Danny Boy's blog

Ang Darna Sa Buhay Ko

Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa mga kuwento ni Mars Ravelo.  Kaya alam na alam ko ang kuwento ni Darna. Ang mga series na Darna ay nasubaybayan ko sa Komiks at maging sa TV.  Hanggang sa magbinata ako ay laging si Darna ang paborito kong basahin.  Kaya ng may magbigay sa akin ng asong cross breed ng askal at japanese spitz ay pinangalanan kong Darna kasi ay babae siya.

Nanligaw ako kay Emily at pinalad naman ako hanggang sa kami nga ay magpakasal.  At tumira kami sa apartment kasama rin namin ang aking aso na si Darna.

Si Lolo Miguel at Ang Pusa

"Ming, Ming,  nasaan ka?" ang tawag ni Lolo Miguel sa kanyang alagang pusa.   "Ikaw na lamang ang kaibigan ko ay pinagtataguan mo pa ako."  At buong tiyagang hinanap ni Lolo Miguel ang kanyang alagang pusa.  

"Aha. at nariyan ka lang pala" ng makita ang kanyang alaga.  Pinangko niya ito at buong pagsuyong niyakap.  "Wag  mo na ko iiwan, ha?"

Mahal Kita Inay

Alam kong ako'y ampon lamang ni Inay at iyan kahit di niya sabihin sa akin ay alam na alam ko.  Nakita niya ako isang araw ng Linggo sa may palengke.  Maliit pa lang ako at ako raw ay lalaboy-laboy noon.  Di ko na kilala ang aking mga magulang dahil maliit pa lang ako ng kanilang iwan sa may palengke.

Iniuwi ako ni inay sa kanyang bahay at ako ay itinuring na isang anak at pinangalanan akong Mimi.  Si inay ay isang dalagang retiradong guro at magisang namamahay sa namana niyang bahay.  Katabi ko siya sa pagtulog at sabay din kaming kumakain.

Syndicate content