Daqrayter's blog

Pinakamamahal

| | | |

“Kulang ito…”  bulong ni Raven matapos i-withdraw ang lahat ng pera sa kanyang ATM.

   
Iiling-iling na lamang niyang itinago sa pitaka ang pera matapos niyang matantiyang kakapusin na naman siya at di aabot ang pera bago dumating ang katapusan.

 
Maraming naglalaro sa kanyang isipan ng tumunog ang kanyang cellphone.

 

“Sino na naman kayang kamote itong nag text sa akin?”  sabi niya sa isip niya habang dinudukot ang cellphone sa bulsa.

Dalawang Kuwento Ng Pag Ibig

| | | |

Unang Kuwento

“Pull over”, ang sabi ni Marlon sa Pakistani na taxi driver.

“Here,” sabay abot ng bayad at baba sa taxi. Hustong pagyapak ng kanyang mga paa sa lupa ay napalinga siya sa paligid.

“Hay, daming tao dito sa Balad” bulong niya sa sarili.

“Biyernes na naman kasi.” Sabay lakad patungong Corniche Commercial Center. Habang naglalakad ay iniisip niya si Gary. Dito rin niya nakilala si Gary dalawang buwan na ang nakakalipas. Naglalakad siya noon sa labas ng Queens Building ng nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa may gilid ng Mc Donalds na nangingilid ang luha at parang balisa.

Syndicate content