"Blinds"
Hindi na naman naayos ng mabuti ang blinds sa bintana ng kwarto ko. Naiilang ako kahit na may kurtina pa ang bintana, baka kasi may sumilip e, nakabukaka pa naman ako matulog wahaha!
Habang inaayos ko ang blinds, hindi ko maiwasang tumingin sa labas, may naaninag akong anino sa di kalayuan. Napatingin akong muli baka namamalikmata lang ako, hugis tao kasi sa biglang tingin. At walang ano-anu'y naging dalawa na ang aninong natanaw ko. At sa aking pagkakatingin naging anyong tao ang mga iyon.
Pinakatitigan ko ang imaheng natatanaw, di pala siya basta anino, may dalawang tao nga sa di kalayuan, marahil sa dilim ng gabi kaya sa unang tingin para lamang silang repleksyon sa ilalim ng buwan.
"Bakit kailangang dito pa tayo magkita?"
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit."
"Paano kung may makakita sa atin?"
"Kaya dito tayo sa dilim. Di ka ba masaya sa ating pagkikita Dante?"
"Masaya ako! Miss na miss na nga kita Lando."
"I'm coming out of my cage And I've been doing just fine"
Ringtone ng cellphone ko. Dahilan para mawala ang atensyon ko sa labas. Tumigil ang pagtunog nito, missed call lang pala. Bumaling ulit ako sa labas ng bintana. Wala na ang dalawang anino, dalawang pusang itim nalang ang nakita ko.
Salamat sa blinds, nakabuo na naman ako ng isang kabaliwan. May dialogue pa! Nyahahaha! Sa uulitin, pag hindi muling maayos ang pagkakalagay ng blinds sa bintana ko baka ikaw ang susunod na bida. :D
sali ako hah!!!
mag ingat kah....heheh
keep in touch..
callie





ingat lang...
ingat lang baka sa susunod multo makita mo, o e di may ghost story ka na
check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com