jorlem mohn's blog

SAWIMPALAD

Normal 0 false false false <

Sa Pagpanaw ng Ilaw ng Tahanan

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4

UNTITLED (Part 2)

Dapithapon muling sasapit

Kadiliman, lalamunin ang paligid

Kung maganda ang langit

Mga bituin magsisiawit

Kasama ng buwan

Sa malamyos nitong tinig

 

Subalit kapag ang katahimikan

Ay binalot ng kasamaan

Kasing itim ng burak

Sa paligid ay lalagsak

Buhay ay walang piho

Sa panganib na nagbabadya

Walang pakialam ang mundo

MAy mawalan man ng hininga

Proposal

Para sa mga interesado:

Bakit di tayo magkaroon ng clan para kahit hindi tayo online, makapagpalitan tayo ng ideya. Lalo na kapag may ginagawa tayong obra. Hindi ba mas maganda kung mahihingi natin ang opinyon ng bawat isa o makpagpatulong tayo. Sa ganitong paraan, sa tingin ko, mas aangat ang bawat isa dahil sa pagtutulungan. Mas lalawak ang kaalaman, dahil nasa iba't ibang lugar tayo. Pwede pa tayong makapgsulat tungkol sa ilang lugar sa tulong ng ating mga kasamahan...

UNTITLED (Part 1)

Saan hahantong ang bukas

Kung puno ng pait ang kasalukuyan

Kahirapan ay lumalatay

Sumusugat sa bawat himaymay 

 

Buhay kung ituring ay puhunan

Dugo kung minsan ay kabayaran

NAghuhumiyaw ang kalapastanganan

Bumabalong ang luha ng kasamaan

 

May araw pa bang masisilayan

Kung ang mundo'y pinuno na ng kadiliman

Anong bukas pa ang naghihintay

Sa abang nilalamon ng kawalan

 

Paano ang pangarap ng kinabukasan

Kung ang bawat himaymay ay puno ng kabiguan

Lihim Na Pagtingin

Paano sasabihin

Ang nilalaman nitong damdamin

Sa isang kaibigan, ang dalangin

Makita itong lihim na pagtingin

 

Kayhirap pigilin

Puso'y kayhirap kalabanin

Sa dinami-dami namang iibigin

Sa tao pang may ibang  hindi iba sa akin

 

Madulas pa sa buhangin

Malabong ito'y bigkisin

Sapagkat ang taong gustong angkinin

Iba ang laman ng damdamin

 

Kayhirap talagang maging alipin 

Nitong tila bawal na pagtingin

Sa kaibigang iba ang sintahin

Isang tao ring malapit sa akin

Ang Himutok ng Kapos sa Salita

Kayhirap apuhapin ng mga salita

Hindi magtagpo sa isip at gunita

Ang kahapo'y tila laos na balita

Hindi magamit sa pagbuo ng diwa

 

Paano nga ba igagapos ang bawa ideya

Upang bumuo ng kwentong mapang-anyaya

Na sa mambabasa'y magdudulot ng ligaya

At sa manunulat ay magbibigay laya? 

 

Kailangan ba ng masalimuot na kahapon

Upang kulayan ang bawa mga lupon?

O kaya nama'y masayang dapit-hapon

Upang magbigay buhay sa bawat dahon?

 

Ano nga ba ang sikreto sa pagsusulat?

BAYAN NI JUAN

An Bayan ni Juan

Puno ng kayamanan

Biyaya ng kalangitan

Sa bawat mamamayan

 

Subalit may mga pangalan

Sa Bayan ni Juan

Na binalot ng kasakiman

Ang yama'y gustong pagharian

 

Ang lahat ay nais manilbihan

Posisyon ay pinag-aagawan

Kapag naluklok naman sa katungkulan

Pansariling interes ang pinagkakaabalahan

 

Politika ay pinutikan

Nawalan ng direksyon ang pamahalaan

Sa halip na panatilihin ang katahimikan

Sila ang nagpagulo sa lipunan 

 

Ang BAKASYON

Matagal rin akong natengga sa pagsusulat dito sa site. Syempre pa nakakamiss. Isa 'to sa mga bagay na naging kapalit ng pagpili kong manitili sa probinsiya ng ilang linggo.

Si Kuya

Unang beses kong nakita si kuyang umiyak noong masama ang loob niya sa tatay niya. Dinamayan ko siya. Sinamahang lumaklak ng red horse. Doon niya ibinuhos ang sama ng loob. Mas mabuti ng ganun sa isip ko. Mas mababantayan ko siya. Idagdag pa na kapag tumama na ang espiritu ng alak sa kanyang kabuuan, panigurado sa higaan na ang bagsak niya.

Syndicate content