuti nang gano’n ang sitwasyon nila. Kailangan na niyang simulang kalimutan ito kaysa masaktan lang siya ng masaktan. Wala sa bokabularyo niya ang magpakamartir and she won’t let anybody hurt her even more.
Kelangan niya ng mabuting outlet kaya naisipan niyang puntahan si Hansen sa Pontez Building. Nakita niya ito sa mismong bukana ng building. Hindi niya napigilang mapahikbi at kaagad siyang yumakap dito. Napuna niyang natigilan ito sa ginawa niya. Gusto niyang magdrama sa araw na ito kaya walang makakakontra sa kanya.
Napansin niyang nagtaka ito. “Tahan na. Bakit ka ba umiiyak?” tanong nito.
“Hansen, unfair ba talaga ang mundo?” tanong niya dito.
“Hindi naman sa ganon…Ah..eh…Life is fair. Ang mga tao lang ang unfair kaya iniisip natin na unfair ang mundo,” sagot nito.
“Bakit gano’n? No’ng minahal kita, mahal mo naman si Penpen. Si Yohann, kay Quency naman talaga siya. Si Drexcel, may Rozuka, and even Choi na magiliw na tinatanggap iyong mga pulot na binibigay ko, Prince charming chuchu naman ni Ayame. Kung fair ang mundo, nasa’n ang para sa akin?” Kumalas ito sa pagkakayakap niya. Nahalata din niyang masama ang tingin ng receptionist ng building. Ito marahil ang dahilan kaya kumalas si Hansen. Masama nga namang makita ang may-asawa na kayakap ang isang maladiyosang babae.
Nagbigay ito ng isang kapaki-pakinabang na advice sa kanya. “Alam mo, Diane love comes in a perfect sequence of love script.
Darating iyon sa ‘yo sa tamang eksena, sa tamang cinematography. Maaaring matagal mo na siyang kilala o makikilala mo pa lang o bagong dating lang sa buhay mo kaya hindi mo pa napapansin.”
Lulubus–lubusin na niya ang paghingi ng payo dito kesa naman maghinga ng sama ng loob sa goldfish na wala namang pakealam sa kanya kahit lumuha pa siya ng dugo. “I’ll be honest. Si Reijan, he’s different from any guy I met before. He makes me feel that I’m sweet, I’m kind, I’m lovely, kahit na hindi naman ako gano’n.” Umiling siya. “Pero…” umiyak ulit siya at yumakap ulit kay Hansen. Sa dibdib nito siya sumubsob. “Pero, hindi naman ako special sa kanya.”
“Sino ba’ng special sa kanya?”
“Si Sandra kasi,” sambit niya.
“Si Sandra Pontez? Ano bang ginawa niya sa ‘yo?” nagtatakang tanong nito.
“Oo, siya nga. Sandra, Sandra. Puro na lang Sandra. Hindi ba pwedeng ako naman o ako na lang. Lagi na lang umeeksena iyang Sandra na iyan.”
“Pinagseselosan mo ba siya?”
Tumango siya. Wala namang masama kung magsusumbong siya ng konti. “May magbabago ba kung magselos ako?” ungot pa niya.
Kumalas si Hansen sa pagkakayakap niya ngunit inangkla naman niya ang bisig sa braso nito. “Hoy, pwede mo ba ‘ko samahan kumain? Kapag hindi ka pumayag uupakan kita. Tara.”
“Ross!”
“Diane!” Magkapanabayang sambit nina Sandra at Reijan. Halos hindi maipinta ang mukha ng dalawa habang nakatayo sa bukana ng building.
“Ross?!” Takang tanong niya.Oramismo ay naghiwalay sila.
“I’m Ross, Hansen’s identical twin.” May kakambal pala si Hansen. Kung gano’n na-wrong number siya.
Matalim na tinitigan ni Reijan si Ross. Ano’ng pinag-iinit ng pwet nito gayong sayang-saya itong kasama si Sandra? Parang pinagtaksilan ng girlfriend kung makatingin ito sa kanya. His face is asking for an explanation.
Explanation for what?! Hindi niya napigilan ang inis kaya dire-diretso siyang nagmartsa palabas ng gusali.
“Hey! Diane! Bakit mo ba ako iniiwasan? I’m trying to explain pero lagi mo namang kinokontra. No’ng malaman ko ‘yong nangyari sa’yo, pinuntahan kita kaagad. Sinubukan din kitang tawagan but there was no response.” Hinabol pa pala siya ng tuod na ito.
Saglit siyang napatigil sa paglalakad at hinarap ito nang nakapameywang. “Response? Ang galing mo rin ano? Ikaw nga ‘tong wala eh. Halos mamuti na mga mata ko sa paghihintay pero ni alikabok mo wala akong nakita.”
“Nasa kotse ang cellphone ko kaya wala akong nasagot sa mga calls mo. Nalaman ko na lang ‘yong nangyari sa’yo kay Kuya Drex. Sandra had an over fatigue. Hindi siya makakilos kaya hindi ako nakaalis,” paliwanag niya.
“And you ignored me.”
“Madami namang tumulong sa’yo ‘di ba?”
“Dati basta ka na lang sumusulpot when I needed you kahit wala naman akong sinasabi. Tapos kung kelan ako umasang dadating ka, saka ka naman wala. Sabagay, hindi mo naman obligasyong magpunta,” tahasang saad niya.
“Bakit mo niyakap si Ross?” agad na tanong nito.
“Yayakap-yakapin ko si Ross hangga’t gusto ko.” Mapang-asar na ngiti ang iginawad niya dito at saka niya ito tuluyang tinalikuran.
“Diane!” tinawag na naman siya ni Reijan pero sa puntong iyon ay wala na siyang lakas ng loob para lingunin pa ito. Mukhang umurong na ang lahat ng tapang niya.
Mahal kita pero mahal mo naman si Sandra, kaya sorry na lang ako, aniya sa isip.
CHAPTER EIGHT
“ISANG matamis at nagpupugay na tagay para kay Reijan beybs, ang bigotilyong kilabot ng kolehiyala at tinitingala ng mga kalalakihan! woohooh! Kampay-kampay!” Naabutan niyang nagtataasan na ang mga baso ng Thunderkizz at sabay-sabay na tumungga. Kakatapos lang ng binyag ng anak ni Hansen kaya naisipan ng mga itong mag-inuman session. Tinaon niyang kaaalis lang ni Reijan at ng Infinity band upang hindi sila magkasalubong ng landas. Ilang linggo na rin niya itong hindi nakikita. Nami-miss na niya ito ng sobra pero sinasadya niya talagang iwasan ito, para na rin sa ikabubuti ng pagmu-move on niya.
“Ano na namang kalokohan ‘to?” aniya sabay upo at nakitungga na rin.
“Oi, oi, may bago akong math equation. Alak plus alaala ng nasayang na pag-ibig equals wasak na wasak! Whooohooh!” Pagmamalaki ni Ayame. Mukhang kagaya niya ay sawi din ito. “Relate na relate ka ba Diane?” panggagatong nito sa nabitin niyang pag-ibig na panis. “O kampay!”
“Bakit naman kasi ang manhid ni Rozuka?” Narinig niyang tanong ni Hansen.
“Hindi manhid ‘yon. Hindi lang niya ako mahal ‘tol,” malungkot habang tumatawang sagot ni Drexcel. Bigla namang hinablot ni Yohann ang paa ni Drexcel at hinaplos-haplos iyon.
“Hay, Quenshy. Ano pa ba’ng kelangan kong gawin para sha’yo? Mahal mo ako, mahal kita, mahal ko shi Drexcel, Hanshen, Reijan beybsh, Ayame. Mahal ko kayong lahat!” Sabog-sabog na wika nito sabay halik sa sakong ng paa.
“Mahal din kita pare.” Pinag-trip-an na lang ni Drexcel ang pagkalasing ng kabarkada habang nakahambalang ang paa nito sa pagmumukha ni Yohann.
Kaagad na inilayo ni Yohann ang paa. “Puweh, ba’t lashang kalyo?” reklamo ni Yohann. Sabay-sabay na naghagalpakan sa katatawa ang Thunderkizz.
Napailing na lang siya sa asta ng mga ito. Mas mukhang nakatira ng droga ang banda kaysa nakainom ng alak.
“Nakakadiri talaga kayong dalawa,” biro niya kina Yohann at Drexcel.
Inihagis sa kanya ni Ayame ang microphone. “”Kaw naman kumanta. Pagod na’ko.”
Basta na lang siya nagpipindot sa videoke. Mapapa-rap siya ngayon sa kantang Stupid Love.
“Nang ma-inlab ako sa’yo kala ko’y pag-ibig mo ay tunay, ngunit hindi nagtagal lumabas din ang tunay mong kulay…. Love, soft as an easy chair,”
“Istuped!” sabay-sabay na kanta ng Thunderkizz.
“Ayame! Halika nga dito.” Seryosong mando ni Choi. Kakadating lang nito at mukhang hindi nagustuhan ang nakita nitong pagkalasing ni Ayame. Nang hindi sumunod ang dalaga ay pinasan ito ni Choi sa balikat na parang sako lang ng bigas.
Nang-um-exit na ang dalawa ay ipinagpatuloy na nila ang pagkanta. Lalo tuloy siyang naawa sa sarili. Okay lang na malungkot siya, basta lagi naman siyang maganda. Pero bakit gano’n, buti pa si Ayame, halatang mahal na mahal ni Choi. E siya? Siguradong walang Reijan na susundo sa kanya.
“Diane! Bakit nagpunta ka dito?” Natigilan siya sa pagra-rap nang marinig ang boses na ‘yon na dahilan ng pagdudusa niya ngayon. Nilingon niya ito at bakas dito na hindi nito nagustuhan ang nakikita. “Iuuwi na kita.” Kinuha nito ang microphone at inihagis kay Hansen. Maagap naman iyong nasalo ng huli. “Sibat na kami.”
“Reijan beybsh! Kadadating mo lang ulit, uuwi ka na?” makulit na tanong ni Yohann.
“Sinundo ko lang si Diane,” sagot nito. “Umalis lang ako saglit, inungusan niyo na ako. Mga bantay-salakay,” biro nito.
“Baka kung ibang chicks pwede pa. ‘Yang si Diane? Nakow! Tsk, tsk.”biro naman ni Drexcel.
PATULOY pa ring walang kaimik-imik na hila-hila ni Reijan ang kamay niya palabas ng bahay ni Hansen. Siya na mismo ang kusang kumawala sa pagkakahawak nito. “Babalik ako do’n,” wika niya. Tinalikuran niya ito. Sa halip na pabayaan siya ay hinawakan ulit nito ang kamay niya.
“Puro mga lalaki ang nando’n.”
“So? Kareyp-reyp naman ako.” She started to feel a little dizzy. May tama na siya ng tinira niyang alak kanina. Yumuko si Reijan at marahang binuhat si Diane sa likod nito. Wala na siyang nagawa kundi magpabuhat dito dahil matutumba na siya sa pagkahilo.
“Bakit sa kanila nagpapakita ka? Samantalang ako iniiwas-iwasan mo? Kung hindi pa nagtext si Kuya Drex, hindi ko malalaman na nagpunta ka do’n,” sumbat nito.
“E kasi nga, nami-miss na kita kaya gano’n. Araw-araw gusto kitang makita. Araw-araw gustung-gustong ko marinig ‘yang nakakabuwisit mong boses. Araw-araw nami-miss ko ‘yang sintunadong baduy mong kanta. ”
Natahimik si Reijan sa sinabi niya. Patay, nawawalan na ng control ang bibig niya. “Talaga? Miss mo na ako?” Hindi niya maintindihan kung guni-guni lang ba niya iyon o talagang natutunugan niyang tuwang-tuwa ito sa sinasabi niya. Patuloy pa rin ito sa paglalakad habang buhat-buhat siya.
“Oo nga sabi eh! Ang gulo mo, ay, ako pala ang magulo hehe.. hik!” Umiikot na ang paningin niya. Grabe pala ang tama ng The Bar na iyon, matagal-tagal bago malaman na may sapi kana ng alak. “Kumanta ka nga. ‘Yong magandang sintunadong kanta,” aniya.
Malugod nitong pinaunlakan ang panti-trip niya dito. “Ehem, ehem . . .Whooooahhh!!! and she never gives out!!! and she never gives in!!! She just changes her mind!!, then she'll carelessly cut you and laugh while you're bleeding!!! but she’ll bring out the best and the worst you can bbbeee!!! Blame it all on yourself 'cause she's always a woman to mmmeee!!”
“Ayoko n’yan! Kay Sandra ‘yan eh,” maktol niya.
“Ha? Anong kay Sandra? Akala mo para kay Sandra ‘yon? Para sa’yo ‘yon,”
“Weh? Ah basta. May bahid na ‘yan ni Sandra. Yuck, iba na lang,” pagpipilit niya.
“Ehem . . .She’s cool and she’s cruel but she knows what she’s doinggg!! What can I do, I do anything for herrr!! Because she’s bitter sweet she knocks me over my feet!! and I can’t help myself I don’t want anyone else!! She’s a mystery she’s too much for me, but I keep comi’n back for mo-ho-hor!!! she’s just the girl I’m looking fo-horrr!!!” sintunadong kanta nito ng Just the Girl ng The Click Five.
“Isa pa!” hirit ni Diane.
“Isa pa? Okay. Anong kailangan kong gawin upang malaman mo-hong!!! Ikaw ay minamahal kooo!!! Kailangan ko’y katulad mo sa buuu-hay kong ito-hong, nag-iisa lang sa muun-do! Dati’y nasaktan na ako, takot nang magtiii-walaaa! Ayoko na sanang umibig pa haaa! Ikaw talaga’y ibang ibaaa, sa la-haat ng nakilalaaa!! Sana ay iiikaww na ngaaa!!!” Isang lumang at baduy na kantang themesong dati ng telenovela ang sintunadong kinanta naman nito. Lumabas tuloy ng post ang security guard ng subdivision at lumingon-lingon sa paligid. Marahil ang akala nito ay may nagwawalang lasing. Sa labas ng subdivision naka-park ang kotse ni Reijan.
Lalo ata siyang nalasing sa birit nito. “Do you really, really hate me?” seryosong tanong nito.
Hindi na naman niya napigilan ang sariling umimik. “Hik! Oo, badtrip ka kasi mahal kita! Hik! Narinig mo? Mahal kita. Mahal kitang pulgas ka. Pa’no ba kita kakalimutan? Alam mo ba? Puwes ako hindi. Kaya badtrip ako sa’yo. Badtrip kaaa!” hiyaw niya sabay subsob sa likod ni Reijan. Tuluyan na siyang nakatulog.
SUMASAKIT pa rin ang ulo niya dahil sa hang over ng inuman session kagabi. “Ate Diane, wake up po.” Kasalukuyan siyang nasa kama at niyuyugyog ng makulit na pinsang si Hamiel. Anak ito ito ni Mhiel. “Sabi po ni Kuya Reijan maghihintay siya sa baba.” Nahulasan ang hang over niya dahil sa pangalang Reijan.
“Nandito siya sa bahay?” gulat na tanong niya. Medyo naaalala pa niya ang mga pinagsasabi kagabi kaya hiyang-hiya siyang harapin ito. Tumango lang ang bata.
“Sinabi mong nandito ako?” Umiling ito.
“Eh si Yaya?”
“Kausap po boyplend niya sa phone kaya ako na lang umakyat.”
“Sabihin mo kay kuya, masakit ang ulo ni ate. Ayaw ko siya makita.”
“Sayang, ang dami niyang dalang flowers.”
“Masakit talaga ang ulo ni ate,” pagsisinungaling niya sa bata.
“Ok po.” Umalis na ito ng kuwarto at nanatili siyang nakatalukbong ng kumot. Hindi pa siya handang harapin si Reijan matapos ang mga pinagsasabi niya kagabi. Isinusumpa niya ang The Bar.
Nakatanggap siya ng isang text message galing kay Reijan.
I hope I could see u soon. I hav to tell u something very mportant. Gus2 ko sbhn ng personal kaya hndi ko masabi2. Pagaling ka my princess.
Hala, mababasted na ata siya. Lalong nakadagdag iyon sa sama ng pakiramdam niya. Mabuti na lang pala at hindi niya ito hinarap ngayon dahil siguradong masasawi na naman siya.
“Pa’no na ‘yan goldfish? Hindi pa ako handang ma-basted ng live,” nagaalalang sambit niya sa lumalangoy-langoy at walang pakialam na isda.
Nag-dial kaagad siya sa cellphone. “Hello Ross? May isusumbong ako.” Simula nang magkakilala sila ni Ross ay ito na ang nagging sumbungan niya tungkol kay Reijan. Ikinuwento na niya ng buo ang aksidenteng pagtatapat niya kagabi.
“Ni hindi mo inalam kung anong nararamdaman niya para sa’yo?” tanong nito sa kabilang linya.
“Kasi naman natatakot akong marinig na hindi niya ako mahal. Ang sakit kaya no’n,” aniya.
“Dapat pinakinggan mo muna siya kung totoo ba ‘yang nasa isip mo. Mahirap kasi na conclude ka lang ng conclude,” kontra nito.
“Ay, ewan. Ang gulu-gulo,” bulalas niya.
“Nga pala, may mountain climbing ang Thunderkizz sa Mt. Makulot. Sama ka?” alok nito.
“Ando’n si Reijan?” gusto niya itong iwasan hangga’t maari.
“Hmm, wala.”
“Ok, count me in.” Gusto niya munang magtanggal ng stress. Nauso pa kasi ang pesteng lab-lab na iyan.
“CHOI, monster!!” ani Ayame sabay turo sa kanya.
“Pa’no ba ‘yan Ayame, we’re gonna visit your dearest home.” Pambubuska na naman niya habang nakatingin sa bundok.
Kanya-kanyang partner ang mga kasama niya. Si Yohann na no’ng isang araw lang ay sawing-sawi, ngayon ay kasama na nito si Quency. Si Hansen, syempre kasama ang asawa nitong si Doc Penpen. Si Drexcel, mukhang pinagpilitang isama si Rozuka at may extra baggage pang Mhon na ex-boyfriend nito. Samantalang si Ross naman ay may ka-partner din na Sandra. Mukhang may LQ pa ang dalawa kaya sa kanya nakadikit si Ross.
“Bakit ang tagal-tagal natin dito? Nauunsiyami ang pagkadiyosa ko. Sino pa ba’ng hinihintay?” tanong niya. Lihim na nagkangitian ang mga kasama niya.
Humihingal na dumating si Reijan bitbit ang malaking bag. “Sorry, guys. May hinatid kasi akong matanda sa kabilang kalsada kaya natagalan ako. I hope its okay with you.”
“Siya tara na mamundok. Yahoo!!” hirit ni Yohann.
Namutla siya nang makita si Reijan. Siya ang unang umiwas ng tingin nang magtagpo ang mga mata nila. Akala niya ay sa kanya ito lalapit ngunit lumagpas ito at kay Sandra tumabi.
Ayan, assuming ka kasi, sisi ni Diane sa sarili.
“WALANG magagawa ‘yang pagtingin-tingin mo Diane,” ani Ross. Napansin pala nitong tila laser ang titig niya kina Reijan at Sandra.
Magpagulung-gulong sana kayo pababa! Ngitngit niya.
Nasa unahan kasi ang dalawa habang kasunod sila ni Ross. “Hindi ka na naawa sa mga sangang kinapitan mo,” dagdag pa nito. “May kaluluwa din ang mga ‘yan.” Nang sulyapan niya ang dinaanan ay puro putol ang sangang kinapitan niya.
Nanlalambot na ang mga binti niya dahil sa pagod. Tuloy ay nagsisisi na siya kung bakit sumama-sama pa siya sa bundok na iyon. Lalong nadadagdagan ang pagod niya dahil sa pagdikit-dikit ni Sandra sa irog niya.
“Pagud na pagod ka na ba my dear Ross? Don’t worry, ako na magpapahid ng pawis mo sa likod,” pagpaparinig niya kay Sandra. Nakita niya sumama ang tingin ng isa sa kanilang dalawa. Napatingin din si Reijan ngunit pinigilan ito ni Sandra.
“Reijan kuyut, ang dumi-dumi na ng damit mo. Ang dami kasing nakakadiring alikabok sa paligid,” pagpaparinig naman nito habang pinapagpag ang damit ni Reijan.
Umalma ang kasama niyang si Ross. As usual, umuusok ito sa selos.
“My toes, my knees, my shoulder, my head! Oh, my ankle... my poor ankle!” pag-iinarte niya. Habang nakasandal sa walang kamalay-malay na kasama niya.
Nakita niyang napapailing na lang si Sandra sa inis.
“Ay naku, Diane. Bahala ka na nga diyan sa buhay mo. Reijan, ikaw na nga bahala dito,” sabi ni Ross.
“Uy, pa’no naman ako?” angal ni Sandra.
“Pagtityagaan na lang kita,” tugon ni Ross. At balak pa siyang iwanan ng magaling na lalaking ito?
Binilisan ni Sandra ang paglalakad. Dali-dali namang bumaba si Reijan at nakangiting lumapit sa kanya.
“Di bale na lang, kaya kong mamundok ng walang taga-alalay. Hindi katulad ng isa diyan, nag-iinarte pa.” saad ni Sandra.
“Ross, my dear. Pakisabi nga diyan sa kasama mo na kung naiinggit siya e di mag-inarte din siya. Palibhasa kasi, bitter siya sa break up ni’yo kaya siya ganyan,” pang-aasar niya dito.
“Reijan, pakitulak nga sa bangin ng isang maingay diyan para mabawasan naman ng burden itong kabundukan na ‘to. At saka-” Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil kay Ross.
PATULOY na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Reijan. Malayo na ang mga kasama nila dahil pinagpahinga muna siya nito.
“Diane.” Sa wakas ay ito na ang bumasag sa katahimikan nila.
“Ano?” Kinakabahan na siya sa mga susunod na sasabihin nito. Maba-basted na ba siya?
“What you’ve said the last time we met . . . totoo ba ‘yon?” nag-aalangang tanong nito.
Natulala siyang bigla. Daig pa niya ang namatanda. Anong sasabihin ko?
“Ah, eh, hahaha! Naniwala ka naman?” Natatarantang pinaikot niya ang cap ng bote ng mineral water na hawak niya.
Lumungkot ang anyo ng mukha nito. “I love you, Diane. Even if you are not feeling the same way.”
Napanganga siya sa sinabi nito pero kaagad niya binawi iyon. “O ngayon, sinasabi mong I love you para hindi ako mapahiya? Kasi kapag hindi mo ‘yon sinabi masasaktan ako? Tama na Reijan. Kahit isang beses lang, magpakatotoo ka naman.”
“I’m telling the truth. Ikaw, nagsasabi ka ba ng totoo?” anito.
“O-Oo.” Todo guwardiya siya sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pa’no kung sinasabi lang ‘yon ni Reijan para hindi siya masaktan? Pa’no kung ayaw lang nitong makasakit ng ibang tao? “I don’t love you, get lost.”
Natigilan si Reijan sa sinabi niya. Waring hindi nito inaasahan ang mga katagang binitiwan niya. Nang makabawi ito sa pagkabigla ay saka ito nagsalita. “Okay.”
Pareho na naman silang natahimik. “Pero bago ako mawala sa buhay mo, dito muna ako sa tabi mo hangga’t hindi tayo nakakababa ng bundok. Magtiis ka munang kasama ako,” nanginginig na wika nito at saka naglakad palayo. “Kukuha lang ako ng tungkod mo para hindi ka mahirapang umakyat.”
NANG marating nila ang campsite ay agad na tumabi siya kay Ross at nagsumbong na naman.
“Nasa palad mo na, naging bato pa. Ano ka ba naman Diane,” sermon ni Ross habang pareho silang naka-indian sit sa sulok ng campsite. “Tingnan mo nga si Reijan o, hindi ka ba naaawa?” Lumingon siya sa puwesto ni Reijan. Wala itong kibo at tahimik na nasa sulok. Naka-isolate ito sa mga kagrupo at mukhang walang gana makipagkulitan. Na-guilty tuloy siya sa nasabi.
“Anong gagawin ko?” tanong niya. Sobrang nagi-guilty siya.
“E ‘di kung ano ‘yong gusto mo talagang gawin. Palibhasa kasi, puro ka na lang depensa sa sarili mo. Dahil sa kakadepensa, hindi mo alam na nakakasakit ka na ng iba. You made the situation worse, Diane. Kung tutuusin madali lang ang sitwasyon niyo, sobrang takut na takot ka lang.”
HANGGANG sa pagbaba ng bundok ay nasa tabi pa rin niya si Reijan ngunit hindi ito nagsasalita. Wala na ang ngiti nito na kanina ay abot tenga. Wala siyang nagawa kundi ang tumahimik na rin. Idinaan na lang niya sa pang-aasar kina Ayame, Sandra, at Quency ang problema sa pag-ibig niyang palpak.
CHAPTER NINE
Maghapon niyang tinititigan ang cellphone habang nasa biyahe papuntang probinsya. Nag-sign up siya para sa mission ng isang organization sa school na tulungan ang mga nasalanta ng landslide dahil sa sunud-sunod na bagyo. Kung dati ay todo-todo at araw-araw kung magpadala ng messages si Reijan, ngayon ay wala ni isang dumadating. Tinotoo nga nito ang pag-alis sa buhay niya na siya namang pinagsisisihan niya. Isang buwan nang ganoon ang eksana nila. Nag-type siya ng mensahe para dito.
Hi. Habng buhy mo n b akong iiwasn? I hope ur hir.
Wala siyang natanggap na reply mula dito.
MAHABA-HABA din ang naging biyahe nila. Kasama si Quency ay namigay siya ng mga relief goods sa mga bahay-bahay at evacuation center. Hindi hadlang sa kanila ang lakas ng ulan dahil ang mahalaga ay makapagbigay sila ng tulong para sa mga kababayan na nangangailangan. Saglit na napahiwalay siya dahil kanina pa niya narinig ang ungol ng isang maliit na kambing. Sinundan niya ang tunog nito at nakita niyang nakasabit ito sa isang styropore habang inaanod ng baha. Naawa siya sa hayop kaya kumapit siya sa isang sanga at pilit na inabot ang kambing. Konti na lang ay kayang-kaya na niyang hablutin ito kaya umusod pa siya ng konti. Sa malas ay dire-diretsong nag-slide ang suot niyang bota kaya natangay siya pababa.Naabot niya ang maliit na kambing at niyakap ito. Isang kamay na lang niya ang nakahawak sa sanga. Hindi niya alam kung paano iaangat ang sarili. Delikado na iyon para sa kanya dahil umaapaw na at bumibilis ang daloy ng baha.
Diyuskupo, mamatay ata akong hindi nakakapagtapat kay Reijan. Pa’no na sina Tita Mhiel at Hamiel? Wala nang mang-aasar kina Ayame. Hindi na sila mabubuwisit. Pa’no na ang kagandahan ko? Goodbye world.
Malapit nang mabuwal ang sanga kaya napapikit na lang siya sa pangit niyang katapusan.
“Humawak ka sa’kin!” Nagmulat siya ng mata at nakita ang pursigidong si Reijan na hilahin siya pataas. Malapit na rin itong madulas sa kinalalagyan niya.
“Bitiwan mo na nga ako. Madadamay ka pa!” sigaw niya. Kung mamamatay din lang siya, hindi na niya idadamay pa ito. ‘Yon na lang ang magagawa niya para kay Reijan.
“Ano ka ba?! Sa tingin mo kaya ko ‘yon?!” sigaw nito.
“Puwes ako, kaya kong mamatay mag-isa.” Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak nito. Sa halip na pakawalan siya ay binitawan ni Reijan ang hawak sa isang sanga at ihinawak sa kanya ang isa pang kamay. Ngayon ay wala na itong suporta kaya dumausdos ito. “Anong ginagawa mo? Sira ka!” galit na wika niya dito.
“I know!”
Pareho na silang matatangay na sana ng baha nang may maghagis ng lubid. Madaling kinapitan ito ni Reijan habang yakap-yakap siya sa beywang.
“Kapit lang kayo ng mahigpit!” sigaw ni Yohann. Lumalakas na naman ang ulan kaya halos hindi na sila magkarinigan. Sama-samang hinila ng Thunderkizz ang lubid kasama ang mga rescuer.
TAGUMPAY na nailigtas sila sa tulong ng Thunderkizz at kasamahan nina Chief Superintendent Pae Yong. Noong magtext pala siya kay Reijan ay pinagtanong nito kung nasaan siya at saka niyaya ang Thunderkizz na kagagaling lang sa isang mall tour para sundan siya.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ang ganoon. Niyakap siya ni Reijan nang mahigpit. Ramdam niyang nanginging ito. Nakita niya rin na may gasgas ang mga kamay nito sanhi ng pagkaka-kapit nito sa sanga at lubid.
“May sugat ka ba? Okay ka ba? ‘Yong pakiramdam mo masama ba? Dalhin na kaya kita sa hospital? Sandali, tatawagin ko lang si Doc Penpen,” nanginginig pa rin ang boses at mga kamay nito habang nag-da-dial sa cellphone. Pinigilan niya ito.
“’Wag na, okay lang naman ako. Ikaw ‘tong puro sugat ang kamay.” Kinuha niya ang kamay nito ay hinawak-hawakan iyon.
“Sigurado ka? Nagugutom ka ba? Teka, ikukuha kita ng pagkain. Nilalamig ka na ata, ikukuha lang kita ng tuwalya sa sasakyan. Maghahanap ako ng damit para-“
“I love you, Reijan.”
Sa wakas ay nahulasan din ang pagiging praning nito. “Ha?” maang na tanong nito.
Nabatukan lang niya ito sa inis. “Sabi ko I love you!” Hinawakan niya ang magkabilang mukha nito at saka ito inalog-alog. “Naiintindihan mo ba? I love you!”
“Ha? Ano?” Nakahalata na siyang nagbibingi-bingihan lang ito kaya nakatikim na naman ito ng masigabong batok.
“I love you nga! Isa pa’t talagang tutuluyan na kita,” banta niya.
“Masarap kasi sa pandinig. Whoohooh. O narinig niyo? Mahal ako ni Diane! Mahal ako ni Diane! Mainggit kayo!” pagmamalaki nito habang taas-baba siyang binubuhat nito na parang bata, hawak-hawak ang naka-extend niyang braso.
Pakiramdam ni Diane ay siya na ang pinaka masayang diyosa sa oras na iyon. Nakita niya kung paano natuwa si Reijan sa sinabi niya. Dapat pala noon pa niya ito sinabi.
Matapos siyang ihagis-hagis at saluhin ni Reijan ay saka ito nagsalita. Halos matunaw siya sa titig nito nang buong pagmamahal. “No’ng sinabi kong mabait ka, you never believed me. Kaya naisip ko na lang na iparamdam sa’yo na mahal kita bago ko sabihin. ‘Yon naman pala, mami-mis interpret mo at akala mo si Sandra ang mahal ko. Hindi na sana umabot sa ganito kung ipinaalam ko agad. Muntik ka pang mawala sa’kin,” anito. “You’re too busy looking for lies while truth is taken for granted. I love you with all that I am. I love you more than how much you think. And I love you just the way you are. That’s the only truth.” Masuyong siyang kinabig nito and they shared the sweetest kiss she never thought they could have.
MHEEEE!!! Umalingawngaw ang matinis na tunog ng kambing. Tinakpan ni Ayame ang mata ng cute na puting kambing.
“Bad Choi-Choi, bawal ‘yan sa kids,” sabi nito sa kambing.
“Ano ulit? Anong tinawag mo sa kambing?” paglilinaw ni Yohann.
Ngumiti nang abot tenga si Ayame at waring nasasaniban na naman. “Choi-Choi.”
“Nakupow!” reaksyon ni Drexcel. “Hansen, magkano ba ang space sa psychiatric ward? ‘Yong payward?”
“May kilalang psychiatrist si Penpen, makaka-discount tayo,” hirit ni Hansen.
Natawa na lang silang pareho sa hirit ng mga kaibigan. True friends. Akala niya nag-iisa lang siya sa mundo. Ngayon niya na-realize na biniyayaan siya ng taas ng mabubuting kaibigan, tita, pamangkin, at walang kasing bait, maunawain, matiyaga at supareijalicious na boyfriend. Ano pa ba’ng mahihiling niya? Hmm, siguro mag-rap ang goldfish niya kahit isang beses lang. hehe.
yung ibang chapters nakakalat lang dito sa filipinowriter hehe
kape+ puyat= sabog na sabog


