CLOSET WRITER's blog
Ewan...
Submitted by CLOSET WRITER on December 24, 2009 - 11:23pm. emo sa pasko.Ang kahungkagan ay bumubuhos gaya ng tasa ng kape sa bawat umaga. Parang palagi na lang maraming mangyayari sa paligid. Ang taon ay lumilipas sa mundong ito na puno ng pagbabago, subalit marami ang nananatiling pareho.
Ang mapait na katahimikan sa aking ulo ay inaabala pa rin ng pamilyar na kabaliwan. Mukha akong masaya, pero umiiyak ang aking kalooban. Pinapanatili ko ang aking pagkatao sa abot brasong layo ng matagal hanggang sa maging estranghero ako sa aking sarili. Natatakam ako sa kung anong hindi magiging ako at sa kung anong hindi magiging sa akin.
?
Submitted by CLOSET WRITER on September 17, 2009 - 10:17pm. self confrontationHindi ako...
namumuhi
mapaghiganti
mapagmahal
maalaga
makasarili
mapagbigay
kulang
nangangailangan
naghahanap
madamdamin
matapang
matalino
takot
hangal
buhay
patay
huwad
O
totoo.
Hindi ako sino, na...
kilala mo
akala mo kilala mo
gustong kilalanin
kailangang makilala
mahalagang makilala
dapat makilala
pwedeng makilala
O
talagang
importanteng
makilala
dahil
hindi ako...
ang lahat ng bagay
ang bagay na ‘to
ang bagay na ‘yan
ang ibang bagay
kahit anong bagay
buong bagay
O
walang anumang bagay
at
wala akong
pangangailangan
sa ‘yo
FUCK IT!
Submitted by CLOSET WRITER on August 31, 2009 - 8:38am. TOTALLY FUCKED UP!Fuck the darkness
Fuck the rain
Fuck the shadows
Fuck the pain
Fuck the emptiness
Fuck the tears
Fuck reality
Fuck the years
Fuck the future
Fuck the past
Fuck coping
Fuck the task
Fuck the real world
Fuck the light
Fuck recovery
FUCK THIS FIGHT.
DILIM
Submitted by CLOSET WRITER on August 29, 2009 - 10:30pm. depressionHINIGOP ako ng kadiliman na sumulpot mula sa kung saan. Pero ano't ninais kong maging bahagi nito? Nagdudulot ito ng kasiyahan sa akin. Sinasakop ng itim ang aking isipan at ngayon, gustong angkinin pati ang aking pisikal na katauhan. Minsan din akong nagutom sa misteryo at sa kasamaan sa aking kalooban. Ang itim na uwak ay lumapit sa akin at nakita kong palatandaan ito upang ilahad ang kadiliman mula sa aking isipan palabas sa bawat sulok ng mundong ginagalawan ko.
Made In China
Submitted by CLOSET WRITER on August 17, 2009 - 12:44am. travel. culture.3 days ako sa China last week. Sa Guanzhou, capital city ng Guandong Province. Mainit ang panahon doon, parang sa pilipinas din. Tapos biglang uulan kaya eto, sinisipon at inuubo. Sana hindi to H1N1.
HAPPY BIRTHDAY!!!
Submitted by CLOSET WRITER on August 9, 2009 - 12:19am. ang regalo koEmergency
Submitted by CLOSET WRITER on July 31, 2009 - 12:19am. bawal magkasakit!Gusto Kong Maging...
Submitted by CLOSET WRITER on July 5, 2009 - 5:16am. para sa taong pinagpuyatan ko kagabi.GUSTO KONG MAGING...
Gusto kong maging
Lapis sa pagitan ng yong mga daliri
Kapag sumusulat ka ng tula
Na puno ng dalamhati
Gusto kong maging
Tasa ng kapeng dumadampi
sa yong mga labi
O alak na gumuguhit
Sa yong lalamunan
Gusto kong maging
Paborito mong awitin
Kulay, laro, salita
at gawin
Gusto kong maging
Liwanag sa yong mga mata
kapag ikay tumatawa
At maging dahilan ng pagtibok ng yong puso
Nais kong maging
Lupa na iyong lalakaran
Hangin na iyong lalanghapin
Salitang iyong bibigkasin
Nais kong maging
Araw sa yong himpapawid
Buwan at bituin
LANDAS BUHAY
Submitted by CLOSET WRITER on July 5, 2009 - 1:48am. karanasang balot ng hiwagaMahaba ang byahe patungong probinsya ng Tagaytay ngunit hindi sya sinumpong nang pagkabagot. Salamat sa kulitan nilang magkakaibigan habang lulan nang awto na minamaneho ng isa sa kanila na taga Laguna. Matulin ding nilalantakan ng kanyang mga mata ang mga tanawing nadadaanan. Ipinaaalala ng malalawak na mga bukirin ang kaniyang sariling bayan na matagal-tagal na rin nyang hindi nauuwian.
HUH?!!!
Submitted by CLOSET WRITER on June 18, 2009 - 11:08pm. ISANG NAPAKAWEIRDONG ARAWThe “huh?!” started with a bad dream na nagpagising sa akin ng mas maaga sa normal kong gising. Alanganin na rin namang ibalik pa ang tulog kaya naisip ko, try ko na lang pumasok sa office ng hindi late, for a change. I took a bath, have my cup of coffee at pagkatapos kong maibuhol ang huling sintas ng aking sapatos, tumunog ang aking telepono. It was my lady officemate calling.
Hello?...
Jo, hindi ako makakapasok ngayon.
Huh?! Are you crying?
Namatay kase kapatid kong lalaki.
Huh?!... (i’m trying to absorb kung tama ba narinig ko).


