cecil_adriano's blog
isang paanyaya sa mga readers at writers na rin
Submitted by cecil_adriano on February 13, 2010 - 6:38pm.paanyaya po sa mga readers na mahilig pong magbasa ng nobela lalo na mga tagalog na nobela...subukan niyo pong bisitahin ang website na ito: www.filipinoromancenovelfrn.com. marami po kayong mapagpipipilian gayundin may mga kapatid na site po ang frn gaya ng internetserye at your story haven. halos lahat po ng uri ng istorya ay naroon na tiyak na magugustuhan niyo. Salamat at enjoy reading
salamat po
Submitted by cecil_adriano on January 24, 2010 - 9:47pm.salamat po sa support sa katatapos lamang na "search for best ever filipino online novel writer ng 2009"... bagaman isa lang ang napili at siyempre hindi ako iyon pero para na rin akong winner dahil sa mga bomoto at tumangkilik ng fantasy-love story na mga nobela na ginawa ko. gayundin sa mga friends here sa filipinowriter.com... kay kuya rom( wala akong masabi sa husay) , kay melay at sa iba pa.
Paraiso sa Tunay na Buhay
Submitted by cecil_adriano on May 4, 2009 - 7:28pm. PoetryNais ko ng masayang tahanan
mga ngiti at tawanang di mapapantayan
ng anumang bagay na inaalok
ng mga huwad na kaibigan.
Nais ko ng mabuting buhay
puno ng pag-asa at kulay
mithiing tunay at walang lumbay
sa aking mahal na laging kaagapay.
Doon kung saan sagana,
walang sakit, kamatayan o pagdurusa
ang mga pilay ay lulukso na parang usa
at ang mga bulag ay didilat nga ang mga mata
sa paraisong pinapangarap ng bawat isa.
Doon walang balakyot at patutot
anime kau diyan
Submitted by cecil_adriano on April 12, 2009 - 10:01pm. nakakaloka ang mga animegrabe nagtry akong manood ng mga anime at ung iba nagustuhan ko kaya lang ung iba nakakalokang panoorin kasi ung mga kasama ko sa bahay addict na addict sa mga anime!!! kaya naman lahat na yata ng anime ay alam na alam nila...di ko ma-imagine kung puro na lang anime ang ipalalabas sa tv. dapat dalawa o tatlo ang tv sa bahay kapag puro addict sa anime ang mga kasama mo....grabe!


