asassin's blog

asassin's picture

Bomb threat

Last March 18, 2010, mga alas 3 ng hapon, sa hindi inaasahan pangyayari ay tumunog ang emergency alarm sa school, akala naman naming mga students ay fire drill exercise lang halos nagpabanjing-banjing pa kami, nagtatawanan, kuwentuhan... Yun pala totoo palang may emergency. May tumawag daw sa Student Affairs Office na may nakatanim na bomba daw sa school, nagdatingan ang mga pulis at sinuri kung meron ngang bomba sa lugar ngunit wala namang nakita.

asassin's picture

Seminar on Power Images thru Effective Communication and Leadership

Last September 20, 2009, I am so fortunate because I was able to attend a seminar entitled “Power Image Thru Effective Communication and Leadership”. It  was held at the UP College of Social Work and Community Development, UP Diliman, Quezon City. It was attended by almost 400 guests coming from different schools within areas of Metro Manila. The seminar started at around 10:00 a.m.

asassin's picture

Ang Huling Awit (pagpapatuloy)

Lumipas ang ilang Linggo, nanood sila ng isang play sa  sikat na Theatre sa may Maynila at nagkaroon ng pagkakataong si Jake na ipahayag ang kanyang nararamdaman kay Jenn. Sinubukan niyang sabihin ang matagal na nakatago sa kanyang puso.

"Jenn, mayroon sana akong sasabihin sa'yo"

"Mukhang seryoso ka yata, ano ba yon?".

"Kung sakaling manliligaw ako sa'yo may pag-asa ba ako?", hindi nagsalita si Jenn at iniba nalang ang usapan ngunit sa loob-loob niya ay matagal na rin siyang may pagtingin kay Jake.

asassin's picture

Brownout

Napakainit ng panahon ngayon tapos hinaluan pa ng pagkakataong  may brownout. Naalala ko tuloy yung kanta ng Yano, ang pamagat ay "Kaka", kanta kasi ito tungkol sa brownout, yung taong kapa ng kapa dahil biglang nawalan ng ilaw tapos yung kanta ni Francis M. na "Ayoko sa Dilim", na patungkol naman sa mabagal na pag-aksyon ng gobyerno sa brownout, matagal na mga kantang ito,  pero ang mga ito  ang nagpapaalala sa akin tuwing walang kuryente..

asassin's picture

Mga Jumper

Kagabi, habang kami ay kumakain ay mayroon kaming narinig na napakalakas na sabog na akala mo ay may bombang inihagis. Paglabas namin ay yung transformer pala ng Meralco ang sumabog at nagkaroon pa ng apoy sa may poste! Mabuti nalang at ang apoy mabilis  na nawala, kung hindi, sa sikip ng lugar dito sa amin, sigurado magiging abo nalang ang lugar namin.

asassin's picture

Ang Huling Awit

Ni: E. Cruz

 

Sa isang silid-aralan, dito nagmula ang maraming kaalaman. Sa pamamagitan ng mga guro, ang mga estudyante ay natututong magbasa, magsulat at lumalawak ang mga pag-iisip. Dito natuto ang isang mag-aaral, hindi lamang sa mga kaalaman, siya rin ay natutong umibig...

asassin's picture

KAMOTE

Absent ako noong Biyernes, tapos hindi ko alam na may quiz kami ng Lunes, aksidenteng nakasabay ko ang professor ko sa Humanities class sa may elevator.

tinanong ko siya kung ano gagawin, sabi niya naman "may quiz tayo".                                                     

ako:"sir absent ako ng biyernes".

prof: "patay ka ngayon Kamote ka"

ako: "sir pwede pinakbet yun ha"

Tapos hindi niya pala na pwede gawin pinakbet kaya natawa tuloy yung elevator girl.

asassin's picture

Tungkulin ng mga Kabataan sa Paghubog ng Isang Maunlad na Sambayanan

Ni: E.Cruz

        Mga kabataan, Kumilos! Kumilos! Tayo ang magsisimula ng bagong pag-asa sa ating bansa.Panahon na para baguhin ang sistema na ating kinalakihan, na hindi nagdulot ng kaginhawaan sa ating mga kababayan.

asassin's picture

Isang Kaibigan na Ngayon Lamang Nagpakita

Mayroon ako isang kaibigan na ang pangalan niya ay Kenneth. Siya ay kaklase ko ng high school, madalas kami magkasama sa gimik, sa mga kalokohan at sa pang-aasar ng mga kaklase.

Pagdating namin ng college ay hindi ko na siya nakasama o nakita man...

Ngayong 2010, sa hindi inaasahan pangyayari, may tumawag sa cellphone ko na hindi ko na mabosesan, yun pala, si Kenneth na....

Noong nakaraang Sabado nagovernight swiming kami sa resort niya. Kung mayaman sila dati mas yumaman sila ngayon.

Check niyo na lang Facebook account ko nandoon ang mga pictures.

asassin's picture

Fieldtrip sa Humanities

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw para magluto ng baon para sa fieldtrip namin, niluto ko ay ang adobong manok na muntik na ma over cook dahilan sa ako ay inaantok antok pa. Pagkaluto ng manok ay iniayos ko na ang aking mga dadalhin, syempre kasama ang adobong manok para sa tanghalian, juice para sa aking beverage at mga damit na pamalit kasama ang tuwalya para pamunas ko kapag nagswimming.

Syndicate content