Luca's blog

Luca's picture

Ako: Baklang Adik

Mag-aapat na taon na akong opisyal na bakla.

I know, I know, marami sa inyong magsasabi na ang pagkabakla (o pagkatomboy) ay inborn. Pero isa kasi ako sa mga taong naniniwalang ang sekswalidad ay isang desisyon. (Hinahamon kitang palawakin ang iyong pag-iisip at patunayang matalino ka.) Sinasabi ko sa iyo sa simula pa lang ng diskursong ito, na maraming mga bagay akong sasabihin na hindi mo sasang-ayunan. Okay lang yon. Tao lang tayong dalawa.

Luca's picture

Chocolate Cake

Dalawang bagay lang ang nagpapaikot sa mundo… Pag-ibig at Tsokolate.

Dahil pareho lang sila ng epekto… endorphines, sugar-high/ insomnia/ hyperactivity, pansamantalang pagkawala sa sarili, pimples at taba sa puso.

Pero dahil napakasarap ang tsokolate at pag-ibig, hindi ko sila maaaring pagsabayin. Kung kaya’t pinipili ko na ang tsokolate.

Bakit naman tsokolate pa ang pinili ko? Hindi ba’t lubhang mas masarap naman ang umibig kaysa tsokolate? Pareho lang siguro.

Luca's picture

expired

Masaya naman ako e. At siguro, sa likod ng isip ko ito rin naman ang gusto kong mangyari. Kaya siguro ang ingay ng batingaw sa utak ko nitong mga nakaraang araw.

Kung tatanungin ako, gusto kong magalit. Gusto kitang sisihin. Gusto kong isipin na sinayang ko ang panahon, lakas, hirap, para lang sa wala.

Luca's picture

nung 5th year

Luca: Kumusta naman ang puso mo?

Regina: Eto busog. Ikaw?

Luca: Eto kinakabag. Akala ko puno na, hangin lang pala.

Luca's picture

Isinulat nung July 6, 2005

  Kaakit-akit ba ako? Ako ba yung tipo ng tao na pwede mong isipin na makakatuluyan mo balang araw? Bakas ba sa mukha ko ang kapasidad na magtaguyod ng isang romantikong relasyon?

     Bakit ko naman naitanong, iniisip mo siguro...

     Ayon sa tanyag na Sikolohista na si Erik Erikson, nasa punto na ako ng buhay kung saan ang pangunahing tunggali ay ang makahanap ng katuwang o ang magdesisyong mamuhay ng mag-isa (conflict of Intimacy vs. Isolation)

Luca's picture

Kung Ako si Katrina Halili

Hindi na ko magpapagahasa sa mga pulitikong sumasakay sa drama ng buhay ko.

Iisipin ko na lang na stepping stone ang video na iyon tungo sa aking ultimate goal na sumakay ng puting kabayo sa beach (as in White Castle Whiskey).

Hihingi ako ng royalty sa mga nagbenta ng DVD ko sa Quiapo.

Gagawa ako ng lifestory sa MMK o gagawa ako ng reality show, kasi nagwork na yun para kay Paris Hilton at Kim Kardashian.

Iisipin kong ang dami-daming namamatay sa gutom sa Pilipinas at mas deserving silang maging headline ng balita.

Luca's picture

Paunawa

May dalawang bagay na dapat mong alalahanin sa usapang ito.

 

Una: Wag kang aalis nang walang paalam.

 

 

Ikalawa: Touch Move. 

Luca's picture

PINK

ako natural lang, pwedeng sigang maton o malandi, kahit ano.

makikipaghalikan ako sa iyo in public. pero okay lang din sa akin kung ayaw mo. ayos na ayos na ako sa akbay o sa simpleng chancing.

Luca's picture

Reaction Formation

When you say something isn't meant to be,

You know your really mean

You're willing to wait

One more day.

Luca's picture

Zen Proverb

There is really nothing you must be.

And there is nothing you must do.

There is really nothing you must become.

However, it helps to understand that fire burns,

And when it rains, the earth gets wet...

Syndicate content