jongskie0620's blog

ikaw at ako...sa internet

 

umuukit sa aking isipan, sa aking ala-ala

ang ilang buwan nating pagniniig,

sa mundo ng makabagong teknolohiya

ikaw at ako magkapiling, nagsisiping

habang pinapalibutan tayo ng electro-magnetic waves...

hindi ko makakalimutan ang mga panahon

at ganitong mga pagkakataon

sana nga, ang lahat ng ito'y magkatotoo.

sa ngayon, pagtitiyagaan ko muna ito...

ikaw at ako sa mundo ng YM sa Internet

 

 

...Huwad_na_Makata 

 

 

dalawang araw...

naramdaman kita...sa isang iglap, lumukso muli ang puso ko...

masayang masaya ako..ang buong akala ko, 

may katuparan na muli ang pag-ibig ko sa'yo...

 

Dalawang araw lamang ang lumipas, heto, balik na naman

ako sa reyalidad...

...ng kawalang pag-asa

...ng pagkadismaya

...ng hinanakit

...ng sobrang sakit

...ng hindi ko maunawaan na pakiramdam

 

Tama na, tama na!

 

 

...Huwad_na_Makata

dinamayan

dinamayan mo ako sa aking pag-iisa

sa pagsapit ng dilim, ikaw ang lilwanag ko

para ka ring dasal, palagi kong inuusal

at ang tinig mong malambing, 

sa diwa ko'y nakatanim

at kahit saan ka man naroroon, 

naririnig ko sa hangin

naririnig ko sa hangin

Syndicate content