RJ Santos's blog
Ito Na ang Katapusan ng Hiatus Ko
Submitted by RJ Santos on August 2, 2010 - 12:45am.Gusto ko mag-post ng isang tula. Kaya lang, hindi ko alam kung may makakabasa. Paano ba naman, may mga account na post nang post ng kung anu-ano. Hindi naman sila mukhang spammer, pero post nang post ng mga post na parang hindi naman pinag-isipan at walang katuturan. Hay. Buhay nga naman. Medyo nakakainis din.
Pasingit Lang
Submitted by RJ Santos on May 6, 2009 - 3:58am.Tagal kong nawala. :D
Nasira kasi yung PC ko sa bahay e, kaya yun, di muna ko nag-FW. Usually kasi, inaabot ako ng ilang oras sa site na 'to kakabasa. E di ko naman pwedeng gawin sa internet shop yun kasi magastos.
Anyway, balik trabaho na ko since April sa call center, kaya ito, illegal, este libreng use of company resources. Tagal ko nang di nakapagsusulat. January pa. Asar. Ka-miss din ang FW.
Sayang di ko nakapunta sa EB.
Yun lang po.
Okay lang kahit di mag-comment. :D
Alaala ng Isang Utuing Bata
Submitted by RJ Santos on November 28, 2008 - 11:06pm. Babae | Bayong | kwento | Kwentong BarberoHindi ko alam kung ano nga ba ang una kong iniisip at bigla kong naalala ang isang kwentong naikwento sa ‘kin ng pinsan ko noong bata pa ‘ko. Utong-uto niya ako noon. Kasi, ang galing din naman niya magkwento. Sana mapantayan ko kahit papaano.
Magkano Ba?
Submitted by RJ Santos on November 18, 2008 - 10:49am. Bahay | Congratulations | Gate | TeacherKahapon ang unang araw ko sa trabaho. Tutor ako. Ayos naman, kung ako tatanungin. Matalino ‘yung tinuturuan ko. Sobrang hanga ako, kasi ang galing sa Math. ‘Yun nga lang, pagdating sa ibang subject, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Masyado kasing logical ‘yung utak niya, sa tingin ko. Balak ko ngang bumili ng mga Analogy Tests na pangmatanda na ‘yung level (teka, mayroon bang gano’n?), para makita ko kung kaya din niya ‘yun. Sa tingin ko, malamang.
Pero hindi naman tungkol doon talaga ang entry na ito.
Ang Tanda ng Pagmamahal: Pis Bol
Submitted by RJ Santos on November 11, 2008 - 8:40pm. autobiography | Fish Ball | Inflation Rate | life | Pagtaas ng Presyo ng mga BilihinIbang klase na talaga ang panahon ngayon. Pataas nang pataas ang mga presyo ng bilihin.
Patawad nga pala kung may pagka-misleading ang title ng entry na ‘to. Wala na akong maisip na iba.
Sa tingin ko, alam naman nating lahat, at nararamdaman natin ang pagtaas ng presyo. Noong bata pa ko, diyes sentimos lang may kendi na ‘ko. Ngayon, ang kendi tatlo-dos na—mga sisenta’y syete sentimos. Pero okey pa rin ‘to, kung ako tatanungin.
Nakakatawa o Nakakatakot?
Submitted by RJ Santos on November 7, 2008 - 10:52am. Katuwaan | Kwentong Barbero | TripKagabi, sa mall, magkakausap-usap kami ng mga kaibigan ko, nagkakatuwaan. Trip-trip, kumbaga.
Tapos, itong makulit kong kaibigan, biglang sinabi, "Kung mamamatay ka na bukas... bakit hindi pa ngayon?"
Oo, alam ko, luma na ang joke na 'yon. Naipasa na 'yon kung kani-kaninong cell phone, kaya nga hindi ako natawa eh.
Kaso, habang inuulit-ulit 'yon ng kaibigan ko, biglang may pumasok sa utak ko kaya bigla akong natawa.
Tanong ko sa mga kaibigan ko, "Pa'no kung may kasama kang nanonood ng sine, tapos nakatulog siya at hindi na nagising pa?"
"Haw Du Yu Paynd Da Pilipins?"
Submitted by RJ Santos on October 31, 2008 - 8:05pm.Madumi. Mabaho. Mausok. ‘Yan ang Maynila ngayon. Si Mayor Lim kasi ang mayor do’n ngayon eh. Pakialam ko naman, eh taga-Las Piñas ako. Hall of Famer yata ‘to sa pagka-clean and green, may international award pa. Pero siyempre, hindi naman talaga gano’n kalinis ang Las Piñas. Hindi rin siya gano’n ka-green. Nakakatawa lang na sa lahat ng bayan sa Pilipinas, ‘yan pa ang palaging nanalo ng Clean and Green. Nakakainis ding isipin na sa Pilipinas, ‘yon na ang pinakamalinis.
PGH: Parang Giyera ang Humagupit
Submitted by RJ Santos on October 8, 2008 - 3:46pm. Hospital | PGH | PoliticsGrabe.
Ang sakit pa rin ng mga kamay ko.
Kahapon kasi, nagpunta ako sa ospital, sa PGH. Dinala kasi du’n ‘yung tito ko. Ang plano lang pupunta ako du’n para dalhin ‘yung perang pambili ng gamot, pagkatapos papasok na ko sa school.
Kung Bakit sa Likod ng Huwad na Pangalan
Submitted by RJ Santos on October 7, 2008 - 2:02am. lifeMas gusto ko sana kung tunay na pangalan ko yung gagamitin ko sa pagsulat dito ng mga tula at kwento. Iba 'yung pakiramdam eh, 'pag nakikita mo 'yung pangalan mo sa tabi ng mga gawa mo. Pero hindi pa ko handa na ipaalam sa mundo 'yung tunay kong pagkatao. Bago ko gawin 'yun, gusto ko 'yung kaya ko nang buhayin ang sarili ko. Sa ngayon, hindi pa.


