cassandra's blog
Bulong
Submitted by cassandra on March 6, 2012 - 5:56pm.Sa isip may mga boses na nagsasalita
bulong nila kabutihan at masama
may binabanggit na pangalan;
may pinatutungkulan katauhan
Sa ibabaw ay karunungan;
at sa ilalim ay kaligayahan
isip na ang katsismisan ay ang sarili lamang
sekretong itinago
sa isip kinikimkim
Sabihin may nila may isip at puso para sa damdamin
ang katotohana'y iisa pa din.
Himig ng damdamin
Submitted by cassandra on March 6, 2012 - 5:35pm.nasa puso ang simula
nasa isip ang tukso
nasa bibig ang wagas
Sa lupa man magtagpo, sa lupa din papanaw
kasabay sa pagbawi ng damdamin
nararamdaman ay maglalaho din
na para lang buhanging tatangayin ng hangin
Cassandra: New :) May salitang True sa unahan ng Love ko ngayon
Submitted by cassandra on April 8, 2011 - 8:48pm. reviving again (reviving nga eh)Random Thoughts:
Pls Follow Me
Submitted by cassandra on October 7, 2010 - 6:34pm.Gusto Kita (alam mo naman yun di ba?)
Submitted by cassandra on September 24, 2010 - 7:30pm. kita mo na | mang-aagaw na paawa paGusto kitang kainggitan
pero hindi ko kaya
Gusto kitang awayin
pero wala ko paraan
Gusto kita tanungin
pero alam ko
hindi ka naman aamin
Gusto kita hamunin
pero kaso ang
ihahain mo sa akin
Gusto kitang kalmutin
pero hindi ako
pusa
Gusto kita itakin
pero sa kapal mo
hindi uubra
Gusto kita
sabunutan pero hindi
ko kaya
Gusto kita sirain
pero lam ko sira
ka na talaga
Hinintay kita (Cassandra)
Submitted by cassandra on September 24, 2010 - 7:17pm. Kapag masama ang kutob | masama ang loobLate ka na naman.
tanghali na, hindi pa ako
kumakain kasi
wala ka pa,
kaninang umaga
hindi na kita
nadatnan sa kama
Alas dose na
wala ka pa din
hindi na muna ko
kumain baka
makulangan ka
sa aking hain
Umaga na
wala ka pa din
halos hindi ako
nakatulog kakahintay
sa iyong
muling pagdating.
Iniwan kong bukas
ang pintuan
para anumang oras
pwede mo ko
pasukin
pero bakit wala
ka pa din
Mga Lesson sa Paligid ( Cassandra)
Submitted by cassandra on September 23, 2010 - 6:16pm. blessings | mga pagkakaunawa ko. | realization | wake up callChrist Object Lessons
Ano nga ba ang Christ Object Lesson?
kailan ko lang ito nalaman sa isang kaibigan. Sabi niya ang Christ
Object Lesson daw ay mga bagay na Ginawa ng Diyos gawa ng tao na may makapupulutan
kang aral o pwede mo din ispirasyon o pwede na din magsilbing wake-up call
sayo. At ito ang mga ilang natutunan at narinig ko:
eto! Pakinggan nyo ko, Galing sa Isang Naghihimutok na Pilipino
Submitted by cassandra on September 21, 2010 - 5:17pm. Kwentong PANLIPUNANPaunawa: Pasintabi sa mga anak ng mga Government Employees
Dahil Minsan Ang Minahal Mo ay Ako
Submitted by cassandra on September 17, 2010 - 12:04pm. Napakasaya mo ngayon tingnan
bakas sa inyong mata
ang ligayang iyong nadadarama
Siya ba ang iyong bagong Prinsesa?
tunay nga na napakaganda niya
kaya ba sa iyong mga mata
tanging siya na lamang
ang iyong nakikita?
Napansin ko ang hawak-hawak
mo na bulaklak
Para ba sa kanya yan? o,
para sa iyong Ina?
Gusto kitang hagkan, yakapin
upang maramdaman muli
ang iyong yakap
Pero ano nga ba ang magagawa ko?
ang atensyon mo ay tuluyan
ng nabaling sa kanya
Cassandra: Akala ko pag-ibig Ko......Mapang-akit
Submitted by cassandra on September 3, 2010 - 10:38am. Hiwalayan NotesAkala ko Pag-ibig ko
para sa iyo
ay walang katapusan.
Pero di pala,
pagkat darating
ang araw na ako ay lilisan.
Sa dapit hapon ng iyong
buhay gusto ko ako lang
ang iyong kapiling
kasama ng ating mga naging
supling
Limang taon ng pagsasama
walang ibang nais makasama
kundi tanging ikaw lamang
na sinisinta.
Pag-ibig ko man minsa'y nalito
pasesya na kung ikaw ay
aking nabigo

