ricardo's blog

Recitation 1(POLDONG MANUNULAT)

| |

    Si Poldo ay hindi naiba ang kalagayan sa ibang mga manunulat. Mas masahol pa ang mga nangyayari sa ibang mga manunulat kagaya niya, na nais maiwasto ang mga kamalian sa lipunan at ituwid ang baluktot na pamamalakad ng mga kinauukulan. May mga namamatay dahil sa mga pagtuligsa sa mga kamalian sa lipunan at nawalan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

   Ngunit, bilang isang manunulat nahihirapan siyang ipamukha ang mga katotohanang gusto niyang ipamukha sa mga mambabasa. Sapagkat sa pagdaan ng panahon nag-iiba ang preference ng mga tao sa kanilang mga binababasa. Bilang isang manunulat kung nais ni Poldong kumita at makatulong sa kanyang pamilya kailangan niyan sumunod sa mga TASTE ng mga mambabasa. Mahirap para sa mga manunulat ang kumita. Lalo nat naapektuhan pa ng pagbabago ng iniikutang lipunan ang kanilang hanapbuhay. Dahil sa mga pagbabagong ito nahirapan at lubos na naapektuhan ang buhay ni Poldo at ang pakikitungo niya sa kanyang pamilya, na ngayo'y mistula ng isang malamig na bato ang samahan nila

Syndicate content