Blog: Bading Ba Ang Bespren Mo?
Minsan ba sa iyong buhay ay naghinala ka na bading ang bestpren mo? Ito na ang tamang pagkakataon para i-test ang kanyang pagkabading. Paalala ito ay base sa aking survey.....
- 1. Yayain mo siyang maligo sa isang resort. Dalhin mo siya sa mataong lugar. Pagmasdan kung siya ba ay bikini watcher o trunks watcher. Aba! kung panay ang sulyap niya sa mga lalaking naka-trunks eh, magduda ka na.
- 2. Siya ba ay umaabot ng mahigit kalahating oras kung maligo? At pagkatapos maligo, maglalagay na ng mga cream sa katawan. Haharap sa salamin at magpapaikot-ikot pa. Natalo pa ang kapatid mong babae sa sobrang beauty conscious.
- 3. Sumayaw na ala-macho dancer sa harapan niya. Pagmasdan ang reaksyon niya. Siya ba ay kinilig? At panay tingin sa katawan mo. At kung ikaw naman ay babae, pagmasdan mo rin ang reaksyon niya sa mga kembot mo. Ikaw ba ay tinuturuan niya sa tamang pag-kembot. Naku! Baka gusto ka niyang turuang gumiling katulad ng sexbomb girl.
- 4. Kung ikaw ay lalaki, manood kayo ng x-rated. Sadyaing ibukol ang harapan mo. Pagmasdan mo kung sumusulyap-sulyap siya sa shorts mong bumubukol. At kung panay ang sulyap niya. Eh, maghinala ka na. Kung ikaw naman ay babae, magyaya kang manood ng sine. Panay ba ang sulyap niya sa mga lalaking nag-iisang nanonood? At kapag umihi, malamang matagal siya sa loob ng CR..... baka may sinasabayan?
- 5. Yayain mo siyang matulog sa tabi mo. Makakatulog ka nang mahimbing kung babae ka. At natitiyak ko hindi ka makakatulog kung lalaki ka. Sasabayan pa ng sandig sa iyong katawan. Kapag nangyari yon tama nga ang hinala mo.
- 6. Magpaputok ka ng isang napakalakas na paputok. Pagmasdan ang reaksyon niya. Siya ba ay natuwa at bumilib sa pagputok nito? O, napapapikit sa sobrang kaba? Kapag tumili pa, eh magduda ka na talaga.
- 7. Kung ikaw ay lalaki, yayain mo siyang maligo ng nakahubad kayong pareho. At kapag bigla siyang tinigasan, malamang feel na feel niya ang nakikita niya.
- 8. Awayin mo siya. Kapag panay ang sorry s'yo na halos lumuhod na sa paghingi ng paumanhin eh, magduda ka na. Lalo na kung ikaw ay lalaki. At kapag ikaw naman ang babae malamang matagal ang isnaban ninyo.
- 9. Tanungin mo siya. "Bakla ka ba tol?" Kapag nagalit at inumbag ka eh, lalaki yon. Kapag sinabing. "Hindi! Lalaki ako! Baka ikaw!" sabay tingin sa mga mata mo. Eh, medyo maghinala ka na. Sa mga babae naman. Kapag hinalikan ka na medyo may malisya eh, lalaki yon pero kapag nag beso beso s'yo eh maghinala ka na..
- 10. At ang pinakahuli sa lahat. Yayain siya sa inuman kasama ang kakilala mong bading. Sabi nila naaamoy ng mga bading ang kanilang mga kafatid. Aba! totoo kaya? Eh, di subukan mo.
Ang nakasulat sa itaas ay maaaring batayan lamang. Maaring minsan lang niya nagawa eh, hindi mo pa masabing bading nga ang bespren mo. Pero kung halos araw-araw eh ginagawa ang isa o higit diyan eh malamang tama ang hinala mo. At kung lahat ng nakalista diyan eh ginagawa niya hmmmm! Ikaw na ang bahalang humusga sa kanyang pagkatao. Pero tandaan... ang pagkakaibigan ay wala sa kasarian... nasa puso yan!
Tandaan! Mabuting kaibigan ang mga bading! Hindi man lahat eh, karamihan sa kanila eh, loyal na kaibigan. Aalagaan ka at hindi ka iiwan...
At ayon sa kasabihan: Ang lalaking nagigipit minsan sa bading kumakapit! Aminin!
salamat po!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
ang gaganda naman ng mga picture sa blog ninyo. Kayo po ba ang nasa pic? Sayang di kayo nakapunta sa EB....
Godbless!
Jonsd
naku!
jons, hindi ko blog ang mandayamoore-orlis ; isa lang yan sa pinakasikat na gay blog...
ganun po ba?
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
akala ko eh kayo po yon... Godbless! Salamat sa pagbahagi...
jons
suddenly...
kinati ako bigla magreply ulit. noong nasa college kasi ako sa aquinas university sa legazpi city naalala ko 'yong batchmate ko na pinagnasahan ko. sobrang linis ng katawan, at napaka-yummy. uso nung panahong 'yon ang doubleknit kaya imagine na lang the bakat during those days! kinakalambre ako tuwing zoo lab namin kasi magkatabi kami at marami siyang tinatanong, etc. hanggang sa maging superclose kami. take note, lalake pa ang exterior role ko nun para lang walang hassle sa daily life pero active ako sa nightlife. actually, pag kami lang pinapahalata ko talaga na type kong mag-experiment kami in bed! kaso sobrang naiilang siya pag gearing towards dun ang trend ng dila ko kaya holdbak muna ang bading. eh, kaso talagang sinisilaban ng singit ko sa kanya kaya minsan pinagparausan ko yong isa pang cutie classmate namin sa c.r., na in the process ay biglang pumasok yong crush ko! nabuking ko tuloy na bading siya kasi bigla siyang napatili ng mala-regine velasquez sa ending ng 'i don't wanna miss a thing'. mula nun inamin nga niyang iisa ang aming lahi!
wala lang. share ko lang. ang sarap kasing magreminisce pag ganitong maulan at ang jowa mo , eh, may inuuwiang iba... hayyyyyyyy!
wa m-do? myk psyl : ALIWAN AVENUE
napangiti naman ako sa kwento
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
nakakatuwa naman po ang karanasan ninyo... ang gandang gawan ng kwento... salamat po sa pagbahagi....
Minsan masarap balikan ang mga nakaraang alaala.....
Gandang hapon....
Jons
Hindi ko makuha ang
Hindi ko makuha ang logic nitong bading/bakla test mo p're... Una. Kung ayaw magtapat ng bestfriend mo ay bakit kelangan mo subukan 0 hulihin ito na dapat naman sana ay galangin mo ang privacy ng buhay niya. Kung ayaw n'ya magtapat ay keber ka na lang diva. Pangalawa ay baka hindi tunay ang pagtingin mo sa kanya bilang kaibigan, isa itong pagkukunwari at walang dudang kaplastikan. Siya lamang ang kumikilala sa friendship n'yo.
Hmmm. Bad ito- "Ang lalaking nagigipit minsan sa bading kumakapit!" Respetuhin natin ang nasa ganitong kalagayan, hindi bilang isang minahan ng kung ano pa man. Sulat lang!
Oo na Master!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Hindi ko rin alam... ang alam ko nagsusulat lang ako heheheeh..... Ang iba kasi mahilig magduda sa kapwa.. kaya naisip ko ito... pero minsan aminin natin na di maiwasang magtanong o magduda ang iba... Bakla ba siya? kadalasan nilang tanung kaya ito ang ibibigay kong sagot sa kanila....
Salamat... Busy ka yata Master....
jonsd
oo, dyeppri, oo
i agree with dyeppri..
and as if na malaman nga ng lalaki na bading ang bestfriend nya? una pa lang sa linya ng pagkakaibigan, hindi kayo dapat gumagawa ng pag-aalinlangan. tska ang mga magkakaibigang tunay, mga honest sa isa't isa yan.. hindi sila aabot ng bestfirends kung may tinatago silang mga ganyang bagay..
and just why? may problema ba kung totoong ngang bakla sya?
oh so nalaman ko na? hindi mababawasan ang tingin ko sa kanya dahil yon sya--dahil yon talaga sya!
jons, ingat :|
Salamat!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Sabagay may point ka diyan... Kahit ako.. di na rin magbago tingin ko sa kanya kung malaman ko na ganun siya....
Salamat.. Ingat ka din!
jons
hi pre!
may naging bestfriend din ako na bading..bukod sa saksakan siya ng arte e masarap talaga kasama. kahit anong kasarian pa yan oks lang. kahit babae o lalake may kanya-kanyang ugali. mabuhay ang mga bading!! hehe..
ayos to jons. gawa ka pa ng ganitong tema ha(all-around ka na ngayon ha hihi).
god bless.
Salamat Love!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Oo nga eh.. ginagaya kasi kita... nahahawa ako sa mga pahirit mo sa mga blog mo.. un nga lang iba ka talaga.... Idol heheeheheh....
Ingat... Sulat ka pa ha... bago ka mawala ulit eh... magpost ka muna ng isang blog ihihhihihi.....
Godbless!
Jons
hehhehehhe
KAkatuwa naman ito...Minsan talaga di maiiwasang mag taka ang mga tao at magtanong """"BADING BA SIYA??"""
Infairness sa tingin ko sa test na ito, malalaman ko Vading nga ang Lola mo, Ang chaka!!!!
Pero tama rin sila Dyeppri, pag tunay mong kaibigan wala ng kwestyukwestyunan, tanggap mo kasi iyong tao!!!!
GANDA nito ang Chaka....Ammmffff!!!!
Tama!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Saka ang kaibigan ay kaibigan.... pero di maiiwasan na ang iba ay umiiwas.... kapag nalaman nilang bading ang prend niya.. hindi naman lahat pero sa iba nangyayari.. lalo na kung magtrotropa... lalo na kung galit sa bading ang grupo....
Kung mabuking man.. at kung tunay na kaibigan eh dapat walang magbabago.... kaibigan pa rin....
salamat sa komento....
Godbless
jons
San naman galing to Jons
Ang lalaking sumusubok kung bading ang bestfriend nya, sya ang bading!! Siguro gusto nyang malaman kung type din sya nito!hahahaha
IKaw ba nag-isip nito jons?parang may nabasa akong katulad din nito??
Ingat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:
Oo naman!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Ako nagsulat.. hindi to copy paste ha..... heheheheheh
busy ka yata.... ingat na lang diyan.... idol kasi kita kaya gusto ko maka gawa rin ako ng blog heheheeheh.... kaso ibang iba talaga mga hirit mo eh.... ang galing nyong dalawa ni Love mag isip ng topic heheheheeh
jons
Totoo nga
Han..Dul..Set! Anyonghaseyo jei-ie-rum- yun Myung-Ki ipnida.
Sabi nila naaamoy ng mga bading ang kanilang mga kafatid. I have a gay friend. Kilala niya kung sino mga bading sa school namin.
Ang lalaking nagigipit minsan sa bading kumakapit. Tama. Sa bading kong friend ako umuutang ng pera. Kahit hindi ko na bayaran. Nahihiya nga ako eh.
Tandaan! Mabuting kaibigan ang mga bading! Hindi man lahat eh, karamihan sa kanila eh, loyal na kaibigan. Loyal nga sila
Pero tandaan... ang pagkakaibigan ay wala sa kasarian... nasa puso yan!
Tama!! Actually. marami na akong kaibigang bading at lahat sila utangan ko. :).
uy! salamat sa komento
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
at pagbasa....
tagal na pala akong di nagsusulat ng blog.....
oo nga eh... ako may mga kaibigan din kaso di ako nangungutang heheheheh! nahiya kasi ako!
salamat
jons
hindi mabuti gawin to sa
hindi mabuti gawin to sa bespren mo,kung talagang kaibigan ang turing mo sa kanya...
I agreed with you..
Tama kung totoong kaibigan ka dapat irespeto mo siya bilang siya, bading man siya, silahis or tomboy.. at kung totoong kaibigan ka hindi mo dapat binubulgar ang mga kapintasan niya, bagkus inuunawa mo siya at tinatanggap na tunay at totoong kaibigan.
Sabagay para sa akin napakalalim ng ibig sabihin ng salitang KAIBIGAN.. masasabi mo nga lang na tunay na kaibigan kapag nandiyan siya sa oras ng kagipitan, sa oras na kailangan mo siya, sa oras na nag hihirap ka, sa oras nang matinding pag subok nandiyan lang siya sa tabi mo nakasuport siya all the way.
Hindi yung kaibigan lang sa inuman, kaibigan lang kapag may kailangan sayo, kaibigan lang sa gimikan, kaibigan lang sa kasiyahan esp. kaibigan lang pag may makukuha sayo.....
Napakahirap makakita ng tunay at totoong kaibigan , kaya pag natagpuan mo siya i treasured mo siya at wag mong papakawalan....









mmm.... check mo rin
... ang bookmarks nya sa kanyang laftaf o pc, kung kasali dun ang site na ito, tiyak 2,003% juding as in judastra as in shokla to da maks ang bespren moetch:
http://mandayamoore-orlis.blogspot.com