makoy's blog

Kahapon at Ngayon

"MINAHAL KITA kung SINO ka sa iyong KAHAPON hindi kung SINO ka sa NGAYON!"

Mas minahal kita sa yong kahapon

 dahil ang ngayon ang sumira sa pagmamahalan na minsan nating pinagsaluhan sa iyong kahapon!

Hindi lahat ng Ngayon ay maaaring maging gamot sayong KAHAPON!

KULANG?

Malaking bahay, yan ang aking tahanan.

Maraming pera, meron kami nyan.

Pagkain sa hapag-kainan, sagana kami dyan.

Magagarang sasakayan, sa amin makikita yan.

Mga alahas, marami kami nyan.

Pero kaligayahan,at pagmamahalan,

bakit kinapos kami dyan?

 

AUTHOR: Vergel Brimon

Limitasyon ng Pagmamahal

Hindi man kita batid,

Wag sanang ipagdamdam,

Pagkat puso koy may ibang iniibig.

Ako'y hindi maaring maging sayo.

Mali ang mahalin mo ako,

sugatan man ang puso mo

dahil sa naging pasya ko,

pasensya na, nagmahal lang din ako

tulad mo.

Ayoko lang lokohin ang sarili ko

para lang mapaligaya ang isang tulad mo.

kung ang puso ko nama'y

hindi ikaw ang minamahal na totoo.

Sanay iyong maunawaan,.

Pasya ko'y igalang,

Dahil yan ang mas mamakakabuti

Sa ating samahan,

Matalik  kong kaibigan!

Kapalaran o Kagustuhan?

Nung makilala, kita akala ko ikaw na.

Nangarap ako na sana tayo na talaga para sa isat-isa.

Umasa ako na, na susuklian mo ng pagmamahal,

Gaya ng ipinapikita ko sayong pagmamahal!

Kinalaban ko pati mga magulang ko,

Makasama ka lang,

Nawalan ako ng mga kaibigan, dahil sabi mo layuan ko sila!

Nawala ng lahat sa akin,

Dahil para sa akin, ikaw ang ligaya ko.

Nang iwan mo ako, at pinagpalit sa iba,

Kulang na lang magpatiwakal ako,

Gumuho ang mundo ko,

Kasabay ng pagkawasak ng mga pangarap ko.

Ang tanong ko,

KASALANAN?

Sana hindi na kita napansin,

Nang hindi ko na naramdamang,

Ikaw ay naising maangkin,

Kaya itong aking damdamin,

Hirap kang limutin,

Kahit ngayon ako'y may kapiling,

Ikaw parin ang pinapangarap kong makasiping!

 

AUTHOR: Vergel Brimon

SINO?

Sa taong minahal mo at iniwan ka,

Binalikan ka ngunit may mahal ka ng iba,

Sa hindi inaasahang pagkakataon,

Natuklasan mong mahal mo parin sya.

Handa kabang iwan ang taong nagmamahal sayo ngayon,

Para lang sa taong minahal mo sa iyong kahapon?

 

Author: Vergel Brimon

ENTABLADO

Ang Red Warriors Theatre Ensemble and Production ay naghandog ng isang dula halaw sa  obra ni Rolando Tinio na isang Philippine National Artist for Theater and Literature na  may pamagat na “May Katwiran ang Katwiran” na ginanap sa EN309  Engineering Building sa University of the East, para sa isang school activity. Ang dulang ito ay nagpapakita at naglalarawan ng kung ano ang pinagkaiba ng mga mahihirap sa mayayaman sa ating lipunan.

BAKTOM?

Isinilang akong ganito

Ngunit, hindi ko ito ginusto

Pero, dikta ng puso ko,

Dito ako, magiging masayang totoo.

 

Turing sa ami'y iba,

Kakatwa, hindi dahil sa aming itsura

Kundi pagkatao namin ang siang nakikita

Laging mali sa kanilang mga mata.

 

Sa lipunang, sadyang si Eba at Adan ang namamayani

Mga katulad namin, iba sa nakakarami

Sa isipan nila'y kami'y imoral at marumi

Pero kung tutuusin nama'y pare-pareho lang kaming

may tinatanging, maitim na BUDHI.

BAKAS, WAGAS, WAKAS

Ilang subok na, ngunit sadyang madilim

Ilang ulit pa, sugat ay lumalalim

Di mapigilan ang bugso ng damdamin

Mga luhang ito ang sumasalamin.

 

Pigilan mo man ngunit nagpupumiglas

Yaring puso kong, labis kung magmatigas

Sa labang ito, hindi ako aatras

Katatagan, iyan ang ipamamalas.

 

Matatag ang loob, kahit minsa'y duwag

Mahigpit ang laban, puso'y malalaglag

Ang aking sariling, kulang sa liwanag

Ay nais siang makita at mabanaag.

 

Madilim, ayoko na sa kadiliman,

BUTANDING :)

Isang proyekto,
Isang samahan ang nabuo.
Tropang basura
Sadyang kakaiba,
Kalat na pinagsamasama
BUTANDING ang resulta!
Hindi man pinalad,
Kasiyahan ang syang KINALAT!

AUTHOR: Vergel Brimon

  

Author's Bio/Notes:

Syndicate content