profalarde30's blog

Makikisakay

MAKIKISAKAY

 

Makikisakay lang sa bangka mong papel

Na sinubok na ng daluyong  ng talim ng dila at lalim ng isip

Makikisakay lang sa diwang pumaimbulog na

At naabot ang rurok ng kaluwalhatian

SI DYONYUR AT ANG KALABAW NA DI NAKAPAG-ARAL

Diasfora Moral

Diaspora Moral

ni Crispulo S. Alarde, Jr. 

Nang lumipad si Itay,

Nalungkot si Inay.

Lumuha…

Kasama kami sa pagdadalamhati.

Ngunit naalo ako ng pangako ni Itay.

Masasarap na pagkain Mga bagong damit,

Mamahaling laruan.

Huwag daw kami malulungkot

Dito naman daw si Tiyo Kune

Makakasama namin,

Habang si Itay ay nasa ibang bansa,

Biktima

Biktima...
Isa na namang babae ang biktima.
Si Seoning.
Ilang buwan din mula nang iwan ni Seoning ang dating barung-barung na kanilang tinutuluyang mag-ina. Si Aling Maring. Ina ni Seoning.
Ngayon, bumalik siya sa barung-barung.
Sa gulang na labingwalo, nakatakdang magsilang ng isang sanggol si Seoning.
Tahimik na nakaupo lang si Seoning sa ikalawang baytang ng hagdanan ng kanilang dampa.
“ Pumasok ka na dito sa loob Seoning,” matamlay na anyaya ni Aling Maring.

Si Miming - Pls. I need comments on this stories - Ty.

| | | | |

SI MIMING AT ANG SANGGOL
SA UNDERPASS

NASA grade five ang pangalawang anak namin, si Kaye. Umuwi siya isang hapon mula sa school bitbit ang isang kuting. Payat at halos magkakadikit pa ang mga talukap ng mga mata ng kuting dahil sa kapal ng natutuyong muta.

            “ Wow…may miming na tayo,” bulalas ni Kulet, ang bunso namin.

            Agad na pinagyaman ng magkapatid ang kuting. Naglagay ng mantika sa isang malinis na basahan si Kaye at nilinis ang mga mata ng pusa. Nang lumabas mula sa kanilang silid si Kulet, bitbit na nito ang isang kahon ng sapatos.

Syndicate content