pinxu_'s blog

PANGAKO

Halika't tuluyang isuko

ang iyong pagpupumiglas

na napagtanto kong sa'kin rin

umaamot ng lakas

A different kind of love (Part 3 of 5)

           

            Kinabukasan ay nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa nakatabing na kurtina ng bintana.

            Walang sing sarap ang magising sa umaga ng kayakap ang taong kumukumpleto sa ‘yo.

            Sinulyapan ko ang orasang maliit sa table na katabi ng kama.

A different kind of love (Part 2 of 5)

 

            Parang itinulos ako saking kinatatayuan ng makita ko sina Papang at Alex na nag-uusap, samut-saring alalahanin ang biglang sumakop sa isipan ko.

            "Elaine, ano ba't iniiwan mo ‘tong si Jadie na mag-isa," untag ni Mamang.

            Napalingon naman akong bigla sa pinag mulan ng tinig na pumukaw sa nililipad kong katinuan,  Si Mamang, naroon sa tabi nito si Jadie.

            "Mamang. Nag paalam  s'ya kanina na pupuntang comfort ro..."

A different kind of love (Part 1 of 5)

            Heto na ‘yon the awaited moment of truth.

            Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, habang papalapit na kami sa aming destinasyon.

Ikaw at ikaw parin

Mas nauna kang dumating sa kanya

Di ko akalaing s’ya ang mauuna

Pinunan n’ya ang kahungkagan iyong iniwan

Ngunit ang binigay nya’y di ko kayang suklian

Lesson sa mga malalanding straight na pinag lalaruan ang damdamin ng mga katulad naming LESBYANA

Naiinis ako sa kapalarang meron ako.

            Bakit ba kasi ako napadpad sa lugar kung saan tila ba nag iisa lang akong lesbyana na hindi takot lumabas.

Kalimbungan

Di mapigil ang pag silip ng hamog,

sa pinto ng aking paningin

Nang ang maaninag ay ang liwanag,

ng bulto mong saki'y nag panginig

Ginimbal, nilindol,

ng kulay tubig mong kalaro

Ang puso kong nag sasalimpusa sa laro n'yong patentero

Sa dulo ng kamalayan,  ninanais pang ika'y sunduin

Sa  kangina'y tinahak, ng nag bubulagan mong paningin

Binigyang espasyo ko, ang pag sukbit ng  bisig mo sa king baewang

Upang pikit mata nating tahakin ng  magkasama,

Adlaw, Damgu, Bulan

Mapapapatingala sa langit na tila bulak

Mapapahigit ng hinga, sabay sa pagkumpas ng  palad

May nais maabot, makapa.. sa tumatagos na sikat ng araw

Funny but still CREEPY!!!!

Heheheh, actually kaka upo ko lang ulit sa upuang kaharap ng Computer, nag i-FW kasi ako, nang biglang umungol kanina si Mama, inutusan ako.

"B kuhanan mo nga ako ng tubig" mahinang utos ni Mama, nakahiga si Mama sa kama n'ya dala marahil ng pagod kayat napa tulog ito, kagagaling lang kasi nila sa check-up.

Tumayo ako at kumuha ng maligamgam na tubig sa water despenser sa labas. Nang marinig kong may kung anong sinasabi si Mama sa loob ng kwarto.

Akala ko si Elvie ang pinsan ko ang s'ya niyang tinatawag.

A Lesbian Love Story

Nakuha ko 'to sa isang website,...

 

Syndicate content