Biyahe

Hekto's picture
|

eto na naman

naka-apat na balik na ako

naka-walong sakay sa lrt

at naka-tatlong sakay ng jeepney

ang baho ko na

ubos na load ko

kulang na din ang pang coke sakto ko

na pigtas pa ang sipit ng tsinelas ko

pag yuko ko tumulo ang luha ko

pero hindi halata dahil sa pawis ko sa mukha

nakaka-sawa din

pero wala kong magawa

di ko kayang pigilan ang kabaliwan

sana matapos na

isa pa

wala pa rin, ganun pa rin

parang di nagbago

galing na ako dito kahapon, kanina, tapos ngayon

di ko na pansin ang ibang tao sa paligid

nakawan man ako di ko mararamdaman

patayin man ako di ko na mararamdaman

ang pait ng panlasa ko

napanis na ang laway sa mag-hapong pagnga-nga

atras

abante

dumidilim na

pero tuloy pa rin

pag huminto ako ngayon ako ang talo

di ko na mabilang ang taong pinasalamatan na di naman bukal sa loob

inabot kasi yung bayad tsaka yung ticket

ayoko ng magsalita gusto kong magkaintindihan na lang kami sa tingin

eto yung sinukli mo sakin binalik ko sayo benteng may scotch tape

natawa talsik pa laway

grabe ang init ang la-lake na ng bilog ng pawis sa kili-kili ko

tingin naman ng tingin tong ale nag pa-pacute ata

ang tagal naman

sana may mangyaring kakaiba may sumabog sanang bomba o kaya mag-bangaan yung dalawang tren

naiinip na talaga ko

ngumu-nguya wala namang bubble gum

eto din yung mama kanina parehas kaya kami ng sitwasyon?

ang ganda naman ng chic na to sana wag lumingon mukha na kong basura

bad trip naman tong babae pinapay-pay yung ticket parang tanga

nasaan na yung panyo ko? bwisit! na lag-lag natapakan pa

uhaw o gutom? malamang pareho

malapit na

malapit na

hindi! di ko na kayang lokohin ang sarili ko

sa totoo lang malayo pa

dulo-dulo

mukhang di na ko aabot

hanggang dito na lang ata ako

nakaka-pikon

wala kong napala

bigo rin pala

sana nag pasagasa na lang ako sa labas

wala kong laban dito sa loob

kasi kahit umayaw nako doon pa rin ako patungo

kung sanang lugar lang yun matagal na kong nakarating

kaso lang hindi

ayoko na

gusto ko pa

hindi ko alam.

masakit ulo

masakit tyan